Chapter 18

366 12 0
                                    

A/N: Enjoy reading! Salamat sa pagbabasa! <3

Chapter 18

-

"Dwight Turner, rejected my proposal to marry you."

"Dwight Turner, rejected my proposal to marry you."

"Dwight Turner, rejected my proposal to marry you."

"D-Daddy.." Mangiyak-ngiyak na pagtawag ko kay Daddy ng maintindihan ng wasto ang sinabi niya. Mabilis namang tumayo si Daddy at naglakad palapit sa akin at saka niya ako niyakap.

"Shhhh.."

Tuluyang bumuhos ang luha ko ng makayakap ako kay Daddy. Hindi ko na pinansin ang narinig kong pagbukas at pagsara ng pintuan ng office ni Daddy. Hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Mommy kaya mas lalo akong naiyak.

"Louise, stop crying." Pag-aalo sa akin ni Mommy habang hinahagod niya ang likod ko.

"M-Mommy.."

"Shhhh.. We're here."

Parang tinutusok ng napakaraming karayom ang puso ko ngayon sa sobrang sakit.

H-Hindi ito 'yung inaasahan ko. Hindi ito iyon, eh! Hindi ganito! Bakit ko ba kasi inasahan na tatanggapin ni Dwight iyon? Bakit ko ba nakalimutan na ayaw niya naman kasi talaga sa akin?

Umiiyak akong humarap kay Mommy at Daddy. Mapakla akong ngumiti sa kanila. "Ayaw po talaga sa akin ni Dwight 'no?" Hindi sila sumagot dahil alam kong alam nilang tama ang sinabi ko. "Mula pa naman noong mga bata kami, ayaw na niya sa akin." Ako lang naman talaga ang nagpipilit sa sarili kong mapalapit sa kanya.

Hindi umalis si Mommy at Daddy sa tabi ko hanggang hindi naging okay ang pakiramdam ko. Wala silang sinabi ni isa na makakasakit sa damdamin ko.

Ngunit nang nasa hapagkainan kami, wala akong gana sa pagkain kaya hindi ko naubos ang sinandok na pagkain ni Mommy para sa akin.

"Mabuti pa, magpahinga kana muna."

Tumango ako sa sinabi ni Mommy. Tumayo na ako at saka nagpaalam sa kanila.

Nang nasa kwarto ako. Nakatitig lang ako sa kawalan. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko ng maalala ang sinabi ni Daddy.

Ang t-tanga ko sa part na umasa ako. Umasa akong papayag siyang magpakasal sa akin.

Bakit nga naman niya kasi gagawin 'yon? Bukod sa patay na ang mga magulang niya, wala ng dahilan para tanggapin ang proposal ni Daddy. Hindi naman niya ako mahal dahil may mahal siyang iba.

Ganito ko ba talaga siya kamahal para umasa akong sasang-ayon ang lahat sa nanaisin ko? Kaya pala kanina, nasa tapat pa lang ako ng office ni Daddy kinabahan na ako.

Siguro nga, hindi talaga kami para sa isa't isa. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal.

"Honey?"

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng marinig ang boses ni Mommy.

"Mommy."

Mabilis na nakalapit sa akin si Mommy. Naupo siya sa kama ko at saka niya ako hiniga sa hita niya. Hindi naman ako umangal.

"Nandito lang si Mommy, okay? Ayokong mag-isip ka na nag-iisa ka lang."

Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Niyakap ko siya sa kanyang bewang.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil buong gabi akong sinamahan ni Mommy sa kwarto ko.

Kinabukasan, hindi pa maayos ang pakiramdam ko patungkol sa lahat ng mga nalaman ko. May pasok ako ngayon pero wala ako sa mood na pumasok. Walang nagawa si Manang Loleng kundi ang pabayaan ako dahil nangako naman akong ngayong araw lang. Gusto kong mapag-isa kaya nasa kwarto lang ako.

Hindi ko inaasahan na bibisitahin ako ni Brianna ng sumapit ang hapon. "Louise, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya agad sa akin ng makalapit siya. Naabutan niya kasi akong nakahiga at alam kong matamlay ang itsura ko ngayon.

"Louise, may lagnat ka ba?"

Umiling ako. Inalalayan naman ako ni Brianna na makaupo at makasandal sa head board ng kama ko.

"Ang sakit pala, Brianna." Saad ko habang nakatingin sa kawalan. Sa gilid ng mata ko, nakita kong nagulat si Brianna sa sinabi ko.

"Ni-reject niya ang proposal ni Daddy na pakasalan ako." Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Oh, gosh!"

Mabilis na pinunasan ni Brianna ang luha sa mga mata ko.

"Ang sakit-sakit. Kasi naman, ang layo nito sa inasam-asam kong papayag siya. Alam mo Brianna, hindi niya talaga ako gusto. Kasi 'di ba? May girlfriend siya at alam kong mahal niya 'yon! Alam kong isa ang girlfriend niya sa dahilan kung bakit nimiya tinanggihan ang proposal ni Daddy."

Hindi nagsalita si Brianna at hinayaan niya lang ako habang nakikinig siya sa akin. Nakayakap na siya sa ngayon sa isang braso ko.

"H-Hindi ko alam ang gagawin ko Brianna."

"Louise, alam kong nasasaktan ka pero kailangan mong lumaban."

"Para saan pa?" Bagsak balikat na tanong ko sa kanya.

"Louise, hahayan mo lang ba na ganoon ang gawin sa'yo ni Dwight?"

"Gusto ko na siyang kalimutan, Brianna."

Malalim na napabuntong-hininga si Brianna. "Iyan ba talaga ang gusto mong gawin?"

I nodded. "Gusto ko na lang na kalimutan siya. Gusto kong mawala ang nararamdaman ko para sa kanya! Gusto ko na kalimutan siya, Brianna! Gusto kong makalimutan na naging parte siya ng buhay ko!"

Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ng mahigpit ni Brianna. "Matagal pero alam kong magagawa mo 'to, Louise. Tutulungan kita." Nakangiting sabi niya sa akin at saka niya muli akong niyakap.

"Nasasaktan din ako ngayong nakikita kitang ganyan." Mangiyak-ngiyak na sabi niya at saka niya ako sinisi. Sinimangutan ko naman siya kaya tinawanan niya ako.

"Nag-alala talaga ako sa'yo ng sobra sa'yo. Akala ko kung napano kana. Nalaman ko kasi kanina mula sa professor na hindi raw maganda ang pakiramdam mo."

"Salamat sa pag-aalala. Papasok na rin naman ako bukas."

Tumango-tango si Brianna. "Dapat lang. Kailangan mong magpaka-busy para makalimutan mo ang taong 'yon. Sakto, graduating na tayo."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Oo nga."

"Gusto mo bang lumabas tayo?" Nakangiting pangyayaya sa akin ni Brianna. Umiling naman agad ako.

"Ayokong lumabas."

She sighed heavily. "Sige, mag-movie marathon na lang muna tayo."

Napangiti ako sa sinabi ni Brianna. "Sige, gusto ko 'yan."

"Alright!"

Masaya ako na may kaibigan ako at si Brianna 'yon. Mukhang ayaw niyang nakikita akong malungkot kaya gagawin niya talaga ang lahat para mapangiti ako.

"Sa living room na lang tayo. Ayoko rito sa kwarto mo."

Tumango ako sa sinabi ni Brianna. Kaya naman, magkahawak-kamay kaming lumabas ng kwarto ko.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now