Chapter 30

411 14 4
                                    


Chapter 30

Inayos ko pa muna ang sarili ko bago ako nagdesisyong lumabas na ng kwarto ko.

Ngunit natigil ako sa paghakbang pababa ng hagdan ng maalala ang sinabi ng katulong sa akin kanina.

Narito raw si Dwight kasama sila Mommy and Daddy? A-At maski si Deigo ay narito rin? Oh gosh! Bakit sila nagsabay?

Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan, napaamang ang labi ko ng makitang wala naman si Deigo sa living room. Isa lang ang ibig sabihin nito. Maaaring nasa dining area na sjya at kasama sila Mommy do'n!

"Oh, bakit nagmamadali ka?" Gulat na tanong sa akin ni Manang ng makasalubong ko siya sa pintuan papasok ng dining area.

Malalim akong napabuntong-hininga. "Nandiyan na po ba sila sa loob?" Tanong ko.

Tumango naman sa akin si Manang. "Oo kanina pa. Ikaw na lang ang hinihintay. Mabuti na lang at nandito kana."

"Sige po, Manang."

Pinapasok naman agad ako ni Manang. Ngunit natigil ako sa paglalakad ng makita silang lahat.

Nang maramdaman ang presensya ko, sabay-sabay pa talaga silang nilingon ako.

Si Mommy and Daddy ay nakaupo sa magkatabing upuan sa harapan. Habang si Deigo ay nakaupo sa upuang nasa tapat ni Dwight.

"Mabuti naman at narito kana." Nakangiting sabi ni Mommy.

Ngumiti ako kay Mommy at naglakad palapit sa kanila para humalik sa kanilang pisngi. "Good evening, Mom." I said and kissed her cheek. Pagkatapos ay lumapit naman ako kay Daddy. "Good evening, Dad."

"Good evening, maupo kana." Tumango ako sa utos ni Daddy.

Nang magkatinginan kami ni Deigo ay ngumiti siya kaya nginitian ko rin naman siya. Hindi ko inaasahan na tatayo siya at ipaghihila ako ng upuan na nasa tabi niya mismo.

Mahina akong natawa ngunit naupo na rin ako. "Thank you." Nagkibit balikat naman siya habang nakangiti.

"Okay, pwede na ba tayong kumain?"

Napatingin ako kay Mommy na siyang nagsalita. Sobrang tamis ng ngiti niya habang nakatingin sa amin ni Deigo.

"Yes, Mom. Pasensya na po at pinaghintay ko kayo."

Nagsimula na kaming kumain. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng lagyan ni Deigo ng kanin at ulam ang plato ko. Napatingin ako kay Mommy ng marinig siyang tumikhim. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha ng makita ang nang-aasar na tingin ni Mommy sa akin. Habang si Daddy naman ay nakangiti.
Hala!

Hindi ko alam pero dahan-dahang nalipat ang tingin ko kay Dwight. Napaamang ang labi ko ng makitang kunot ang noo niya habang nakatingin kay Deigo na naglalagay ng napakaraming pagkain sa plato ko.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng bigla na lang tumingin sa akin si Dwight. Dali-dali kong binalingan ng tingin si Deigo na sa wakas ay natapos na sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Ang dami naman." Natatawang sabi ko. Natawa rin naman siya ng tignan ang pagkain sa plato ko.

"Magpakabusog ka." Natatawang sabi niya.

"Pero ang dami naman nito."

"Kaya mo naman 'yan." Nakangiting sabi ni Deigo. Napailing-iling na lang ako at saka na nagsimula ng kumain.

Sobrang dami ng pagkain ko. Mukhang balak pa ni Deigo na patabain ako sa sobrang dami niyang nilagay. Sayang naman kung hindi ko mauubos.

Hinayaan ko lang sila na nag-usap-usap. Pinakilala pa nga ni Daddy si Deigo at Dwight sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit nandito ngayon si Dwight. Ganoon din naman si Deigo.

Nang matapos kaming kumain doon ko lang nalaman na may mahalaga pa lang pag-uusapan sina Daddy and Dwight about business kaya narito siya ngayon.

Magkasama kami ngayon ni Deigo. Narito kami sa labas ng Mansion. Pinili naming sa garden na lang mag-usap.

"About the issue, i'm sorry." Panimula niya. Alam na pala niya. Ang akala ko ako lang. Muntik ko na ngang makalimutan na may issue kami dahil siguro ito sa dami ng nakain ko. Mabuti na lang at pinaalala niya.

"Ayos lang 'yon. Wala ka namang kasalanan hindi ba?"

He shook his head. Mahina akong natawa. "Lilipas din 'yon. Kung magkokomento pa tayo malamang mas lalo lang silang hindi matatahimik."

"You're right." Tumatango-tangong sabi ni Deigo.

Parehas naman naming hindi alam na mangyayari 'to. Masyado lang talagang ma-issue ang mga tao.

"Are you mad at me?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Deigo. "Bakit naman ako magagalit sa'yo? Hindi naman ikaw ang may gawa no'n. Sabi ko nga, hayaan na lang natin sila. Alam naman nating dalawa na magkaibigan lang tayo 'di ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya at saka ako tumingin sa kanya.

Agad na nag-iwas ng tingin si Deigo. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero may nakita akong bakas ng sakit sa mga mata ni Deigo bago pa siya mag-iwas ng tingin sa akin.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa garden bago kami nagdesisyong pumasok na ulit sa bahay.

Nakipagkuwentuhan lang saglit si Deigo bago siya nagpasyang magpaalam na kila Mommy and Daddy na uuwi na.

"Sige, mag-iingat ka. Louise, hinatid mo na si Deigo sa labas."

Agad akong tumango sa utos ni Mommy. Sumama na ako kay Deigo palabas ng Mansion.

"Paano, aalis na ako." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti rin naman ako sa kanya. "Sige, mag-iingat ka."

Hindj siya nagsalita kundi tinitigan niya ako. Pakiramdam ko naestatwa ako mula sa kinatatayuan ko ng humakbang siya palapit sa akin dahilan kung bakit sobrang lapit na namin sa isa't isa.

"A-Ah.."

Hindi ako nakagalaw ng maramdaman na lumapat ang malambot na labi ni Deigo sa noo ko. Nang lumayo siya sa akin nginitian niya ako at kinawayan.

"Bye, Louise. Good night!"

Hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanya dahil sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang nangyari. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon!

Malalim akong napabuntong-hininga at saka na ako tumalikod ngunit napasinghap ako sa gulat ng nanlilisik na mga mata ni Dwight ang sumalubong sa akin.

What the hell?

A-Anong nagawa ko?

Seducing Mr. TurnerKde žijí příběhy. Začni objevovat