Chapter 11

436 15 0
                                    

Chapter 11

-

Natatawa akong nakatingin kay Jeffrey na nakasimangot at hawak-hawak lahat ng paper bag kung na saan nakalagay ang mga na-shopping namin. "Kaya niyo lang naman ata talaga ako niyaya para pagbuhatin nitong mga binili niyo." Nakasimangot na sabi niya. I laughed. Pinanood ko na humarap si Brianna kay Jeffrey.

"Exactly!"

"Grabe kayo sa 'kin."

"Tama na nga 'yan. Nagugutom na ako."

Nagyaya na akong kumain kaya naglakad kami Papunta sa isang thai restaurant. Mukhang pati si Jeffrey ay gutomna rin dahil sa pagod sa sobrang dami niyang hawak-hawak. Ang dami pa namang binili ni Brianna.  Halos lahat ng gusto nia ay dapat na mabili rin niya.

Nang makaupo na kami, agad kaming inabutan ng menu ng isang waitress. Sinabi ko lang ang orders ko at hinintay ang order naman ng dalawa. Ang tagal nman kasi nilang mamili lalo na itong si Jeffrey.

"How about you, Sir?" Tanong ng waitress pagkatapos makuha ang orders ni Brianna.

"Ahm, ganoon na rin ng orders niya." Sagot ni Jeffrey.

Napailing-iling na lang ako sa kalokohan ni Jeffrey. Wala ng nagawa 'yung waitress kundi sundin ang sinabi ni Jeffrey. Mukha pa namang na inis kay Jeffrey dahil paano ba naman, ang tagal-tagal niyang hinintay ang order nito tapos manggagaya lang naman pala ang loko. Nang makaalis ang waitress sabay kaming natawa n Jeffrey.

"Ang gago mo talaga!" Inis na sabi ni Brianna.

"Wala akong mapili, eh. Hindi ko naman alam kung saan do'n ang masarap.  Baka ma-offend 'yung waitress pagtinanong ko kung alin ba sa menu nila ang masarap." Sabi naman ni Jeffrey. Nakita kong napailing na lang si Brianna kay Jeffrey.

Agad na kaming kumain ng dumating na ang orders naming tatlo.

"Jeffrey?"

Sabay-sabay kaming tatlong napa-angat ng tingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Amanda na nakatayo sa harapan namin at nakatingin kay Jeffrey. "Ikaw nga!" Masaang sabi niaat saka niyakap na lang bigla si Jeffrey na nakaupo.

Inabot ko ang baso na may lamang juice at saka ako uminom habang pinapanood ang dalawa. Isama na rin si Brianna na nakakunot na ang noong nakatingin na sa dalawa ngayon.

"Amanda, anong ginagawa mo rito?" Kunot-noong tanong ni Jeffrey kay Amanda pagkatapos nitong humilay sa kanya mula sa pagkakayakap.

"Shopping!" She said sweetly. "Dadaan sana ako sa inyo ngayon pag-uwi ko. Mabuti na lang at nakita kita rito!" Masayang dagdag niya. Nakatuon ang atensyon niya kay Jeffrey kaya mukhang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kami napapansin ni Brianna na kasama kami ni Jeffrey.

"Pwede ba akong sumama na lang ngayon sa'yo—"

"No."

Lahat kami ay nabaling ang tingin kay Brianna na siyang pumutol sa sinasabi ni Amanda. At dahil do'n, napansin na niya kaming dalawa.

"Kasama mo pala sila." Sabi ni Amanda at saka kami pinagmasdang dalawa ni Brianna. Ngumiti ako sa kanya kaya ngumiti rin siya sa akin. At pagtingin ko kay Brianna, masama na ang tingin niya sa akin. I chuckled. Nag-peace sign din ako sa kanya.

"Pwede ba akong sumama na lang sa inyo?" Pang-uulit na tanong ni Amanda. Tumingin pa siya sa akin habang nakangiti at mukhang ako ang inaasahan niyang sasagot sa tanong niya. Kaya naman, tumingin ako kay Brianna.

"I said no." Brianna said coldly. Nakita kong napakunot ang noo ni Amanda dahil do'n.

"Bakit hindi? Jeffrey, bakit bawal ba?" Si Jeffrey naman ngayon ang kinulit niya. Ngunit ang tingin ni Jeffrey ay na kay Brianna na walang emosyon namang nakipagtitigan sa kanya.

"I'm sorry, Amanda. Sa bahay na lang tayo magkita."

Napaamang ang labi ni Amanda. At mukhang hindi inaasahan ang sinasabi niya. "J-Jeffrey."

"Makakaalis kana." Sabi ni Brianna.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Grabe naman 'tong si Jeffrey, pinag-aagawan na rin ng dalawang babae.

"Amanda." Si Jeffrey.

"Jeffrey, ayoko. Sasama na ako sa inyo, please? Ayoko ng wala akong kasama, eh." Pamimilit ni Amanda. Napailing-iling na lang ako. Mahirap talagang lumaki na nasusunod ang gusto mo. Tulad na lang ngayon, para na siyang iiyak dahil hindi niya makuha ang gusto niya.

"Nakapag-shopping ka ngang mag-isa 'di ba?" Maarteng sabi ni Brianna. Habang si Amanda ay masama na ang tingin sa kanya ngayon. "Kung hindi kapa aalis, tatawag na kami ng guard para kaladkarin ka palabas. Gusto mo 'yon? Say yes, madali naman akong kausap."

Whoa! Baka bestfriend ko 'yan. Hahaha!

Maraming napatingin sa amin ngayon. Ano ba 'yan, hindi pa kasi umalis si Amanda.

"N-No."

"Amanda!"

Napapitlag si Amanda ng marinig ang galit na boses ni Jeffrey. Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang napatitig kay Jeffrey. "Umalis kana. Hindi kaba nahihiya? Ang dami ng taong nakatingin sa atin ngayon dahil sa'yo."

"Jeffrey naman."

"Leave."

Wala ng nagawa si Amanda kundi ang umalis lalo na, lumapit na rin ng kusa 'yung guard sa pwesto namin ng mapansing nagkakagulo.

I sighed heavily. "Nawala tuloy 'yung gutom ko." I whispered. Kasi naman, sobrang tahimik nitong dalawang kasama ko simula ng maka-alis na si Amanda. Ano kayang nasa isip nitong dalawang 'to ngayon?

"Hindi rin kasi maganda na palagi na lang siyang pinagbibigyan. Tama 'yung ginawa mo, Jeffrey. Hindi ka dapat ma konsensya." Sabi ko. Nginitian ko siya ng tumingin siya sa akin. "Baliw na baliw talaga 'yon sa'yo 'no?"

Mahinang natawa si Jeffrey at saka napatango-tango.

"Paano pag ang pagpapakasal na sa kanya ang ipipilit niya sa'yo?" Dahil sa tanong ko kay Jeffrey, naramdaman kong napatingin sa akin si Brianna.

"Hindi naman siguro."

Napakibit-balikat ako sa sinabi ni Jeffrey. "Hindi natin masasabi 'yan. I'm sure, gagawa siya ng paraan para d'yan."

"Hindi ko naman hahayaan 'yon. Lalo na, may iba akong gusto at siya lang ang gusto kong pakasalan at wala ng iba." Sabi niya at saka tumingin kay Brianna.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang nakakalokong ngising gustong kumawala sa labi ko. Lalo na seryoso ang mukha ngayon ni Brianna habang nakatingin din kay Jeffrey.

Oh my gosh!

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now