Chapter 40

369 13 1
                                    

A/N: Hope you like it! Thank you for reading, guys! Nababasa ko ang mga comment niyo. Nakikita ko rin ang mg vote niyo kaya mas lalo akong ginaganahang mag-update.

Thank you! <3

Chapter 40

-

"What are you talking about?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mhelanie na napakunot naman ang noo.

"Hindi pa po ba, Ma'am? Sorry po."

I raised my eyebrow. "You know what, Mhelanie, hindi kita naiintindihan."

Ano bang sinasabi niya? Tingin niya ba kaya nawala ako ng dalawang taon dahil nagpakasal ako? Damn.

"Eh, Ma'am."

"Ano? Magsabi ka nga, anong nalalaman mo?"

Napayuko siya at mukhang nahihiya na sa akin. Nag-aalangan man ay muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Ma'am, kasi po noong."

Umayos ako ng upo at saka ko binigay ang buong atensyon ko kay Mhelanie na nagsimula nang mag-kuwento.

"2 years ago, nabalitaan po namin na ikakasal na kayo."

Sa sinabing 'yon ni Mhelanie ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Saan nagmula ang balitang 'yon? Oh gosh!

"Marami po ang nagulat. Maski nga po ako, eh. Pero nang malaman po naming kung kanino kaya ikakasal, maraming tao ang natuwa. Kaya akala ko po talaga, ikinasal na kayo."

Lalong napakunot ang noo ko. "Kanino naman ako ikakasal?"

"Sa nag-iisang anak po ni Mr. Bartolome. Kay Mr. Deigo Bartolome po. Marami po ang naniwala lalo na, nalaman ng mga taong magkasama kayong lumuwas ng bansa ni Mr. Bartolome. Ang akala nga po namin, doon kayo magpapakasal."

Napatanga ako sa sinabi ni Mhelanie. Hindi ko alam ang sasabihin. Dahil gulat na gulat ako sa mga nalaman ko.

All this time, ito pala ang alam ng mga taong dahilan ng pag-alis ko. Kami ni Deigo? Ikakasal? Damn. Sinong tanga ang nagpakalat ng balitang 'yon?

Paniguradong alam ito nila Mommy. Bakit hindi nila sinabi sa akin? Lalo na si Brianna na halos araw-araw kong kausap! Humanda sa akin ang babaeng 'yon!

"So, Ma'am? Hindi pa po talaga kayo kasal?"

Kunot-noo kong binalingan ng tingin si Mhelanie.

"What do you think?" I asked sarcastically. Pakiramdam ko sumama ang mood ko sa mga nalaman ko patungkol sa akin.

Ibig sabihin, ang tingin sa akin ng mga tao ngayon, ay may asawa na akong tao! Oh my gosh! Kailangan kong makausap si Deigo patungkol dito.

Matamis akong nginitian ni Mhelanie na lalong ikinakunot ng noo ko. Anong ngini-ngiti-ngiti nito? Hindi ba niya alam na naiinis na ako!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko kay Mhelanie.

"Eh, kasi po Ma'am."

"What?"

"Para sa akin lang po ito, Ma'am." Hindi ako umimik. Ang dami pang pakulo ni Mhelanie. Hindi na lang niya deretsuhin ang sasabihin niya. Madalas, nakakainis din ang maghintay.

"Pakiramdam ko po, kayo ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Sir Dwight kay Ma'am Stephanie." Mahinang saad ni Mhelanie sapat lang para marinig ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng maintindihan ang sinabi niya.

"Kasi po Ma'am, pagkatapos kumalat ang balita sa inyo ni Mr. Bartolome, nalaman na po naming nakipaghiwalay na si Sir Dwight kay Ma'am Stephanie."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "Sigurado ka ba diyan?" Tanong ko kay Mhelanie.

Pakiramdam ko naging maganda na naman ang mood ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko po alam. Sa tingin ko lang naman po,Ma'am."

Nakangisi akong nagkibit balikat kay Mhelanie. "Maaring tama ka, Mhelanie." Nakangiting sabi ko.

Ngayon, gusto ko tuloy lalong malaman kung ano o sino ang dahilan ni Dwight para makipaghiwalay siya kay Stephanie na siyang fiancee na niya.

"So, all this time. Ang akala ng Boss mo, may asawa na ako?" Nakangising tanong ko kay Mhelanie.

Tuluyan ng sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko ng dahan-dahang tumango si Mhelanie. Magandang laro ito.

"Opo, Ma'am. Ako nga rin po ay akala ko ay kasal na po kayo. Lalo na, nalaman ko rin na magkasama po kayo ulit ni Mr. Bartolome na umuwi."

"Alam mo, Mhelanie. Walang anumang namamagitan sa amin ni Deigo Bartolome. Sa'yo ko lang sasabihin ito. Huwag na huwag mong ipapaalam sa Boss mo na hindi totoo ang mga nalaman niyo noon."

"Ma'am?"

"Hayaan mo siyang paniwalaan niyang may asawa na ako." I said and smirked.

"Kung ano man pong plinaplano niyo, kinakabahan po ako."

Natawa ako sa sinabi ni Mhelanie. "Don't worry, Mhelanie. Walang mangyayaring masama sa'yo. Sisiguraduhin ko 'yan."

Gusto ko tuloy magpasalamat sa kung sinong tao ang nagpakalat ng balitang 'yon. Mukhang mas mag-e-enjoy ako sa plano ko lalo na, ang alam ni Dwight, may asawa na ako. At iyon ay si Deigo Bartolome. Kaya siguro ganoon na lang ang pakikitungo sa akin ni Dwight.

Hindi na rin naman kami nagtagal ni Mhelanie sa cafe. Ilang saglit lang, nagpasya na kaming umalis. Babalik pa rin kasi siya ulit sa Company. Hinintay ko pa muna siyang makasakay sa taxi bago ako pumasok sa driver seat ng kotse ko at saka na, nagpatakbo paalis.

Sa lahat ng mga nalaman ko, gusto ko munang makausap ay si Deigo. Kaya naman, nang huminto ako dahil sa traffic, tinawagan ko na muna ang number ni Deigo.

"Hey."

"Deigo, pwede ba tayong magkita?"

"Sure, saan?"

"Hindi ka ba busy?"

"Hindi naman na."

Dahil sa sinabi niya, agad kong binigay ang lugar kung saan kami magkikita.

Nang maka-recieved ako ng text mula kay Deigo na papunta na siya, agad na akong maneho papunta sa restaurant na napili ko.

Hindi ko alam na, mauunahan pa pala ako ni Deigo. Agad akong napangiti ng makita siya. Kinawayan ko rin siya nang kinawayan niya ako.

Napangisi ako ng makita sa kabilang table si Dwight na nakatingin sa akin. Kasama niya ang dalawang business man na kilala rin sa industriya. Isang table ang pinagkakagitnaan ng pwesto namin kaya naman, sobrang lapit lang namin sa isa't isa.

"Hey!" Sinigurado kong makikita ni Dwight ang masayang pagbati ko kay Deigo. Nang akmang hahalik ako sa pisngi ni Deigo, nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pag-iwas ng tingin ni Dwight.

Pfft. Well, thank you, Mhelanie.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now