Chapter 58

164 4 0
                                    

Tinawagan ko ang Secreatary ko at sinabi niya nga sa akin na hindi umalis si Dwight sa office ko at hihintayin daw ang pagbalik ko at dahil sa nalaman ko, nagpasya nga akong hindi na muna bumalik sa company. Marami na rin naman akong paper works na natapos kanina at okay lang din na mag-half day ako ngayon. Bukas na lang ako ulit papasok dahil ngayon, hindi ko kayang makita pa si Dwight. Hindi ko alam kung paano ko pa siya makakausap pagkatapos ng mga nangyari kanina. I sighed heavily.

"So what's your plan now?" Tanong sa akin ni Brianna kaya naman napatingin ako sa kanya. Narito kami ngayon sa isang restaurant at tulad nga ng sabi ni Brianna kanina ay kakain na muna kami ng lunch lalo na at maski pala siya ay hindi pa nakapag-lunch kanina. "Anong sabi ng secreatary mo?"

"Nandoon pa raw si Dwight sa office at hihintayin daw niya ako." Sabi ko naman. Napatango-tango naman sa akin si Brianna dahil sa sinabi ko sa kanya.

"So, hindi kana muna babalik sa office mo?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako sa kanya bilang pag sang-ayon sa tanong niya sa akin. Iyon nga ang plano ko. Hindi na muna ako papasok sa office. "Saan ka pupunta? Uuwi kana? Hindi ka naman pwedeng mag-bar lalo na at ang aga pa." Sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga naman ako bago ako muling nagpatuloy na sa pagsasalita.

"Hindi rin naman ako pwedeng mag-bar dahil masusundan din naman ako ni Dwight doon." Sabi ko kay Brianna at natawa naman siya sa sinabi ko bago siya napatango-tango sa akin dahil alam kong sumang-ayon siya sa sinabi ko sa kanya.

"Well, you're right. I'm sure na masusundan ka talaga niya. So, what's your plan? Maaga pa naman?" Tanong niya sa akin kaya naman napaisip naman ako kung ano ang gagawin ko after naming mag-lunch na dalawa. Iyong makakalimutan ko sana si Dwight habang nagpapalipas ako ng oras bago ako umuwi sa amin para magpahinga. Kasi kung uuwi na ako sa Mansion sigurado naman ako na mabo-bore lang ako roon kaya naman ngayon ay hindi na muna ako uuwi at mamasyal na lang muna kami ni Brianna lalo na at sasamahan naman niya ako.

"Let's go shopping." Sabi ko sa kanya. Wala na akong maisip pa na gagawin namin. Pwede naman kaming mag-travel pero hindi iyon ang trip kong gawin ngayon. Lalo na at kung magsho-shopping kaming dalawa ni Brianna ay alam ko naman na mag-e-enjoy siya lalo na at iyon ay isa sa mga paboritong ginagawa ni Brianna.

At dahil nga sa sinabi ko ay nakita ko ngang ngumisi si Brianna bago siya masayang pumalakpak sa akin. "That's great! I like that, libre mo, ha?" Masayang sabi niya sa akin. Napaamang naman ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Libre ko?

"What-" Natigil ang sasabihin ko ng pinanlakihan ako ng mata ni Brianna kaya naman napabuntong-hininga ako bago ko siya inirapan at sumagot na rin naman na ako sa kanya. "Fine. My treat." Sabi ko sa kanya at mas lalong naging masaya si Brianna dahil sa sinabi ko kaya naman ang tanging nagawa ko na lang ay ang irapan siya habang siya naman ay ang saya-saya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sigurado ako na kahit tumanggi ako ay gagawa siya ng paraan para maging libre ang pag-shopping niya. Magastos pa naman ang babaeng ito. Kaya nga hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nauubos ang pera ni Jeffrey.

"Okay, since I'm excited, bilisan na nating kumain." Sabi niya sa akin at hindi naman na ako umimik pa at sinunod na lang ang sinabi niya. Mukhang sa aming dalawa ay siya lang ang mag-e-enjoy kaya naman napailing-iling na lang ako. Kinakabahan na tuloy ako lalo na at hindi ko alam kung magkano ang magagastos ko sa babaeng ito.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin naman na kaming kumain na ni Brianna. Nagpahinga muna kami saglit bago ako nagbayad ng bill namin. At maski nga sa bill namin ay libre ko pa kaya naman wala na akong masabi pa at napapailing-iling na lang talaga ako lalo na at wala na rin naman akong magagawa pa. kaya naman after kong magbayad ng bill ay lumabas na kami ng restaurant dahil aalis na kami at magsho-shopping na nga kami.

Ang ganda-ganda ng ngiti ni Brianna dahil alam ko naman na excited na excited na talaga siya ngayon kaya naman napapangiwi na lang ako.

"Huwag kanang magreklamo pa, Louise. Ngayon mo lang naman ulit ako malilibre after mong umalis ng Pilipinas. At kahit naman gumastos ako ng malaki mayaman ka pa rin." Sabi ni Brianna at saka siya tumawa ng malakas bago niya simulang paandarin ang kotse niyang sinasakyan namin.

"Hindi naman ako nagrereklamo." Sabi ko sa kanya. Totoo naman hindi ba? Wala naman akong sinasabi sa kanya. Tinawanan naman niya ako kaya naman hindi ko na siya pinansin pa. hindi naman problema na kasama ko siya ngayon lalo na at nagpaalam naman ako kay Jeffrey kanina noong tumawag siya kay Brianna. Ang sabi ko ay hihiramin ko muna ang girlfriend niya kahit ngayong araw lang at pumayag naman sa akin si Jeffrey.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na nga kami sa mall. At ang kinatatakot ko nga ay mangyayari na. Kaya naman imbis na mag-enjoy din ako sa pag-shopping ay hindi ko na nagawa dahil ang tangi ko na lang nagawa ay ang panoorin si Brianna na halos lahat ng magustuhan niya ay gusto niyang bilhin. Bigla tuloy akong nagsisi na nag-aya akong mag-shopping kaming dalawa. Tila nanghina rin ako bigla ng maalala kong ako nga pala ang magbabayad ng mga nagugustuhan ni Brianna.

Tila mauubos pa ang laman ng card ko at idagdag mo pa na tila mawawalan ng laman ang wallet ko. Imbis na magsha-shopping din ako ay hindi ko na nga nagawa pa. naupo na lang ako sa sofa rito sa boutique kung na saan kami ngayon. Nakaupo ako habang pinapanood ko si Brianna na nag-e-enjoy. Hindi ba dapat ako ang gumagawa niyan since ako ang may problema? Mukhang nakalimutan na nga ako ng kaibigan ko. I just shook my head. Wala na nga talaga akong magagawa pa.

"Hi, good day, Ma'am. Anything you want po?' Tanong sa akin ng secreatary na lumapit sa akin. Tipid akong ngumiti at umiling sa kanya at saka ko tinuro ang kaibigan ko na busy sa pamimili ng mga dress.

"Paki-assist na lang siya. And pakisabi, 5 thousand lang ang bugget niya." Sabi ko sa saleslady na mukhang nagulat pa sa sinabi ko kaya naman mahina akong tumawa at tumango sa kanya. Nagpaalam na nga sa akin ang saleslady at nagtungo kay Brianna. Hindi ko alam kung susundin pa niya ang sinabi ko pero nakita kong kinausap niya si Brianna at pagkatapos niyang makausap nga si Brianna ay tumingin sa akin si Brianna.

Agad akong sinamaan ng tingin ni Brianna ng makita niya ako at ako naman ay tumawa naman ng malakas bago ako napailing-iling na at tumayo na sa pagkakaupo. Bahala na nga, mamimili na rin ako ng mga dresses at baka may magustuhan ako. Sabi nga ni Brianna kanina, gumastos man ako ng malaki mayaman pa rin ako. Kaya naman bahala na. 

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now