Chapter 17

378 13 1
                                    

Chapter 17

-
A/N: Enjoy reading!

Hindi rin naman nagtagal, bumaba na si Brianna. Sa wakas at natapos rin siya sa pagpapaganda.

Pero ang kanina ko pa pinagtataka, bakit mukhang pinaghandaan ni Brianna ang suot-suot niya ngayon? Idagdag pang ang ganda-ganda ng ayos niya.

Nilingon ko si Jeffrey na nakatitig kay Brianna na papalapit na ngayon sa amin. Siniko ko siya dahilan para lingunin niya ako.

"Aalis kayo?" Tanong ko sa kanya ng lingunin niya ako. Napaamang ang labi ko ng makitang maski pala si Jeffrey ay ayos na ayos. My gosh, Louise! Bakit ngayon mo lang napansin.

Natawa ako at hindi na hinintay pa ang sagot ni Jeffrey. "Ang mabuti pa, aalis na rin ako. Hindi na ako sasabay sa inyo. Mag-enjoy na lang kayo." Nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa.

"Lou-"

"Bye!" I said and winked at them.

Sa ngayon, hindi na muna ako makikialam sa kanila pero hindi naman ako papayag na wala akong malaman lalo na at mukhang may tinatago silang dalawa sa akin na hindi ko alam. I smell something fishy.

Mukhang matutuwa akong malaman ang tinatago nilang dalawa sa akin.

Nagpaalam din ako sa mga katulong bago tuluyang umalis ng Mansion nila Brianna. Nag-text na lang ako kay Brianna na mag-iingat silang dalawa. Mukhang magde-date, eh. Na iingit tuloy ako. Kailan naman kaya kaming dalawa ni Dwight? Darating kaya ang araw na yayayain niya akong mag-date?

Pag-uwi ko ng bahay, nagpahinga na muna ako. Nalaman ko mula kay Manang Loleng na kakausapin daw ako ni Daddy mamaya.

Sasabihin na ba niya ang pagpayag ni Dwight? Ang excitement ko, nararamdaman ko na naman! Basta pagdating kay Dwight, eh.

Gusto ko tuloy magpunta sa company niya para magpasalamat agad sa kanya.

"Ma'am Louise, magmeryenda kana muna." Ngumiti ako sa katulong na naghatid ng meryenda ko. Narito ako ngayon sa living room at nanonood ng movie.

Hapon na at ilang oras na lang ang hihintayin ko, darating na sila Mommy and Daddy. Kaya habang naghihintay sa pag-uwi nila, nililibang ko na lang muna ang sarili ko sa panonood ng movie. Maganda naman ang napili kong movie dahil nakuha ito ng atensyon ko.

Hindi ko namalayang na, nakatatlo na akong movie. At nang tumingin ako sa walk clock, ala sais na.

Siguradong pauwi na sila Mommy! Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka ko pinatay ang movie na pinapanood ko.

Kailangan ko ng maligo dahil mamaya lang ay narito na sila Mommy and Daddy.

Ngumiti agad ako kay Manang Loleng ng magkasalubong ko siya. "Mukhang nag-enjoy ka sa mga pinanood mo."

Natawa ako sa sinabi ni Manang ngunit tumango rin ako. "Sobra po akong nag-enjoy. Hindi ko nga po namalayang gabi na." Natatawang sabi ko, maski si Manang ay natawa na rin.

"Sige po, Manang. Aakyat na po ako." Pagpapaalam ko. Agad namang tumango si Manang.

"Sige, ipapatawag na lang kita pag narito na ang mga magulang mo."

Nakangiti akong tumango kay Manang. "Sige po, salamat!"

Humakbang na ako paakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto ko. Inabot ako ng twenty minutes bago natapos mag-ayos ng sarili. Habang nagpapatuyo ng buhok narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ma'am Louise? Pinapatawag po ako ni Sir. Sa office daw po niya."

Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabi ng katulong. "Ngayon na?" Tuwang-tuwang tanong ko. Bakas na bakas sa boses at mukha ko ang excitement.

"Opo, Ma'am."

"Sige po, salamat!"

"Sige po, Ma'am." Naramdaman ko ang yabag ng katulong na papaalis na ngayon. Sobrang lapad ng ngiti kong humarap sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko.

"Sa wakas!"

Nagmamadali kong tinapos ang pagsusuklay ng buhok ko. Saglit ko pang inayos ang suot-suot kong damit bago nagdesisyon ng lumabas ng kwarto ko.

Tulad ng sabi ng katulong kanina, agad akong dumeretso sa office ni Daddy. Mukhang maski si Daddy ay excited na sabihin sa akin ang sagot ni Dwight dahil hindi na niya hinintay na matapos kaming maghapunan. Pero, okay naman 'yon dahil mas magkakaroon ako ng dahilan para ganahan kumain ng marami ngayong gabi.

Ngunit hindi ko inaayos ang bigla na lang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ni Daddy. Hindi ko alam pero parang kinabahan bigla ako. T-Tama ba 'tong nararamdaman ko? Tama ba 'tong senyales na makakarinig ako ng magandang balita mula kay Daddy.

Malalim akong napabuntong-hininga at nagdesisyong kumatok na sa pintuan ng office ni Daddy. Nakailang katok pa ako bago ko narinig ang seryosong boses ni Daddy.

"Come in."

Inayos ko ang sarili ko. Sa tono ng boses ni Daddy, mukhang may seryoso kaming pag-uusapang dalawa.

Muli akong malalim na napabuntong-hininga bago tuluyang pinihit ang door knob ng pintuan ni Daddy at pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay agad na akong pumasok sa loob.

Agad nagtama ang tingin namin ni Daddy ng tuluyan akong makapasok. Ngumiti ako kay Daddy. "Good evening, Daddy."

"Good evening. Have a seat." Agad kong sinunod ang utos ni Daddy. Walang reklamo akong naupo sa visitor's chair.

Sa aura ni Daddy, lalo akong kinakabahan. Hindi tuloy malaman kung maganda ba ang ibabalita sa akin ni Daddy o hindi.

Lihim akong malalim na nabuntong-hininga bago nag-angat ng tingin deretso kay Daddy. Nakita ko naman ang pagbuntong-hininga ni Daddy kaya napaamang ang labi ko. P-Para saan 'yon? Ang malalim na pagbuntong-hininga ni Daddy. Para saan ba? May problema kaya na sasabihin niya ngayon sa akin at mukhang hirap na hirap pa si Daddy.

"Daddy, are you okay?" I asked worriedly. Hindi ko mapigilang mag-alala.

"Louise."

"Daddy.."

"I'm so sorry, sweetheart."

Mabilis na tumibok ang puso ko. hindi ko alam kung para saan 'yon. "Bakit po kayo nag-so-sorry, Daddy?"

Muling malalim na napabuntong-hininga si Daddy bago deretsong tumingin sa akin. "Dwight Turner, rejected my proposal to marry you."

Seducing Mr. TurnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon