Chapter 51

312 10 3
                                    

Enjoy reading!

Chapter 51

-

"Louise, You're drunk!" Sigaw ni Dwight sa akin kaya naman narinig ko ang sinabi niya sa akin. Sa lakas ng music dito sa loob ng bar ay halos hindi ko na nga rin marinig ang sinabi niya. Idagdag mo pang nagsisigawan din ang mga tao rito ngayon sa loob ng bar dahil sa malakas na tunog ng music na pinapatugtog ng dj. I smirked because of that.

Sobrang lapad ng ngiti ko ng tumingin ako kay Dwight na nakakunot na ang noo habang nakatingin siya sa akin ngayon. Pilit ko siyang hinihila ngunit ayaw naman niyang magpahila sa akin kaya naman sinimangutan ko siya at saka ko siya inirapan. "What?!" I asked him. "Let's dance!" I shouted. Nilakasan ko na ang boses ko para marinig niya ang sinabi ko sa kanya.

He shook his head. "No! You're drunk!" Sigaw din niya sa akin para marinig ko siya. I laughed out loud because of that. Hindi ko alam na napaka-kj ni Dwight kaya naman tinawanan ko siya.

"Come on! You're so KJ!" Sigaw ko ulit at saka ko siya hinila patungo sa dance floor ang kaso nga lang ay mas malakas siya sa akin kaya naman hindi ko siya nahila kundi ako ang nahila niya. Dahil sa kalasingan ko ay mabilis niya lang akong nahila at agad akong napasubsob sa dibdib ni Dwight na siyang ikinagulat ko dahil hindi ko iyon inaasahan. Nanlaki ang mga mata ko at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

Naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa nangyari. At tila bumagal ang buong paligid ko ng mag-angat akong tingin at nang magtama ang mga mata namin ni Dwight. Unti-unting napaamang ang labi ko dahil doon.

May kakaibang emosyon akong nakikita sa mga mata ni Dwight ngunit hindi ko naman mapangalanan kung ano iyon. Kung ano ang emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata. Alam ko na lasing ako pero hindi ko naman inaasahan na darating ngayon si Dwight at siya na ang kasama ko ngayon.

Napapikit ako at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ni hindi ko na nga naririnig ang malakas na musika sa paligid namin at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko naman alam na hanggang ngayon ay siya pa rin pala. Siya pa rin pala ang tinitibok nitong puso ko. Siya lang naman ang tanging lalaking nakakapagpatibok ng malakas sa puso ko. Gustuhin ko man na ganoon din ako sa kanya, hindi ko naman gustong umasa at ayaw ko ng masaktan pa.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ko bago ako dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Pagmulat na pagmulat ko, nagtama rin agad ang tingin namin ni Dwight. Hindi ko naman alam na hindi pa rin pala niya inaalis ang tingin niya sa akin.

I smirked. Ang mga mata ko ay alam kong mapungay na habang nakatingin ako sa kanya. Dala na rin ito ng kalasingan ko kaya naman nangyayari ito sa akin ngayon. "D-Do you want to kiss me?" I asked him and i chuckled a bit.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Dwight dahil sa sinabi ko. At ilang saglit lang napatiim bagang siya bago siya nagsalita. "Let's go." Sabi niya sa akin at saka niya kinuha ang kamay ko para hilain ako.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon kaya naman mabilis kong hinila agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nakita ko naman na natigilan siya ngunit hindi ko naman na siya pinansin pa. "N-No! H-Hindi ako uuwi!" I shouted. Muli na namang napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya naman tumawa ako.

Halos hindi ko na mabalanse ang katawan ko dahil sa kalasingan ngunit nandito naman siya para alalayan akong makatayo ng maayos. "Alam mo ba kung bakit ako nandito ngayon?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nagsalita sa sinabi ko at nanatili lang siyang nakatingin sa akin at mukhang hinihintay niya pa ang ibang sasabihin ko sa kanya.

"Because of you!" I shouted at him. Alam ko na narinig niya ang sinabi ko at wala naman na akong pakialam kung may iba pa bang nakarinig sa sinabi ko. Ang mahalaga ay masabi ko sa kanya kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko at hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Alam ko na nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata ko dahil hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin niya at ganoon din naman ako sa kanya. Napakarami kong gustong sabihin sa kanya ngayon dahil alam ko na ito na ang pagkakataon ko.

"Palagi mo na lang ako—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sa kanya at ang paghampas ko sa dibdib niya dahil mabilis niya na akong hinapit palapit sa kanya at hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari.

Kasabay ng paglakas ng pagtibok ng puso ko ay ang paglapat ng labi ni Dwight sa labi ko. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Hindi rin naman nagtagal iyon dahil humiwalay din mula sa akin si Dwight at saka siya muling tumitig sa akin. Ang kanyang mga mata ngayon ay mapupungay na habang nakatingin siya sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil nga hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa mga nangyari. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"Yes.." He said. Hanggang sa bumaba muli ang tingin niya labi ko na napaamang naman dahil sa ginawa ko. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkislap ng mga mata niya habang nakatingin siya sa labi ko. "I want to kiss you." He whispered at me. 

Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko muli ang paglapat ng labi ni Dwight sa labi ko.

He's kissing me now.

A/N; Hope you like it guys! Sorry sa matagal na update.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now