Chapter 44

386 12 1
                                    

Chapter 44

Halos lahat ng mata ay napatingin sa amin ni Dwight ng sabay kaming tumawid sa kalsada at naglakad patungo sa karinderya. Gabi na pero marami pa ring tao ang kumakain. May mga magkasintahan pang narito. Halos lahat nga. Meron din namang magbabarkadang grupo ng mga babae at lalaki. Mukhang mabenta ang karinderyang ito. Siguro nga ay masarap ang pagkaing tinitinda rito.

Hindi ako hinayaan ni Dwight na makababa kanina ng kotse niya habang hindi ko sinusuot ang coat niya. Kaya ngayon suot-suot ko ang coat niya.

"Psh."

Napatingin ako kay Dwight. "May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Salubong ang kilay niya ng tumingin siya sa akin. "Pinagtitinginan ka ng mga lalaki, 'yan ba ang gusto mo?" Inis na sabi niya sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

Napatingin ako muli sa mga costumer ng karinderya. Nahuli ko ang mga binatang nasa akin ang tingin. Oh, kaya pala.

"Hayaan mo sila. Tara na."

Hinila ko siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Agad na may sumalubong sa amin ni Dwight. Mukhang isa ito sa taga silbi rito sa karinderya.
"Good evening po, Ma'am and Sir."

"Table for two."

Napangiwi ako sa sinabi ni Dwight. Napakaseryoso naman nito. Hindi ba niya alam na pinagtitinginan din siya ng mga dalaga rito? Okay lang naman sa akin lalo na kung na saan ang buong atensyon niya.

Napatikhim ang babaeng nasa harapan namin kaya muli akong napatingjn sa kanya. "Tara po, sundan niyo po ako."

Nauna akong sumunod sa babae habang si Dwight naman ay nasa likuran ko.

"Maupo muna po kayo."

"Okay, thank you!"

Pag-upo na pag-upo namin ni Dwight may naririnig na akong pinag-uusapan kaming dalawa. Tss. Bahala sila diyan. May narinig pa akong nagsabing halatang mayaman kami bakit daw kamj narito. Aba't bawal ba? Sana naglagay sila ng note sa kalsada na ang nakalagay ay 'Bawal kumain ang mayayaman dito'. Psh.

"A-Ano pong order niyo?"

"Ano bang meron kayo?" Tanong ko. Wala naman kasi silang menu na inaabot. Ano bang alam ko sa pagkaing tinitinda nila rito.

Ang hula ko lang naman ay masarap ang pagkaing tinitinda nila. Hindi ko lang alam kung totoo. Malalaman natin 'yan mamaya.

"Meron po kaming adobong manok at baboy, sinigang na baboy at isda. Naubos na po 'yung iba, eh."

Tumingin ako kay Dwight na napakunot naman ang noo sa mga narinig. Sa itsura niya, mukhang hindi niya nagustuhan ang mga pagkaing sinabi ng waitress.

"Hmm. Sinigang na baboy na lang ang sa akin. With rice na 'yan 'no?"

"Yes, Ma'am."

I nodded. "Okay."

"Kayo po, Sir?"

"Water."

Napaamang ang labi ko sa sinabi ni Dwight. "Wala ka bang gustong kainin?" Tanong ko sa kanya.

He shook his head. "Hindi ako nagugutom."

Nagkibit balikat naman ako. "Okay."

Tinanguan ko ang waitress. "'Yun lang ang order ko."

"Sige po, Ma'am."

Nang makaalis ang waitress, ibinaling ko na ng tuluyan ang tingin ko kay Dwight na, inililibot naman ang tingin sa paligid. Mukhang hindi siya kumportable sa ganutong klaseng lugar.

"Sigurado ka hindi ka nagugutom?" Tanong ko ulit sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Kung gusto mo, hati na lang tayo sa pagkain ko."

"No thanks."

Napangiwi ako. Ang arte naman ng lalaking 'to. Halikan ko 'to, eh.

Nang dumating ang order ko, nag-umpisa na akong kumain kaagad. Napatango-tango ako ng matikman ang pagkain. Hmm, masarap! Hindi nga ako nagkamali.

Napansin kong titig na titig sa akin si Dwight habang kumakain ako kaya natigil ako at napatingin din sa kanya.

"What are you looking at? Nagugutom ka ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya at saka umayos ng upo.

Hindi rin naman kami nagtagal, pagkatapos kong kumain, nagbayad na rin kami kaagad. Hindi pa ako makapaniwala na sobrang mura lang ng pagkain dito!

Masarap na, mura pa. Kung gusto kong magtipid mukhang alam ko na kung saan ko ipupunta si Brianna.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Dwight kaya naman nakangiti akong sumakay sa front seat.

Pagkasara niya ng pintuan ng frint seat, umikot na siya at naglakad na para makasakay na sa driver seat ng kotse niya.

Tahimik lang kami dalawa habang nasa byahe. Hindi ko alam ang iniisip niya dahil mukhang malalim. Bahala nga siya diyan.

Medyo nararamdaman ko na rin ang pagkapagod. Parang gusto ko ng matulog pero medyo malayo pa ang sa amin.

Para malibang kinalikot ko ang cellphone ko at saka ako nag-text ng message kay Brianna. Nasa bar pa ba kaya itong babaeng 'to? Ang sabi naman niya kanina ay parating na si Jeffrey. Baka magkasama na sila ngayon.

To: Brianna

Magkasa kami ngayon ni Dwight.

Ilang sandali lang, naramdaman ko na ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nakita kong si Brianna ang nag-text.

From: Brianna

Yes, i know. By the way, na saan na ba kayo?

Napangisi ako ng may maisip na kalokohan. Kaya naman, ngiting-ngiti ako habang nagta-type ng reply kay Brianna.

To: Brianna

On the way na kami sa motel. Any tips? ;)

Natawa na ako ng tuluyan ng ma-send ko na ang reply ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ng babaeng 'to? Hahaha!

"What are you doing?"

Napatingin ako kay Dwight na kunot ang noong saglit akong sinulyapan. "May kausap ako." Sabi ko sa kanya. "Ang asawa ko. Bilisan mo, baka maunahan pa niya tayong makarating sa Mansion." Pagsisinungaling ko. Napangisi ako ng makitang napatiim bagang si Dwight. Hmm, nagagalit ba siya?

Dali-dali kong tinignan ang cellphone ko ng mag-vibrate ang cellphone ko.

From: Brianna

Fuck?! Magmo-motel kayo? Oh my gosh, Louise! Nasa tamang pag-iisip pa ba kayong dalawa?"

Hindi ko na napigilang matawa ng malakas ng mabasa ang sinabi ni Brianna. Gosh! Hindi ko inaasahan na maniniwala talaga siya sa sinabi ko! Hahaha!

Muli kong binasa ang text message ni Brianna na kaka-recieved ko lang.

From: Brianna

Louise, tell me. Na saang lugar kayo? Pupuntahan namin kayo ni Jeffrey!

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mabasa ang text message ni Brianna.

Halatang nag-aalala siya sa akin. Ayoko naman noon kaya sinabi ko rin ang totoo sa kanya. Kaya sa huli, pinagmumura ako ng bruha.

Pfft.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now