Chapter 42

368 14 3
                                    

Chapter 42

"Whoa! Whoa!"

Napangisi ako ng makita ang reaksyon ni Brianna ng makita niya ako pagpasok ko sa VIP room dito sa club. Napatayo pa siya mula sa pagkakaupo niya sa isang couch.

"Louise, you're so fucking hot! Ngayon alam ko na kung bakit ang tagal-tagal mo!" Hindi makapaniwalang sabi ni Brianna habang titig na titig sa akin.

Natawa ako sa sinabi ni Brianna. She's right. Sobrang tagal kong nag-prepare. Sinigurado kong magiging seductive ang ayos ko ngayon.
Sa reaksyon pa lang naman ni Brianna, alam kong nagtagumpay ako sa pag-aayos ko sa sarili ko.

Nang naglakad ako papalapit kay Brianna natawa ako ng makitang titig na titig siya sa akin. I rolled my eyes. "Stop staring, Brianna! Mas gugustuhin ko kung ang mga mata na ni Dwight ang nakatitig sa akin."

Napangiwi si Brianna dahil sa sinabi ko. "Ewan ko sa'yo." Iiling-iling na sabi niya at saka uminom ng wine na nasa basong hawak-hawak niya kanina pa simula noong dumating ako.

"Hindi ko talaga inaasahan na ikaw pa ang nagyaya ngayong gabi."

Dahil sa sinabi niya naalala ko na naman ang mga nangyari kanina. Bumuntong-hininga ako at saka naupo sa isang couch na nasa tapat ni Brianna.

"Bakit, Brianna?" I asked her. Napakunot ang noo ni Brianna dahil sa tanong ko. Naglagay muna ako ng wine sa baso ko bago ako muling humarap kay Brianna.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang balitang kumalat patungkol sa amin ni Deigo, two years ago?"

Unti-unting napaamang ang labi ni Brianna sa sinabi ko. Mukhang tulad ni Deigo kanina, hindi niya rin inaasahan ang mga sinabi ko.

"Louise, i'm sorry." She said sincerely. Hindi ako umimik. Ang tingin ko ay nasa baso lang na hawak-hawak ko.

"I'm really sorry."

"Kahit isang beses man lang ba hindi mo naisip na sabihin sa akin 'yon?" Tanong ko sa kanya at saka ako nakipagtitigan.

"Louise, kasi."

"Ano, Brianna? Sa totoo lang, nagmukha akong tanga! Lahat kayo alam ang chismis na 'yon! Habang ako walang kaalam-alam!"

"Louise, nawalan ako ng oras para sabihin sa'yo 'yon dahil nagkaproblema rin kami ni Jeffrey ng mga panahong 'yon."

Napaamang ang labi ko sa ipinagtapat ni Brianna. "Halos hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya hindi ko na rin naalala ang bagay na 'yon lalo na hindi rin naman siya nagtagal pagkatapos malaman ng ibang tao." Dagdag niya.

"I'm sorry, Louise. Kailan lang ng magkaayos kami ni Jeffrey."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga nalalaman ko ngayon. Hindi ko man lang alam na habang malayo ako at nagpapakasaya, 'yung mga taong iniwan ko hindi ko man lang na kumusta ang kalagayan nila.

"Kaya ba hindi ka nagkukuwento patungkol sa inyo ni Jeffrey tuwing magka-usap tayo?"

Tumango si Brianna. "Hindi ko na nasabi sa'yo dahil alam kong mag-aalala ka ng sobra sa akin lalo na nasa malayo ka kaya ayaw na kitang madamay pa."

"Pero, Brianna."

"Huwag kang mag-alala, maayos na kami ni Jeffrey ngayon." Sabi niya at saka masayang ngumiti sa akin.

I smiled at her. "Masaya akong nagkaayos din kayong dalawa."

Pagkatapos noon ay kapwa kaming natahimik ni Brianna. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko binasag ang katahimikan.

"He confess his feelings to me, Brianna."

Napaamang ang labi ni Brianna at saka nanlaki ang mga mata niya. "S-Sino?"

"Si Deigo."

Tuluyang nanlaki ang mga mata ni Brianna dahil sa sinabi ko. "B-Bakit hindi mo pa ba alam?"

"Alam mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Brianna na napatanga naman sa tinanong ko ngayon kaya napakagat ako sa pang ibabang labi ko.

"Gosh, Louise! Matagal ko ng sinasabi sa'yo pero hindi ka naniniwala. So, anong balak mo ngayon?" Tanong niya sa akin.

I shook my head. "Hindi ko alam, Brianna. Bahala na."

Napabuntong-hininga si Brianna. "Nasa tamang edad kana, Louise. Kaya hindi na kita pakikialaman. Pero huwag mo naman sanang baliwalain ang magandang pakikitungo sa'yo ni Deigo pagkatapos ng mga nalaman mo."

Dahan-dahan akong tumango kay Brianna. "Hindi ko rin naman kayang iwasan o layuan si Deigo. Pero sa ngayon gusto ko munang mahimasmasan sa mga nalaman ko."

"Alam mo, mag-enjoy na lang tayong gabi. Lalo na, nakita ko na ang lalaking dahilan kung bakit tayo narito ngayon at kung bakit ganyan ka na lang kung mag-ayos sa sarili mo."

Natawa ako sa sinabi ni Brianna.

"Naroon siya sa bar counter. Puntahan mo na bago ka pa maagaw ng iba diyan." Nakangising sabi ni Brianna.

Tama siya. Baka mamaya maunahan pa ako ng ibang linta. Karamihan pa naman ng mga babaeng narito ngayon ay halos malalandi.

Inayos ko ang suot-suot kong sexy red dress ng tumayo ako mula sa pagkakaupo. "You're right. Bababa na muna ako."

"Okay, dito na lang muna ako. Papunta na rin naman si Jeffrey."

I nodded. "Okay, bye!"

"Bye! Good luck!" She said and smirked at me. Ginantihan ko rin naman ng isang ngisi ang ngising ibinigay sa akin ni Brianna.

Pagkatapos kong magpaalam kay Brianna umalis na ako ng VIP room. Paglabas ko, dali-dali na akong bumaba ng second floor.

Maraming mata ang napatingin sa akin pagbaba ko pero wala ni isa akong ginantihan ng tingin. Dahil ang buong atensyon ko ay nasa iisang lalaking nakaupo ngayon sa bar counter. Kaya naman derederetso lang ang lakad ko hanggang sa tuluyan na akong makarating sa likod ni Dwight.

Alam kong naramdaman niya ang presensya ng isang tao na nasa likuran niya pero hindi niya ako nilingon.

Kaya naman naupo akong sa upuang nasa tabi niya at saka ako tahimik na nag-order ng drinks sa bartender.

"Mag-isa ka yata." Mahinang saad ko sapat lang para marinig niya. Naramdaman kong natigilan siya ng marinig ang boses ko.

Isang ngisi ang sumilay sa labi ko ng lingunin niya ako.

"Hey, My Mr. Turner."

"Louise, what are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at saka inilibot ang tingin sa paligid at mukhang may hinahanap. Siguro ang taong inaasahan niyang makikita kong kasama ko ngayong gabi.

"Masama bang mag-club pag may asawa na?" I asked sweetly at him na ikinatigil niya.

"L-Louise."

"Huwag ka na lang maingay." Malambing na saad ko sa kanya bago ko dahan-dahang hinawakan ang kanyang pisngi.

"Hindi naman malalaman ni Deigo." I said and smirked at him.

Seducing Mr. TurnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon