Chapter 52

303 12 0
                                    

A/N: Ang behave niyo naman kasi kaya nakakalimutan kong mag-ud.🤣
Chapter 52

-

I slowly opened my eyes. Nang maimulat ko ang mga mata ko, si Dwight agad ang nakita ko. Nakapikit ang mga mata niya habang patuloy niya pa rin akong hinahalikan. Kusang pumikit muli ang mga mata ko hanggang sa namalayan ko na lang na hinahalikan ko na rin pabalik si Dwight.

Hindi na naman napansin pa ang paligid namin. Wala na rin kaming pakialam kung may mga tao na bang nanonood sa amin ngayon. Tila hindi ko na nga naririnig ang tunog ng music sa loob ng bar dahil ang tangi ko na lang naririnig ay ang pagtibok ng puso ko. Umayaw man ako kay Dwight, pero ang puso ko ay hindi naman siya aayawan. Isinabit ko na ang dalawang kamay ko sa leeg ni Dwight habang siya naman ay niyakap niya ang bewang ko at saka niya ako niyakap palapit sa kanya para palalimin ang halik.

Nang maghiwalay ang labi naming dalawa, iminulat ko ang mga mata ko dahilan para magtama ang mga mata namin ni Dwight. Ang kanyang mga mata ay mapupungay na habang nakatingin siya sa akin ngayon.

Bumuka ang labi ko pero hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nga. Muli na naman niya akong hinalikan. Napangisi naman ako dahil doon. Ano ba ang ibig sabihin nito ngayon? Hindi naman na ako nagdalawang isip pa dahil sinagot ko rin naman ang kanyang mga halik.

Hindi ko na namalayan pa ang sunod na nangyari, namalayan ko na lang na hawak-hawak na ngayon ni Dwight ang kamay ko habang hila-hila niya ako palabas ng bar kung na saan kami ngayon.

Habang ako naman ay wala sa sariling nagpahila na sa kanya. Hindi ko naman na namamalayan ang mga nangyayari dahil sa kalasingan ko. Napangiti ako ng maalalang nagkahalikan kami ni Dwight. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at saka ako napapikit.

"Get in." Napamulat ako ng mga mata ng marinig ko ang sinabi sa akin ni Dwight. Nang tumingin ako sa kanya, inalalayan naman niya akong makapasok sa loob ng front seat ng kotse niya. Hindi naman na ako nagreklamo pa. "Wear your seat belt." Sabi na naman niya sa akin kaya naman tumango ako sa kanya.

Sinara na rin naman niya ang pintuan ng front seat ng kotse niya at saka na siya umikot para makasakay na rin naman sa driver seat ng kotse niya. Pinagtuunan ko naman ng pansin ang seat belt ko. Napakunot ang noo ko ng hindi ko magawang i-lock ang seat belt sa sarili ko.

"What's wrong?" Tanong naman sa akin ni Dwight at saka siya tumingin sa akin. Sumimangot naman ako sa kanya at mukhang nalaman naman na niya ang problema ko. Kaya naman lumapit siya sa akin dahilan para muli na namang magwala ang puso ko. Ang lakas-lakas na naman ng pagtibok ng puso ko ngayon.

Nagkatitigan kaming dalawa. Alam kong mapungay na rin ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. Napapikit ako at nang imulat ko ang mga mata ko, bumaba ang tingin ko sa labi ni Dwight. Sa labi niyang tila nang-aakit na mahalikan.

Kaya naman dahan-dahan ko ng inilapit ang mukha ko sa mukha ni Dwight hanggang sa tuluyan ko ng madampi ang labi ko sa labi niya. Napapikit na muli ako.

Nang maghiwalay ang labi naming dalawa ni Dwight, muli kaming nagkatitigang dalawa. "I w-want you." I whispered.

Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko pero hindi rin naman nagtagal ay napatiim bagang siya at saka siya malalim na napabuntong-hininga. Napaamang naman ang labi ko ng umiling siya sa akin at pagkatapos ay mabilis niyang kinabit ang seat belt ko bago siya lumayo sa akin at umayos ng upo sa driver seat.

Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari at naramdaman ko na nasaktan ako sa pagtanggi niya sa akin. Hindi ko naman iyon inaasahan kaya naman nagulat ako.

"No." Rinig ko pang sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Nagtama naman ang mga mata namin dahil nakatingin din naman siya sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko na lang siya pinansin pa pero narinig ko naman na napabuntong-hininga siya.

"You're drunk." Sabi niya pa sa akin kaya naman tuluyan ko na siyang nilingon pa.

"I'm not!" I hissed. He just shook his head at me.

"You are. At kung gagawin natin 'yon, magsisisi ka pagkagising mo." Sabi niya sa akin at saka siya nag-iwas ng tingin at sinimulan ng paandarin ang kotse niya. "Ihahatid na kita."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Dwight. Natulala ako at natigilan ng ma-realize ang sinabi niya sa akin. He's right. Siguro nasasabi ko lang 'to ngayon dahil nga lasing ako at kung ano man ang gagawin namin ngayon na gusto ko, malamang ay maaari kong pagsisihan pagkagising na pagkagising ko.

Tuluyan na akong nag-iwas ng tingin at saka na ako umayos mula sa pagkakaupo ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng front seat ng kotse ni Dwight.

Hindi ko na alam ang mga nangyari ngayong gabi. Napahawak ako sa labi ko ng maalala ang mga halik ni Dwight sa akin kanina. Totoo ba ang lahat? Napakabilis ng mga pangyayari kaya naman naguguluhan ako, Idagdag mo pang lasing ako kaya naman ganito na lang ako kung mag-isip ngayon.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Dwight na nandito ako ngayon sa bar. Hindi ko naman sinabi sa kanya at wala rin naman akong pinagsabihin na nasa bar ako. Tama ba? Aish! Hindi ko maalala! Napatingin ako kay Dwight na seryoso ang mukha habang nakatingin sa daan dahil nga siya ang nagmamaneho.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nasa bar ako. At hindi ko rin naman alam ang dahilan niya kung bakit siya nandito ngayon at sinundo ako. Ang hirap intindihin ng lalaking 'to! May nararamdaman na ba siya sa akin?

Bakit niya pa kasi ako pinapahirapan? Hindi naman ako magpupunta sa bar kung hindi dahil sa kanya! Tapos bigla ko na lang siyang makikita dahil susunduin niya ako.

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdamang sumakit ang ulo ko. Sumandal ako sa salamin ng front seat at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Mukhang makakatulog pa ako rito ngayon.

A/N: Hope you like it guys!

 

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now