Chapter 6

466 15 0
                                    

Chapter 6

Parehas kaming nakapangalumbaba ngayon ni Brianna. Nandito kami ngayon sa library at nakatambay. Ako kanina pa nakapangalumbaba habang malalim ang iniisip. Si Brianna naman ay nakapanglumbaba rin habang na sa akin naman ang kanyang tingin.

I sighed heavily. "Brianna!" Asik ko dahilan kung bakit tumawa siya ng malakas.

"Alam mo, Louise. Kaysa magpaka-broken hearted ka d'yan, kumain na lang kaya tayo sa cafeteria dahil nagugutom na ako kanina pa." Mahabang sabi niya sa akin.

"Tss.  Fine."

Napangiti naman si Brianna sa pagpayag ko sa sinabi niya. Simula kasi kaninang vacant time namin ay nandito na lang kaming dalawa. Nagugutom na rin naman ako lalo na lunch break na. Sabay kaming nag-ayos ng mga gamit namin at saba din kaming tumayo mula sa pagkakaupo.

Naikuwento ko na nga rin sa kanya ang nangyari kanina ng dumaan ako sa office ni Dwight. 

"Ano na namang iniisip mo diyan?"

Napatingin ako kay Brianna na kararating lang. Pagkarating namin ng cafeteria ay siya na ang nag-order ng pagkain namin habang ako naman ay ang naghanap ng table naming dalawa.

Ibinaba niya ang tray na may lamang pagkain namin sa lamesa bago siya naupo at saka kunot ang noong tumingin sa akin.

"Louise."

"Wala." Nakasimangot kong sabi at saka ko na kinuha ang mga pagkain ko.

"Iniisip mo na naman ang nangyari kanina."

Natigil ako sa pagsubo ng kanin ng marinig ang sinabi ni Brianna kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mo, Louise, ewan ko sa'yo!" Masungit na sabi sa akin ni Brianna at saka niya ako inirapan bago siya nagsimula na sa pagkain niya.

Napailing-iling na lang ako at saka na nagpatuloy na sa paglalakad.

"Hi,  girls!"

Sabay kaming napatingin ni Brianna kay Jeffrey na sobrang lawak ng ngiti habang naglalakad palapit sa amin.

"Andito na naman po siya."

Mahina akong natawa ng marinig ang sinabi ni Brianna.

"Nagdala ako ng Adobo. Favorite mo." Sabi agad ni Jeffrey ng makalapit sa amin. Naupo siya sa tabi ni Brianna.

"Ang effort mo naman. Talagang pinagdala mo pa ng Adobo si Brianna." Natatawang sabi ko kay Jeffrey na kinindatan naman ako kaya mas lumakas ang pagtawa ko.

"Sinabi ko bang dalhan mo 'ko n'yan?" Masungit na sabi ni Brianna kay Jeffrey. "Anong tingin mo sa akin wala akong pambili iyan,  ha?"

Ayan na naman po sila. Napailing-iling na lang ako at saka na nagpatuloy sa pagkain habang pinapakinggan silang dalawa.

"Dinalhan lang naman kita ang dami mo ng sinabi." Nakasimangot na sabi ni Jeffrey habang nagbubukas ng lunch box niya. Oo nga naman kasi. Ang dami ng sinabi ni Brianna, eh.

"Kain na nga 'yan!"

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko ng makitang inagaw ni Brianna ang Abodo na hawak-hawak ni Jeffrey. Aarte pa, kukunin din naman. Hahaha!

"What's funny?"

Natigil ako sa pagtawa ng marinig ang boses ni Brianna. Pagtingin ko sa kanila, nakatingin na rin pala silang dalawa sa akin. Napaamang pa ang labi ko ng makita ang masamang tingin sa akin ni Brianna.

"Nothing." sagot ko naman sa sinabi niya. Natawa na lang ulit ako ng irapan ako ni Brianna.

"Kumain na nga tayo." Si Jeffrey.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now