Chapter 3

650 59 0
                                    

Chapter 3

"Anong nangyari d'yan?" Rinig kong tanong ni Jeffery kay Brianna. Habang nasa akin ang tingin nilang dalawa.

Kanina pa ako nakapangalumbaba dito sa lamesa habang nakatulala sa kawalan. Pag kaalis ko sa kompanya, dito ako dumeretso sa Mansion nila Brianna.

"Broken hearted." Natatawang sabi ni Brianna. Hanggang sa, parehas na silang tumatawang dalawa.

Masamang tingin ang pinukol ko sakanilang dalawa ng lingunin ko sila.

"What's funny?!" I asked.

Sabay din silang huminto ng marinig ang tanong ko at ng mapansin ang masamang titig ko.

"Wala hehe."

I rolled my eyes. "Tss."

Narinig kong napabuntong hininga si Brianna. "Ano ba kasing nangyari?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Naupo pa talaga silang dalawa ni Jeffery sa upuang nasa harapan ko.

"Anong ginawa sa'yo ni Dwight? Nalaman ko lang kanina kay Manang Loleng na pinagluto mo ng lunch si Dwight. Totoo ba?"

Si Manang Loleng talaga! Chinismis pa talaga kay Brianna.

"Totoo ba?" Nakangising tanong niya sa akin.

Imbis na sagutin ang kanyang tanong, sumimangot lang ako.

"Hmm. Hindi ba niya nagustuhan?" Muli na naman niyang tanong. Habang si Jeffery, nakapangalumbaba na habang nag hihintay sa isasagot ko sa mga tanong ni Brianna sa akin.

"Hindi ko alam kung nagustuhan niya." Mahihimigan ang pag kalungkot sa aking boses ng sabihin ko iyon.

Malalim akong napabuntong hininga bago nag simulang mag kwento tulad ng nais nilang dalawa.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng matapos ikwento sakanilang dalawa ang nangyari kanina sa office ni Dwight.

"Masakit ba?"

Agad kong sinamaan ng tingin si Jeffrey dahil sa kanyang tanong. "Ano sa tingin mo?" Masungit kong tanong sa kanya.

Natatawa namang nag taas siya ng dalawang kamay na parang sumusuko.

Inirapan ko na lang siya ng mag peace sign pa siya sa akin.

Kailangan ba talagang tanungin pa kung nasaktan ako kung halata naman na ang sagot? Minsan, nakakainis talaga 'tong si Jeffrey. Bagay lang talaga sila ni Brianna.

Napatingin ako kay Brianna ng bigla siyang tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nang makapasok siya sa kusina, binalik ko na ang tingin ko kay Jeffrey na parang tangang nakangiti sa akin.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo d'yan?" I asked irritated.

Nakangiti naman siyang umiling sa akin kaya naman, inirapan ko lang siya. Muling napunta ang tingin ko kay Brianna na, kalalabas lang ng kusina bitbit ang mga pag kaing hawak niya.

Agad namang tumayo si Jeffrey para tulungan si Brianna.

"Meron pa sa kusina."

"Sige, ako na do'n." Si Jeffrey.

Tumango naman si Brianna kay Jeffrey bago muling nag patuloy sa pag lalakad palapit sa akin.

Napanguso ako ng ilagay lahat ni Brianna ang mga pag sa harapan ko mismo.

"Ubusin mo 'yan."

"Ha?!"

"Sabi ko, ubusin mo 'tong lahat."

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa iba't ibang pag kain na nasa lamesa. Sa sobrang dami nito, talagang seryoso si Brianna na ipapakain niya sa akin lahat?

Seducing Mr. TurnerOnde histórias criam vida. Descubra agora