Chapter 47

343 9 0
                                    

Chapter 47

-

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng magtama ang tingin namin ni Dwight.

Oh-uh..

Anong iniisip niya ngayon? Hindi ko mabasa sa mukha niya dahil wala ni isa akong makitang emosyon sa mga mata niya.

"Ang sweet niyo naman po, Ma'am." Nakangiting sabi ng isang empleyado kaya nabaling doon ang tingin ko.

Lihim akong napangiwi. Lalo na ng makita ko ang ibang empleyado na kinikilig na nakatingin sa aming dalawa ni Deigo.

"Louise, let's go."

Napaamang ang labi ko ng maramdamang hinawakan ni Deigo ang kamay ko bago ako hinila palabas ng elevator. Hindi nakatakas sa paningin ko ang makitang bumaba ang tingin ni Dwight sa magkahawak naming kamay ni Deigo kaya napangisi ako.

Derederetso kaming naglakad ni Deigo patungo sa office ko. Hindi ko na tuloy nalingon pa si Dwight. Nakita ko na lang na sumara na ang pinto ng elevator. Tapos na ang board meeting? Hindi na nga talaga ako nakahabol pa.

"Aalis na rin ako."

Napatingin ako kay Deigo ng magsalita siya. I smiled and nodded. "Sige, salamat sa paghatid."

Ngumiti naman si Deigo sa akin. "Susunduin din kita mamaya."

"Nako, hindi na kailangan." Mabilis na pagtanggi ko kay Deigo. Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko ng makitang natigilan siya. "A-Ah, ano kasi, magkikita kami ngayon ni Brianna." Pagdadahilan ko at saka ngumiti kay Deigo.

"Oh, okay." Nakangiting sabi niya at mukhang naniwala naman sa sinabi ko.

Ilang saglit pa, umalis na rin si Deigo. Kaya naman binaling ko ang tingin sa secretary ko na nagulat.

"M-Ma'am, hehe." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka saglit na yumukod bilang pagbati.

Ngumiti ako at saka tumango sa kanya bago ako naupo sa visitor's chair at saka sumenyas sa kanya na maupo na siya.

Nag-aalangan man, naupo rin naman siya.

"Anong ginawa ni Dwight dito?" Tanong ko sa Secretary ko na si Layla. May mga empleyado rin naman na nagpunta rito pero si Dwight talaga ang gusto kong malaman ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito.

Walang emosyon siyang nakatingin sa amin ni Deigo kanina. Malamang! Nahuli pa niya kaming magkayakap. Wait, nagseselos kaya siya?

Mukhang mas mag-e-enjoy pa ako ngayong mas maniniwala si Dwight na mag-asawa nga kami talagang dalawa ni Deigo.

Kahit ayaw ko, hindi ko mapigilang gamitin si Deigo. Paniguradong alam naman ni Deigo na ang tingin sa amin ni Dwight ay mag-asawa kami. Maski nga ang mga empleyado. Paano ba kasi kumalat ang balitang 'yon?

"Kayo po ang hinahanap kanina, Ma'am."

Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi ko. Ako pala ha? Ano namang kailangan niya sa akin?

"Sinabi niya ba kung bakit?" Tanong ko ulit.

Umiling naman si Layla. "Hindi po, Ma'am."

"Sige, salamat."

Naglakad na ako papasok sa loob ng office ko. Okay lang, magkikita naman kami mamaya.

Alam kong nakaalis na rin ng Company si Dwight. Hindi man lang niya hinintay 'no? Masyado siyang nagmadaling makaalis.

Psh! Hindi ko hahayan na hindi kami magkita ngayong araw. Pupuntahan ko siya sa Company niya mamaya. Lalo na sa nangyari sa amin kahapon? Itutuloy namin! Char!

Nagpaka-busy muna ako sa trabaho. Hindi naman kailangang puro si Dwight na lang ang asikasuhin ko.

Natigil ako sa pagbabasa ng mga papeles ng bigla na lang bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.

Dahan-dahan akong napahawak sa labi ko. Gosh! Hindi ko inaasahan na si Dwight pa rin ang makakakuha ng first kiss ko! Oh gosh! Pakiramdam ko tuloy, nasa labi ko pa rin ang napakalambot na labi ni Dwight hanggang ngayon!

Argh! Ang harot mo, Louise! Nagtratrabaho ka, remember? Pfft. Kinikilig naman kasi ako, eh!

Sumandal ako sa sviwel chair ng upuan ko at saka nagpaikot-ikot.

Kung hindi siguro umeksena si Mang Kanor kagabi, ano na kayang nangyari sa amin ni Dwight?

Hindi naman siguro ako bibigay, agad-agad hindi ba? Ayoko naman na sa kotse ang una!

Hala! Napahawak ako sa magkabilang pinsgi ko ng pakiramdam ko pinamumulahan ako ng mukha.

"Ehem. Ehem!"

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa pintuan ng office ko. Lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita si Brianna na nakasandal sa pintuan ng office ko habang malawak ang pagkakangising nakatingin sa akin.

"Hi!" Pagbati niya at saka kumaway sa akin.

Napaamang ang labi ko at saka ako napailing-iling. "Brianna?"

"Yes, best friend?" Ngiting-ngiting sabi niya.

"K-Kanina kapa rito?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka nakita niya iyong ginagawa ko kanina. Hala! Nakakahiya! Ano ba 'yan, Louise!

Pakiramdam ko pulang-pula na lalo ang buong mukha ko ng makitang tumango-tango si Brianna. Sagot sa tanong ko.

"Yes, Darling. At nakita ko ang lahat." She said and winked at me.

Agad akong napatakip sa mukha ko at saka umiling-iling.

"Aaah! Briannaa!"

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Brianna. "Hahaha!"

"Nakainis ka!" Sigaw ko sa kanya kaya lalong lumakas ang pagtawa niya.

Damn.

Tawa lang nang tawa si Brianna. Habang ako, masama na ang tingin sa kanya ngayon. Nakakainis! Sa susunod nga ipagbabawal ko na ang pagpasok niya rito sa office ko! Sinisira niya ang araw ko!

Hindi ko alam kung paano tumigil si Brianna sa pagtawa. Okay lang, wala naman akong pakialam.

"So," panimula niya.

Sinamaan ko na agad siya ng tingin ng maglakad siya papalapit sa akin. Nakangisi pa rin siya hanggang ngayon na ikinakainis ko. Siraulo talaga 'tong babaeng 'to! Sa susunod nga, tatanungin ko si Jeffrey kung bakit si Brianna ang gusto minahal niya.

"Alam mo, Louise. Para kang tanga kanina." Napatanga ako sa sinabi ni Brianna. Hindi man lang nagpreno. Talagang deretsahan siya kung magsalita.

Naupo siya sa visitor's chair. "Sino ba 'yang iniisip mo at kilig na kilig ka?" Natatawang tanong sa akin ni Brianna. Talaga namang nakita niya ang lahat kanina. Bakit ba kasi hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya?

"Si Dwight." Walang pag-aalinlangang sagot ko kay Brianna.

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh, what happend? Anong nangyari sa inyo kagabi?" Nagmamadaling tanong niya sa akin. Halatang nae-excite niya na magkuwento ako.

I smirked at her. "Secret."

"Damn." She said and glared at me.

Seducing Mr. TurnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon