Prologue

1.6K 83 5
                                    

Prologue

"DWIGHT TURNER IS SO DAMN HOT, Louise!" She hysterically said. Ang mga mata ni Brianna ay nag niningning habang nakatanaw kay Mr. Dwight Turner na nasa bar counter.

"Hindi ko naman tinatanong." I said boredly and rolled my eyes.

Nandito kami ngayon sa second floor ng bar kaya naman, kitang-kita namin kung ano ang nangyayari sa ibaba.

Sinimangutan ako ni Brianna. "Ang sabihin mo, bitter ka lang talaga." She said and laughed at me.

I raised my eyebrow. "What are you talking about?!"

Nag salubong na ang kilay ko ng lumakas pa lalo ang pag tawa ni Brianna.

"Girl, alam naman nating dalawa kung bakit ka ganyan. Move on na girl. Ang tagal na din simula ng i-reject niya ang proposal ng Dad mo." She said straightforwardly. Hindi man lang nag dahan-dahan.

Napatiim bagang ako sa sinabi ni Brianna. Muling bumalik sa alaala ko, ang aalalang matagal ko ng pilit na kinakalimutan. Ang nangyari sa amin ni Dwight, two years ago.

Si Dwight ay kababata ko. Mag kaibigan si Mommy at ang Mommy niya kaya madalas kami noon sa kanila nung hindi pa namamatay si Tita Sarah, ang Mommy ni Dwight.

Hindi ko naman aakalain na mamahalin ko siya sa murang edad. Hanggang sa mag dalaga ako ay dala-dala ko pa din 'yon. Ang lihim kong pag-ibig sa kanya.

Two years ago ng mag karoon ng pag kakataon na mapasaakin si Dwight.

Mag me-merge ang companies namin kung papayag siyang maikasal sa akin. Tuwang-tuwa ako ng malaman 'yon mula sa magulang ko.

Ngunit ilang araw lang ang lumipas, nalaman kong ni-reject ni Dwight ang proposal ni Dad. Sinabi niyang hindi niya gustong ikasal sa akin. Ngunit pumayag pa din siyang mag merge ang company namin at ang company niya ng walang kapalit.

Sobra akong nasaktan dahil doon. Hanggang ngayon hindi pa din mawala-wala sa alala ko ang sakit na dinulot ni Dwight sa akin.

"You know what, ito na ang panahon na hinihintay ko." Matapang akong tumingin kay Brianna.

Kunot ang nuong nakipag titigan sa akin si Brianna. "Anong ibig mong sabihin?" She asked.

I smirked. "Simple lang. I'll seduce him. At sa oras na, bumigay siya sa mga kamay ko, iiwan ko siya. Gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit na pinaranas niya sa akin."

Napa 'O' ang bibig ni Brianna sa sinabi ko. Hindi ko binigyang pansin 'yon. Nag salin ako ng wine sa baso ko at muling tumingin kay Brianna.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya ng makabawi sa pag kagulat.

Muli ko siyang pinag taasan ng kilay. "Mukha ba akong nag bibiro?" Masungit na tanong ko.

Dali-dali naman siyang umiling. "Pero paano? Paano mo gagawin 'yang plano mo?" Ang kanyang boses ay mahihimigan mo ng pag aalala. "Hindi mo naman 'to kailangan gawin para lang makaganti—" I cut her off. Masyado na siyang maraming sinasabi.

"Shut up. Mag tiwala kana lang sa akin."

Napakagat pa muna siya sa pang ibabang labi niya bago dahan-dahang tumango.

"Good." I said and smirked.

Well, Mr. Dwight Turner, mag handa kana.

I, Louise Reyes will seduce you.

A/N: Hope you like it guys! I purple y'all <3

Seducing Mr. Turnerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن