Kabanata 18

7.2K 182 70
                                    

18 – Peace

Trigger warning. A sensitive scene ahead. Read at your own risk.

Napagdesisyunan naming manatili lamang sa isang mukhang burol sa malapit. Tanaw doon ang ilaw ng siyudad. Nagtatayugang mga gusali ang tanawin namin dahil wala naman ang lagi naming tinitignang mga bituin. Madilim na at malamig ang simoy ng hangin. Gusto sana naming gawin ang ginagawa namin noon sa Ilocos ngunit wala naman ang nakasanayan naming windmills dito.

Dinilaan ko ang tumutulong ice cream at pinunasan ng tissue ang labi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Caleb habang pinagmamasdan ang city lights.

"Miss ko na ang Ilocos.. Lalo na ang windmills."

"Let's go there after you graduate."

Ngumuso ako. "Ang tagal pa.. Miss ko na rin sina nanay."

Inakbayan niya ako upang lalo akong lumapit. He was eating his chocolate ice cream too. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok ko upang ayusin ang tumatabon sa mukha ko.

"Will you work at Ilocos after you graduate?"

Nagkibit-balikat ako. "Puwede rin. Dito sa Maynila o sa Ilocos ang pagpipilian ko."

Noon ay gustong-gusto kong mag-Maynila. Pero ngayon, okay na rin sa akin kung sa Ilocos na lang. Makakasama ko pa ang pamilya ko.

Tiningala ko siya. "Ikaw? Dito lang sa Maynila?"

"I think so. I want to work in huge firms. I wanna be a judge someday."

Napangiti ako at bumuntong-hininga. "Kung sa Ilocos ko pala pipiliing magtrabaho, makakahiwalay tayo."

Sumandal ulit ako sa kaniya habang kumakain ng ice cream. Natutok ang mga mata ko sa mga ilaw. Gabi na rin at dapat na kaming umuwi ngunit ayoko pa. Pagbalik namin sa bahay na iyon ay balik na naman kami sa dati.

"I can work in Ilocos if you want." Suhestiyon niya.

"Puwede ring dito na lang ako sa Maynila."

"You don't have to adjust for me. Kung saan mo gusto, doon tayo."

Kumunot ang noo ko at umalis sa pagkakasandal para tignan niya. He chuckled when he saw my face. Agad siyang kumuha ng tissue para punasan ang labi ko.

"Puwede bang ganoon? S'yempre, dapat tignan natin ang point ng isa't isa. Hindi puwedeng laging ako, Caleb." Ani ko.

"Paano kung gusto kong laging ikaw?"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Paano kung hindi puwede ang gusto mo?"

"Bakit hindi?"

Nawala ang saya sa puso ko kanina at ang pumalit ay ang pag-aalala sa katotohanang alam na ng mama niya ang tungkol sa amin. Kahit si kuya ay ganoon din.

"Alam ng mama mo iyong tungkol sa atin." Mahina kong sabi.

Inaasahan ko ang gulat niya ngunit hindi iyon dumating. He stayed silent and just looked at me. Sa reaksiyon niyang iyon ay alam ko na.

"Hindi ka nagulat. Alam mo nang alam niya."

Umiwas siya ng tingin. Kumirot ang puso ko at hinawakan ang pisngi niya upang paharapin muli sa akin. Hindi puwedeng iwasan na lang namin ito.

"Hindi ka ba natatakot sa iisipin nila? Siguradong galit ang mama mo sa'yo ngayon."

"She is. But she can't do anything about us.." matapang niyang sabi. "Alam ni papa at ni lolo. Calum knows too."

"Paano?" Naguguluhan kong tanong.

Hindi agad siya sumagot. Umihip ang malamig na hangin sa pagitan naming dalawa. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang hawakan niya ang kamay ko. His eyes looked determined.

The Stars Above Us (Louisiana Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon