Chapter 19

372 12 0
                                    

A/N: Enjoy reading! Salamat sa pagbabasa! <3

Chapter 19

-

Sa mga nasunod na araw, nagpaka-busy ako. Malapit na ang finals namin kaya pinagbubutihan ko ang pagre-review.

Narito ako sa leaving room at nakaupo sa single sofa habang nagre-review. Napatingin ako sa mga katulong namin na naglilinis ng bahay.

I just rolled my eyes. Ibinalik ko ang tingin sa napakaraming papel na nasa mini table na nasa harapan ko.

Last two days ng malaman ko mula kay Daddy na pumayag si Dwight na mag-merge ang company namin. Wala namang nagawa sila Daddy kundi sumang-ayon sa gusto nito.

May dinner sila ngayon dito sa Mansion. Kasama ang ibang board member sa kompanya. Kaya naman naghahanda ang mga katulong namin. Wala akong pakialam dahil kasama sa mga bisita ng mga magulang ko ang taong kinamumuhuin ako.

"Ma'am Louise, parating na po sila. Kasabay nila Ma'am and Sir."

Ngumiti at tumango lang ako sa sinabi ng katulong. Hindi ko na kailangan sumama sa dinner dahil alam nila Mommy na masyado akong busy sa pinaghahandaan kong finals.

Nagpaka-busy ako. Nang dumating sila Mommy ay sinalubong ko silang dalawa ni Daddy. Hindi ko naman inaasahan na kasunod lang nila ng dating si Dwight na hindi ko binigyang pansin kahit na, ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin.

"Balik na po ako sa pagre-review."

"Sige, hihintayin muna namin ang iba pang bisita."

Tumango ako sa sinabi ni Mommy at naglakad na. Ngunit ang hindi ko inaasahan ang marinig ang sinabi ni Daddy.

"Maupo kana muna sa living room, Dwight. Baka matagalan pa sila."

Oh gosh!

Dali-dali akong naglakad papunta sa living room. Pagkaupo na pagkaupo ko, agad kong kinuha ang napakaraming bond papers at tinapat ko iyon sa mukha ko para matakpan ang mukha ko lalo na, naramdaman kong naupo si Dwight sa tapat ko pa mismong upuan.

Damn. Nananadya ba siya?

Nag-busy-busy-han ako sa pagre-review. Hindi ko siya pinansin. Para saan pa? Wala naman ng dahilan. Darating din ang araw na magagawang kalimutan siya ng puso ko. Alam kong hindi iyon madali pero hihintayin ko ang araw na iyon.

"Louise."

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nagulat pa ako dahil tinawag niya ako. Ano naman ang gusto nito? Gusto niya ng makakausap? Tawagan niya girlfriend niya.

"Hey."

Pabagsak kong nilapag ang reviewer ko sa lamesa at saka ko binitbit ang mga gamit ko bago ako tumayo.

Kahit isang beses ay hindi ko siya sinulyapan man lang. Derederetso akong naglakad paalis ng living room. Nakasalubong ko pa si Daddy. Nagdahilan ako na tapos na ako sa pagre-review.

Pero hindi ko alam na ang dahilan kong 'yon, ay ang magpapasama sa akin sa dinner nila. Wala tuloy akong nagawa.

Habang kumakain kami, tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko inaasahan na mapapatingin ako kay Dwight na nahuli ko namang nakatingin na rin ako sa akin.

Para akong nakuryenteng mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Dalaga na pala itong anak niyo." Nakangiting sabi ng isang business partner nila Mommy. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Graduating na siya." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Napakaganda mo, hija. Manang-mana ka sa Mommy at Daddy mo."

Natawa kami nila Mommy at Daddy sa sinabi nito pero nagpasamat ako.

"May anak akong lalaki at mukhang magkasing-edad lang kayo."

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Mr. Bartolome. So, anong pinararating niya?

"Kung ganoon, mabuti sigurong magkakilala sila."

Napaamang ang labi ko ng marinig ang sinabi ni Daddy at nang lingunin ko siya ay kinindatan niya ako kaya mahina akong natawa. Si Daddy talaga.

Nagpatuloy ang pag-uusap. Nagkasundo silang ipagkilala kaming dalawa ng anak ni Mr. Bartolome. Hanggang sa ibahin ni Dwight ang topic. bumalik ang topic nila about business. Hindi naman na ako umimik pa at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi ko ugali na, makisabat sa usapan ng matatanda lalo na't hindi ko pa naman masyadong alam ang pinag-uusapan nila.

Paminsan-minsan ay sumasagot ako pag-ako ang kinakausap nila. Hanggang sa matapos ang dinner.

Sumama ako sa paghatid sa mga bisita na uuwi na. Hindi ko alam na wala pa, pa lang balak na umuwi si Dwight. Kaya naman, nagpaalam na ako na aakyat na sa kwarto ko. Pumayag naman sila.

Ngunit paakyat pa lang ako ng hagdaan ay naramdaman ko ang paghawak ni Dwight sa braso ko para pigilan ako. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ay ang panlalaki ng mga mata ko.

Hindi ako lumingon at hinintay ang sasabihin niya.

"Can we talk?"

Agad akong napairap sa hangin ng marinig ang sinabi niya. "Wala naman tayong dapat pang pag-usapan." Malamig na saad ko at saka ko tinabig ang kamay niyang nakakapit sa akin.

Walang sabi-sabing naglakad na ako paakyat ng hagdan na hindi siya nililingon.
Talaga lang, Dwight? Ano naman ang pag-uusapan natin? Ang pagtanggi mo sa proposal ng Daddy ko?

Ang ipamukha sa akin na hindi mo talaga ako gusto? Kung ganoon, ang kapal ng mukha mo!

Hindi ako kailan man magbibigay ng panahon para lang diyan. Wala na rin naman siyang dapat pang ipaliwanag dahil wala na akong pakialam pa sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahilata.

Ipinikit ko ang mga mata ko at iwinaksi ko sa isipan ko si Dwight. Gusto kong makatulog ng maayos na hindi siya ang iniisip ko.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko hanggang sa unti-unti akong nilamon ng antok.

Sana maganda ang panaginip ko at kung maganda man, hindi sana si Dwight 'yon. Hindi sana siya ang mapaginipan ko.

Hinayaan ko na ang sarili kong lamunin ng antok.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now