Kabanata 27

10.5K 246 132
                                    

27 – Breathe

I crossed my legs when I reached the restaurant at the lobby. Caleb was there on time. Siya lang ang naroon at mukhang sa kaniya ko nga lang talaga ipaliliwanag ang plano. There's no assistant or anything.

I breathed deeply as we look at each other's eyes. Naka-ekis ang braso ko sa dibdib habang siya ay prenteng nakaupo sa tapat ko. Mayroong maliit na ngiti sa labi niya kahit na masama ang tingin ko sa kaniya.

I can't help but to feel the wild beating of my heart. Halos limang minuto na yata kaming narito ngunit walang nagsasalitang kahit sino. He was just wearing a simple shirt. Hindi gaya tuwing kasama niya si Noelle na pumunta rito. Ganoon din ako at hindi na nag-abala pang mag-ayos. I put my hair down and wore a simple top. Ang cross niyang kwintas ay pinaglalaruan niya ngunit nalipat ang kamay niya sa pisngi niya.

He chuckled. "Ang sarap ng sampal mo. Damang-dama ko."

I clenched my jaw and rolled my eyes. Nanatili ang mapang-asar na ngiti niya habang hinahawakan ang pisngi.

"Kung narito tayo para pag-usapan ang kahapon, aalis na ako." Malamig kong sabi.

"We're here to talk about my wedding."

"Para saan pa ang mga iyan?"

Itinuro ko ang mga platong inilalapag ng waiter sa lamesa namin. He even ordered food for us. Sigurado ba siyang usap tungkol sa kasal ang gusto niya?

"Do you want to talk while hungry?" He asked. "Kumain muna tayo."

Nang matapos sa pag-serve ang waiter ay nagpaalam na siya sa amin. Caleb started mixing his pasta. Inis akong bumaling sa pagkain bago bumalik sa kaniya.

"Is this one of your games, Caleb? Dahil hindi ko gustong makipaglaro o makipagbiruan sa'yo."

"Kakain lang tayo." Seryoso niyang sagot.

Bumuga ako ng marahas. I don't believe him. Ang usapan din noong nakaraan ay tutulong lang ako sa pagpili ng suit. Pero, saan niya dinala ang usapan? Hindi ko alam ngunit parang kahit anong gawin namin, hindi man namin gustuhin, ay bumabalik kami sa nakaraan. Akmang magsisimula na siyang kumain nang tignan niya ako.

"Are you going to stare at me all day?" He pointed at my plate. "Eat your food."

I inhaled deeply and started mixing the pasta with the sauce. Wala naman akong balak kumain at hindi ako nagugutom kaya bakit ko ito kakainin? Isa pa, hindi ako pumunta rito para kumain. I am here for work.

"The pasta's great." He commented.

Hindi ko iyon pinansin. I can't help but to be uncomfortable whenever he's around. Lalo na ngayong kami lang ang magkasama. Pakiramdam ko ay may mali kaming ginagawa. I feel like he's cheating on Noelle with me. Kailangan ko na yatang sabihin sa babaeng iyon ang totoo. She might fire me but at least I told her the truth.

"Do they have Afritada on their menu?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Inaasar mo ba ako?"

"What? Anong inaasar?" He chuckled. "I'm just asking.. Kung mayroong Afritada."

Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim para habaan ang pasensiya ko. I can still remember the night when I told him that's my favorite dish. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa?

"Walang Afritada. Wala ring Adobo."

He nodded and asked again. "Kape, mayroon?"

"Caleb, ano ba?" Inis kong sabi.

Mahina siyang tumawa at nagpatuloy sa pagkain. Ni hindi ko pa nga natitikman ang pasta. I kept on just mixing it with the sauce. Binitiwan ko ang tinidor at tinignan siya nang seryoso.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant