Chapter 7

438 12 0
                                    

Chapter 7
-
Natigil ako sa pagbaba ng kotse ng makita ang isang pamilyar na sasakyan na naka-park sa garahe namin. Kauuwi ko lang galing sa Mansion nila Brianna. Nanlaki ang mga mata ng makilala kung kaninong kotse ang narito ngayon sa garhe namin. Kay Dwight!

Anong ginagawa niya rito? Kanina pa kaya siya nandito?

Binitbit ko na ang bag ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan ko. Binilisan ko ang paglakad ko papasok ng Mansion haggang sa tuluyan akong makapasok sa loob.

"Mabutinaman nakauwi kana." Napunta agad kay Manang Loleng ang tingin ko ng marinig ang boses niya.  Naglakad ako palapit sa kanya at saka ako nagmano.

"Manang, nakita ko po 'yung kotse ni Dwight sa labas. Nandito po siya?" Tanong ko. Ang kaso napasimangot ako ng makita ang unti-unting pagsilay ng isng nakakalokong ngiti sa labi ni Manang.

"Manang naman eh. Nagtatanong lang naman po ako." Tinawanan naman ako ni Manang bago siya tumango-tango sa akin.

"Nandoon siya sa Office ng Daddy mo at mukhang may importanteng pinag-uusapan. "

Napatnago-tango naman ako.  "Sige po, aakyat na ako. "

Pagkatapos kong magpaalam kay Manang ay umakyat na ako ng hagdan. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo na ngayong alam kong nandito sa Mansion si Dwight. Maghahapunan na at sure akong dito na rin siya magdi-dinner. Excited na tuloy ako na makasama ulit siang mag-dinner.

Nagbihis at nag-ayos lang ako ng sarili bago muling bumaba. Naabutan ko si Mommy at Manang sa kusina.

"Hey, Mommy!" Lumapit ako kay Mommy at saka humalik sa pisngi niya.

Nagluluto sila ngayon ni Manang Loleng. Itong si Mommy kasi ay mahilig talagang magluto lalo na masarap siyang magluto. Palagi rin siya ang nagluluto tuwing may bisita kami tulad ngayon. Gustuhin ko mang magpresintang ako na ang magluluto ang kaso nahihiya ako lalo na hindi pa naman talaga ako magaling magluto. Kaya naman, pinanood ko na lang silang dalawa ni Manang Lolng habang nagkukuwentuhan kami.

"Baka tapos na rin ang Dadd mo at si Dwight na mag-usap. Tawagin mo na para mag-dinner na tayo." Utos sa akin ni Mommy ng matapos silang magluto ng tatlong ulam na iba't ibang putahe. Maghahain na rin naman sila kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo para sundin ang inutos ni Mommy.

Nasa second floor ang office ni Daddy kaya naman umakyat na muli ako nang hagdan. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng office ni Daddy, kumatok ako ng tatlong beses bago ako nagsalita.

"Daddy? Dinner is ready!" I said sweetly.

"Susunod na rin kami, sweetheart."

"Okay po."

Tutal susunod na rin naman daw sila, nauna na akong bumaba ulitatmagtungo na sa dining area kung saan nakahain na ang mga pagkain.

"Susunod na rin daw po sila, Mommy." Nakangiting sabi ko kay Mommy bago ako naupo. Tumango naman si Mommy.

"Hintayin na lang muna natin sila.  Nagugutom kana ba?" Tanong sa akin ni Mommy.

I smiled and nodded. "Opo, pero hintayin na lang po muna natin sila." Excited pa naman akong makita si Dwight. Kinalimutan ko na 'yung mga nangyari kanina lalo na nalulungkot lang naman ako pagnaaalala ko 'yun.

Ilang saglit pa ay pumasok na rin ng dining area sila Daddy and Dwight. Nginitian ko agad si Dwight ng makitang tumingin siya sa akin. Tumayo ako at humalik sa pisngi ni Daddy bago ako muling naupo. Kinikilig ako ngayong nakaupo sa tabing upuan ko si Dwight. Ang bango-bango niya! Tapos 'yung puso ko, ambilis na naman ng pagtibok.

"Louise?"

Gulat akong napatingin sa Mommy ng marinig na tinawag niya ako. "Let's eat." Nakangiting sabi sa akin ni Mommy at saka siya napatingin pa kay Dwight na nasa tabi ko. Pinamulahan tuloy ako ng mukha kaya naman nagbaba ako ng tingin.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila Mommy, Daddy and ni Dwight habang kumakain kami. Hindi ako nakikisabat lalo na at ayokong magmukhang bastos lalo na sa harapan ni Dwight.

"Bakit hindi mo patikman si Dwight ng cupcakes na ginawa mo."

Agad akong napaangat ng tingin ng marinig ang sinabi ni Daddy. "Ito kasing si Louise, nawiling gumawagumawa ng cupcakes lalo na, masarap naman ang pagkakkagawa niya." Sabi naman ni Mommy. "Mas maganda siguro kung matitikman mo ang gawa niya." Nakangiting dagdag ni Mommy sa sinabi niya. Nasa akin na lahat ang tingin nila ngayon.  Ramdam ko rin ang paglingon sa akin ni Dwight na siyang dahilan kung bakit mas lumakas pa llao ang pagtibok ng puso ko.

Alanganin akong ngumiti sa kanila bago nagsalita. "Naubos na po kasi 'yung mga cupcakes na ginawa ko, Mommy. Pero kung gusto, gagawan kita at ako na ang maghahatid sa office mo. " Masaang sabi ko ng lingunin ko si Dwight.

"Alright. I'm sure magugustuhan mo Dwight ang gawang cupcake nitong si Louise. Alam mo namang itong si Louise, madali lang turuan."

Matapos naming mag-dinner, kinausap lang dinsaglit ni Daddy and ni Mommy si Dwight habang nagpapahinga sila bago tuluyang magpaalam si Dwight na uuwi na.

Sumama akosa paghatid kay Dwight hanggang sa labas ng bahay.

"Mag-iingat ka." I said sweetly.  Hindi ko mapigilang kiligin ng tumango siya sa sinabi ko bago nagpaalam ng tuluyan kila Mommy and Daddy.

Sobrang tamis ng ngiti ko ng mahiga ako. Oh my gosh! Paniguradong masarap ang tulog ko ngayong gabi. Ibinalita ko pa nga kay Brianna at ang gaga, hindi ako ni-reply-an pero nakita naman niya 'yung message ko.  Mukhang bad mood pa rin siya hanggang ngayon habang ako naman ay good mood.

Bukas ay gagawa akong maraming cupcakes at dadalhan ko si Dwight sa company niya bukas.

Oh my gosh! I'm so excited! Sisiguraduhin kong magugustuhan ni Dwight ang cupcakes gawa ko.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now