Chapter 49

498 14 5
                                    

A/N: Enjoy reading!

Chapter 49

-

"Hi." I greeted him happily. Nang makalabas ang tatlong empleyado ay agad akong pumasok sa loob ng office ni Dwight. Tapos na rin naman kaming mag-usap ni Mhelanie at masaya ako para sa kanya.

"What are you doing here?" Kunot-noong tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya. Inilapag ko muna ang paper bag na dala-dala ko sa table niya bago ako prenteng naupo sa visitor's chair niya.

"Let's have lunch together."

Napaamang ang labi niya pero nginitian ko lang siya at saka ko binuksan na ang paper bag para ilabas ang pagkain naming dalawa. "Sabi ni Mhelanie, hindi kapa kumakain."

"Hindi ako nagugutom."

Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi nagugutom o hindi niya lang ako gustong kasabay?

Nagpangalumbaba ako sa lamesa niya habang deretso ang tingin sa kanya.

"Talaga?" Nakangising tanong ko. Kunot-noo siyang tumingin sa akin. Hindi rin naman iyon matagal dahil agad din siyang nagbaba ng tingin. Inirapan ko siya.

"What are you doing here? Alam ba ng asawa mo na narito ka?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

I smiled and shook my head. "No. Kailangan pa ba?" Tanong ko sa kanya at saka ko siya binigyan ng isang nakakalokong ngisi.

Ang mga mata niyang walang emosyon ay nakatitig sa akin. "Hindi na ba tayo pwedeng magkita?" I asked seductively. Ang habang dalawang daliri ko ay nagpaikot-ikot sa table niya.

"Wala naman tayong ginagawang masama, hindi ba?" Nakangising tanong ko sa kanya. "Kung gusto mo, pwede naman may gawin tayo-"

"Shut up." Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinawanan ko siya. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko.

"Calm down." I said and chuckled. "Mag-lunch na lang tayo. Dinalhan na kita. Bayad sa paghatid sa akin kagabi." Nakangising sabi ko. Paniguradong maski siya ay naalala pa ang nangyari sa amin. Siguro naman wala siyang pinagsisisihan hindi ba? Kung meron man, ang kapal ng mukha niya.

"Kung ayaw mo naman, pwede ako na lang." I said softly. "Ang i-lunch mo." Dagdag ko na ikinalaki ng mata niya na ikinatawa ko naman ng malakas. Hahaha!

"Hey! Hahaha! I'm just kidding!" Natatawang sabi ko sa kanya at saka ako umayos ng upo. "Pero pwede rin naman." I said and winked at him.

Nakitang kong napatingin sa akin si Dwight ng tanggalin ko ang coat na suot-suot ko kaya tumambad sa harapan niya ang suot-suot kong tube dress. Tube dress ang suot ko ngayon na pinatungan ko lang ng coat.

"Ang init naman dito sa office mo." Nakangising sabi ko at saka ako nagpangalumbaba sa harapan ni Dwight. Nang magtama ang tingin namin, pinagtaas-taasan ko siya ng kilay.

"Kainin mo na ako-este, kumain na tayo?"

Nagsalubong ang kilay ni Dwight pero hindi siya nagsalita. Hindi talaga siya palasalita pagdating sa akin 'no? Sinasarili niya ang gusto niyang sabihin.

"Ayaw mo pa rin? Ang arte mo ha!" Inis na sabi ko sa kanya. "Masarap pa naman ang mga in-order ko." Sabi ko at saka siya inirapan.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka ko binuksan ang paper bag na dala ko, inilabas ko ang mga pagkain.

"Nalaman ko, favorite mo raw ang mga 'to." Nakangiting sabi ko at saka ko isa-isang tinignan ang mga pagkaing dala-dala ko. "Kung ihahain ko rin ba ang sarili ko magiging isa ba ako sa mga pabirito mo ring kainin?"

"Stop it!"

"Oh, bakit?" Natatawang tanong ko sa kanya. Ang sama na naman ng tingin niya sa akin ngayon. "Chill, nagbibiro lang naman ako. Masyadong mainitin ang ulo mo."

"Why are you doing this?"

Natigil ako sa pagbubukas ng tapper ware ng marinig ang tanong niya. Seryoso akong tumingin sa kanya. "Sa tingin mo? Bakit ko nga ba 'to ginagawa?" Tanong ko sa kanya.

Sumeryoso siya sa sinabi ko. I sighed heavily. "Mabuti pa, kumain na tayo. Nagugutom na ako. Alam kong ikaw din."

Humingi ako ng dalawang plato kay Mhelanie kanina, kaya ang isa, nilagyan ko na ng mga pagkain pagkatapos ay iniabot ko kay Dwight.

"Oh, kumain ka."

"Hindi ba't si Mr. Bartolome dapat ang kasama mo ngayon at hindi ako?" Seryosong tanong sa akin ni Dwight.

"Pero ikaw ang kasama ko ngayon." Sagot ko sa kanya. Hindi ko sinagot ang tanong niyang dapat si Deigo ang kasama kong nagla-lunch at hindi siya.

"Talagang naniniwala ka na mag-asawa kami?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi ba?" Tanong niya. I smirked at him.
"Tell me, bakit mo hiniwalayan si Stephanie? Magsabi ka ng totoo at magsasabi rin ako sa'yo ng totoo." I said seriously.

Nandilim ang mga mata ni Dwight na nakatingin sa akin dahilan para mapaatras ako. Hindi ko inaasahan na ganoon na lang katalim ang tingin niya sa akin na tila napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.

"D-Dwight."

Padabog siyang tumayo at saka mabilis na naglakad palabas ng office niya habang ako ay naiwang mag-isa sa loob.

Napabuga ako at tila ngayon lang nakahinga ng maluwag ng makaalis siya.

Damn. Anong nangyari? B-Bakit bigla na lang nagkaganoon ang lalaking 'yon? Wala naman akong ginawang mali hindi ba?

Nagtatanong lang naman ako! Dahil gusto kong malaman matagal na kung may kinalaman ba ako o wala sa paghihiwalay nilang dalawa ni Stephanie.

Desperada ako! Desperada akong malaman ang totoo mula kay Dwight.

Kaya lahat gagawin ko, malaman ko lang ang lahat mula sa kanya!

Malalim akong napabuntong-hininga at saka napatingin sa mga pagkaing nasa table ni Dwight.

Hindi man lang namin na kain! Tsk! Nakakainis!

Wala akong magawa kundi ang iligpit ang mga pagkain at ipasok muli sa paper bag. Aissh! Mukhang kakain akong mag-isa!

Ilang saglit pa, pumasok si Mhelanie sa loob at naabutan niya akong nagliligpit ng mga pagkain.

"Ma'am? Ano pong nangyari? Mukhang galit po si Sir, ah." Nag-aalalang tanong sa akin ni Mhelanie.

I sighed heavily. "Hayaan mo siya!"

"A-Ah, nag-away po ba kayo, Ma'am?" Tanong ulit sa akin ni Mhelanie. Tumingin ako sa kanya at saka ako tumango.

"Yes. Hindi na rin kami nakakain. Sa'yo na ito."

Binigay ko na kay Mhelanie ang pagkain namin bago ako umalis.

Nakakainis!

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now