Chapter 43

391 13 2
                                    

A/N: Enjoy reading!

Chapter 43

-

"Ma'am, ito na po ang drinks niyo."

Napangiwi ako ng dumating ang bartender. Mabilis ang naging kilos ni Dwight na makalayo sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang bartender na agad namang nag-iwas ng tingin sa akin at saka na lumayo. Istorbo!

"What are you wearing?" Tanong ni Dwight kaya napatingin ako sa suot-suot ko.

"Hmm, dress?"

He tsked. "Yes, i know." Oh, bakit nagtanong pa siya?

Ngunit hindi ko inaasahan na huhubarin ni Dwight ang coat niya at saka ito inilagay sa legs ko para matakpan.

Napaamang ang labi ko at hindi makapaniwalang nag-angat ng tingin kay Dwight. "Ang iksi. Pinagtitinginan kana ng mga lalaki sa sobrang ikli ng suot-suot mo."

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Kaya nagulat ako ng bigla na lang siyang tumayo. "S-Saan ka pupunta?" Gulat na tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako at muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy napigilan ang pamulahan ng mukha. Mabuti na lang at nakatalikod na siya bago niya pa makita.

"Let's go."

"Huh?"

Nagulat ako ng bigla na lang akong nilingon ni Dwightm idagdag mo pang sobrang sama na ng tingin niya sa akin.

"Ihahatid na kita." Sabi niya at saka nauna ng naglakad.

"A-Ano? Teka, Dwight!" Mabilis akong naglakad para lang maabutan siya. Ano ba kasi 'yan! Ang lalaki ng mga hakbang niya!

"Ang bilis mo namang maglakad!" Asik ko dahilan para tumigil siya sa paglalakad.

Saglit niya lang akong nilingon bago siya muling naglakad palabas ng club kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

Kaya naman, hinihingal ako ng makarating kaming dalawa sa parking lot.

Walang sabi-sabing binuksan niya ang front seat ng kotse niya. Pero hindi ako pumasok dahilan pa muli siyang mapatingin sa akin.

"May kotse akong dala." Sabi ko.

"Get in. Ako ng bahala sa kotse mo."

"Pero-"

He cut me off. "No more buts."

"Fine!"

Wala tuloy akong nagawa kundi ang sumakay sa front seat ng kotse niya. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam pa kay Brianna. Pero siguro aware naman siya sa nangyayari.

Pagkasarado ni Dwight ng pintuan ng front seat ng kotse niya, umikot na si Dwight para makapasok na rin siya sa driver seat ng kotse niya.

"Wear your seatbelt."

Hindi ako nagsalita pero sinunod ko ang inutos niya. "Saan kita ihahatid?"

Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. Saan niya ako ihahatid?

Oh, muntik ko ng makalimutan. Gusto kong matawa ngunit tanging ngisi lang ang magagawa ko.

Napatingin siya sa akin ng tanggalin ko ang seatbelt ko. "Bababa na ako."

"No. Hindi ka babalik sa loob."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ano naman ngayon sa'yo kung babalik ako sa loob?"

Hindi siya nagsalita kaya naman binuksan ko na ang pintuan ng front seat. Ngunit napasinghap ako ng maramdam ang kamay ni Dwight sa braso ko.

"Louise."

Nilingon ko siya. "Kung gusto mo ikaw na lang ang umuwi."

"Ihahatid na kita." He said coldly. Napatiim bagang pa siya.

"Susunduin ako ng asawa ko."

Natigilan siya sa sinabi ko na ikinangisi ko naman. "Pero busy siya, eh. Sige ihatid mo na ako." Tuwang-tuwang sabi ko sa kanya. Napatiim bagang na naman siya.

"Kung ayaw mo naman, babalik na lang ako-" Natigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang siyang nagmaneho na ikinangiti ko. Ngiting-ngiti kong ibinalik ang pagkakakabit ng seatbelt ko.

"Sa Mansion mo ako ihatid." Ngiting-ngiting sagot ko. Mukhang hindi na mawawala ang ngiti sa labi ko, ah. Ano bang ginagawa mo sa akin, Dwight?

Nasa akin pa rin ang coat ni Dwight hanggang ngayon. Nakatakip pa rin sa hita ko.

Napangisi ako ng may maisip na kalokohan. Umayos ako ng upo pagkatapos ay inalis ko ang coat na nakatakip sa hita ko dahilan para lingunin ako ni Dwight.

"Fuck! What are you doing, Louise?!" Mabilis na kinuha ni Dwight ang coat niya sa akin at saka niya muling ipinatong sa hita ko.

Hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ni Dwight kaya nagulat ako at hindi agad nakagalaw.

Sumama ang mukha niya at saka inis na binaling ang tingin sa daan. "Nakikita mo ba 'yang suot-suot mo? Napakaikli!" Reklamo niya at saka ako saglit na nilingon. "Hindi ko alam na pinapayagan ka niyang magsuot ng ganyan." Mahinang saad niya pero narinig ko pa rin naman.

"Hayaan mo na nga ako! Ang init kaya!" Sabi ko at saka ko muling inalis ang coat ni Dwight na tumatakip sa hita ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Dwight kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "Wala namang problema sa suot-suot ko, ah!" Pagtatangol ko sa suot-suot ko na pinag-iinitan ni Dwight.

"Fine. Bahala ka sa buhay mo."

Ngumisi ako at saka tumingin sa labas ng bintana. Malayo pa lang ay may natatanaw akong isang karinderya kaya agad ko iyong itinuro kay Dwight. Mukhang masarap naman ang pagkain dahil natatanaw kong maraming tao.

"Kain muna tayo. Ayun, oh!" Masayang sabi ko kay Dwight. Nakita kong tinignan niya ang tinuturo kong karinderya. Napakunot ang noo ko ng umiling siya.

"No."

"Pero nagugutom na ako!"

Tumingin siya akin. "No. Hahanap tayo ng restaurant."

Napatanga ako sa sinabi niya. I shook my head. "Gutom na gutom na ako. Diyan na lang!" Sabi ko at saka tinuro ang karinderya na malapit na naming madaanan.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya sinamaan ko rin siya. "Alam mo ang arte mo. Kung ayaw mo, edi ako na lang! Ibaba mo ako diyan!" Inis na sabi ko sa kanya at saka hinagis ko sa kanya ang coat niya.

Napatiim bagang siya at saka malalim na napabuntong-hininga. "Fine! Basta isuot mo 'to." Sabi niya at saka muling iniabot sa akin ang coat niya.

Napangisi naman ako. "Okay." Nakangiting sabi ko at saka kinuha sa kanya ang coat niya.

Madali naman pa lang kausap 'to eh. Aarte pa papayag din naman. Akala ko, hahayaan na niya akong kumain mag-isa, eh.

Tuwang-tuwa ako ng huminto kami sa gilid ng kalsada na nasa tapat ng karinderya. Nakita ko pang natigilan ang mga tao at napatingin sa kotse ni Dwight.

Pero hindi ko sila pinansin. Kundi, mabilis kong hinawakan ang kamay ni Dwight.

"Halika na!"

Naramdaman kong natigilan si Dwight kaya natigilan din ako.

Damn.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now