Chapter 22

401 17 1
                                    

Chapter 22

Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyang makaalis si Diego Bartolome. Pinanood ko naman ngayon si Brianna na ngiting-ngiti habang naglalakad papalapit sa akin.

Tinaas-taasan niya ako ng kilay. "Gusto ka no'n."

Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Brianna. "Ano namang sinasabi mo diyan?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

She laughed. "Totoo 'yon. Kanina habang pinapanood ko kayo, 'yon agad ang napansin ko."

"Kung ano-ano ang sinasabi mo. Ikaw nga, iniwan mo ako rito." 

Natatawa siyang naupo. "Papunta na sana ako kaso nakita ko si Mr. Bartolome na naupo sa upuan ko."

Napakunot ang noo ko. "Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Wala ako naaalalang binanggit ko ang pangalan niya.

Napakunot ang noo ni Brianna. "Hindi mo siya kilala?" Hindi makapaniwalang tanong naman niya sa akin ngayon.

"O-Oo."

Napaamang ang labi ni Brianna at ilang saglit pa, mahina siyang natawa. "Oh gosh! Hindi ko alam na hindi mo siya kilala."Iiling-iling na sabi niya. "Kilala ang pamilya nila. Tulad natin. Anak siya ni Mr. Bartolome, kilala mo naman siguro hindi ba?"

My jaw dropped. "S-Siya ang anak ni Mr. Bartolome?" Gulat na gulat na tanong ko.

"Uh-oh." Nakangiting sabi niya. Lalo tuloy akong nagulat at hindi nakapagsalita.

Ibig sabihan, siya ang pinag-uusapan namin nila Mr. Bartolome noon! Ang tanga mo, Louise. Hindi mo agad naisip!

"Siya pala 'yon." Mahinang saad ko. "Ano ba, Brianna!" Agad kong tinulak si Brianna dahil nagulat ako, sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Nginisian niya ako. "Anong siya pala 'yon?" Nakangiting tanong niya sa akin.

I smirked at her. "Gusto mong malaman?"

Para siyang batang mabilis na tumango-tango sa akin. "Of course!"

"Ayoko nga!" I said and smiled at her. "Saka na pagnakapagkuwento kana sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya na ikinasama naman ng mukha niya.

"Tss. Bahala ka nga." Inis na sabi niya sa akin. Nagkibit balikat naman ako at saka ko siya nginitian. Fair na kami 'di ba?

Ilang saglit pa, umalis na rin kami ng library at nagtungo na sa klase namin. Maswerte kaming dalawa dahil sa lahat ng class ay magkasama kami.

"Susunduin ka ba ni Jeffrey mamaya?" Tanong ko kay Brianna pagkaupo namin. Nandito na kami ngayon sa classroom.

"Bakit mo tinatanong?"

"Bakit masama ba? Ikaw, Brianna. Napakamasekreto mo." Nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam." Sagot niya.

"Oh, 'di ba? Masasagot mo naman pala tapos parang hirap na hirap ka pa." Natatawang sabi ko sa kanya.

Last class na namin ng makita ko si Jeffrey. Mukhang nasagot na ng maayos ang tanong ko kanina kay Brianna na hirap na hirap sa pagsagot.

Kinawayan ko si Jeffrey dahilan para mapatingin si Brianna sa kanya. Kasalukuyan na kaming nag-aayos ng mga gamit namin dahil tapos na ang klase.

"'Yung sundo mo." Nang-aasar na sabi ko sa kanya at saka ko binitbit ang gamit ko. "Mauna na ako sa inyo. Bye!" Nakangiting pagpapaalam ko at saka ko siya kinindatan.

Hindi na ako nagawa pang pigilan ni Brianna dahil derederetso na ang paglalakad ko palayo. Paglabas na paglabas ko, nagpaalam na rin ako kay Jeffrey.

"Sige, mag-iingat ka!"

"Ingat din kayo." Nakangiting sabi ko bago nagpatuloy na sa paglalakad palayo.

Ngunit natigil ako sa paglalakad ng marinig na tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ng bag ko. Agad kong sinagot ang tawag ng makitang si Mommy ang tumatawag.

"Hello, Mommy?" Nakangiting bati ko pagkasagot ko ng tawag.

"Sweetheart, may klase ka pa ba?"

"Wala na po, Mommy."

"Good. Pwede bang makisuyo, Louise? Busy kasi kami ng Daddy mo. Nasa parking lot na ng University si Manong Berto. Nasa kanya na ang papeles na ipapasuyo ko sana sa'yo." Naglalambing na sabi ni Mommy kaya napangiti ako.

"Sure, Mommy. Kanino po ba namin ibibigay?"

"Thank you, Honey. Kay Dwight. Hindi kasi namin na idaan ng personal kanina."

Natigilan ako ng marinig ang pangalan na binanggit ni Mommy. K-Kay Dwight? Oh, gosh!

"Louise? Okay lang naman kung—"

"Mommy, okay lang po. Ako na po ang mag-aabot sa kanya." Sabi ko kaagad ng putulin ko ang sinasabi ni Mommy. Ayoko kasing magtampo siya sa akin.

"Really? Sige, take care. I love you!"

"I love you too, Mom."

Nang mamatay ang tawag. Malalim akong napabuntong-hininga. Ano na ngayon? Naka-oo na ako kay Mommy at ayoko namang bawiin ang pinangako ko na. Baka magtampo lang sa akin si Mommy. Nandito na rin si Manong Berto at mukhang kanina pa naghihintay sa akin.

Eh, kung ipasuyo ko na lang sa iba? Mabilis akong napailing sa naisip. Nako. Syempre, hindi pwede!

Malalim akong napabuntong-hininga bago nagdesisyon ng magpatuloy maglakad patungo sa parking lot ng University.

Bahala na. Aalis din ako kaagad pagkabigay ko. Hindi ko naman na kailangan pang magtagal doon dahil alam kong matagal na akong hindi naman talaga welcome sa office niya. Pinipilit ko lang ang sarili ko.

Pagkarating ko sa parking lot. Nakita ko naman kaagad ang Van namin kaya nagtungo na ako doon. Ngumiti ako kay Manong Berto na nginitian din naman ako.

"Tara na po Mang Berto. Sa Turner's Company po."

Agad namang siyang tumango. "Sige po, Ma'am."

Napatingin ako sa mga papeles na nasa tabi ko. Akala ko, tuloy-tuloy na ang pag-iwas ko sa kanya pero mukhang hindi. Hindi ko pa magagawa sa ngayon.

Kaya naman buong byahe, iniisip ko kung ano ang gagawin ko pagdating sa Company niya.

Kaya nang nasa harapan na kami ng napakalaking building ng company ni Dwight ay hindi na ako nakagalaw sa kinauupuan.

Hindi ko man alam na muli akong makakapasok sa loob ng Company na pagmamay-ari ni Dwight.

"Ma'am Louise, nandito na po tayo."

Tanging pagtango lang ang naisagot ko. Nanginginig pa ang kamay ko ng mahawakan ang papeles na iaabot ko sa kanya.

I sighed heavily. Louise, calm down.

Louise, kaya mo 'to!

Kaya mo at kakayanin mo!

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now