Chapter 27

416 12 0
                                    

Chapter 27

-

"W-Wow!"

Tuwang-tuwang nagtatakbo ako sa buhanginan. Habang ang mga kamay ay sinasalubong ang malamig na hangin.

Sobrang tamis ng ngiti kong lumingon kay Deigo na nakangiti habang pinapanood ako. Nakatayo pa rin siya hanggang ngayon sa lugar kung saan ko siya iniwan. Habang ang kanyang isang kamay ay nasa bulsa ng pants niya.

"Ang ganda-ganda rito!" Masayang sabi ko at saka muling naglakad ng talikuran ko siya.

Hindi ko inaasahan na dadalhin ako ni Diego sa isang beach resort.

Ilang saglit pa naramdaman kong nasa likuran ko na si Deigo kaya muli ko siyang nilingon.

"Private resort niyo?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman siya.

"Dito ako nagpupunta paggusto kong mapag-isa."

Kahit gabi na, kitang-kita ko pa rin ang ganda ng resort nila Deigo. Dumagdag pa ang mga lights na nagsisilbing ilaw namin.

Naunang naupo sa buhanginan si Diego kaya naman naupo na rin ako sa tabi niya mismo. Nasa tapat kami ng dagat. Tuwing umaalon ay umaabot sa paa ko ang tubig dahilan para makiliti ako.

Para tuloy akong batang tuwang-tuwa sa tubig ng dagat tuwing tumata ang tubig sa balat ko. Natatawa na rin ako tuwing naririnig kong tinatawanan ako ni Deigo.

"Deigo?"

Sabay kaming napalingon ni Deigo sa matandang lalaki na tumawag sa kanya.

"Mang Kanor."

Nang tumayo si Diego ay tumayo rin ako. "Magandang gabi po." Pagbati ko.

Ngumiti ito sa akin. "Magandang gabi rin, hija." Bati rin niya sa akin bago muling binalik ang tingin kay Deigo.

"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka rito at may magandang dalaga kang kasama. Sana ay nakapaghanda kami."

Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Mang Kanor. Nahihiya tuloy ako ngumiti sa kanya ng tumingin siya sa akin.

Natawa naman si Deigo na nasa tabi ko. "Biglaan lang po. At saka hindi rin naman kami magtatagal, Mang Kanor."

Napakunot ang noo ni Mang Kanor sa sinabi ni Deigo. "Gabi na. Bakit hindi na lang kayo rito magpalipas ng gabi?"

"Hindi na, Mang Kanor. Biglaan lang din ang pagpasyal namin dito."

Ilang minuto pang pakikipag-usap kay Mang Kanor, nagpaalam na itong aalis na. Kaya naman, naiwan na muli kami ni Deigo rito.

"Thank you." Saad ko. Pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa.

Nilingon naman niya ako. "Para saan?"

Ngumiti ako sa kanya. "Dahil dinala mo ako rito."

He chuckled. "Did you like it?"

Nakangiti akong tumango sa kanya. "Dito na muna tayo."

"Sure."

Ilang minuto pa kaming nanatili sa resort nila Deigo bago kami nagpasyang umalis na.

"Babalik pa ba tayo rito?" Tanong ko sa kanya ng makapasok siya sa driver seat ng kotse niya.

"Why not?"

Napangiti ako at saka na umayos ng upo. Kinabit ko na rin ang seat belt ko. Nang tignan ko ang oras, napaamang ang labi ko ng makitang ten o'clock na. Masyado ata kaming nag-enjoy ni Deigo at inabot kami ng ganitong oras.

Seducing Mr. TurnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon