Chapter 14

382 10 0
                                    

Chapter 14

-

Sobrang aga kong nagising kinabukasan, pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko, agad akong lumabas ng kwarto ko. Simpleng pink dress ang suot-suot ko. Nang makita ko nga ang sarili ko sa salamin, para akong bata sa suot-suot ko.

Habang pababa ako ng hagdan,nakasalubong ko si Manang na paakyat ng hagdan. "Good morning, Manang!"

"Good morning, hija. Mukhang maganda ang gising mo, ah?"

Nakangiti akong tumango-tango kay Manang. "Maganda nga po ang gising ko."

"Dahil ba ito sa sasabihin ng Daddy and Mommy mo?" Nakangiting tanong sa akin ni Manang.

Mas lalo akong tuloy akong napangiti sa sinabi ni Manang. "Tama po kayo."

"Oh, siya sige. Kanina kapa hinihintay ng Mommy at Daddy mo sa dining area."

Dahil sa sinabi ni Manang, dali-dali akong nagpaalam na sa kanya. Pagbaba ko ng hagdan, dumeretso na agad ako sa dining area kung saan naghihintay sa akin sina Mommy and Daddy.

"Good morning, Mom and Dad!"

Mabilis akong humalik sa magkabilang pisngi nila ng makalapit ako. "Good morning, sweetheart." Si Mommy.

"So, how's your sleep?" Nakangiting tanong naman ni Daddy sa akin ng makaupo ako.

Matamis ko silang nginitiang dalawa. Parehas naman silang natawa. Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong ni Daddy dahil alam na nila ang sagot noong nginitian ko pa lang sila ng pagkatamis-tamis.

"Let's eat."

Sumunod naman agad ako. Nagugutom na rin ako idagdag pang masasarap na pagkain ang nakahain sa lamesa ngayon.

"Are you ready?" Natigil ako sa pagkain at napatingin kay Daddy.

"Na malaman po ang sasabihin niyo? Of course, Dad." I said and smiled at him.

Nakangiting tumingin si Daddy kay Mommy na nakangiti namang tumango.

"Sige, tapusin mo na muna ang pagkain mo at sa office ko tayo magkita upang mag-usap."

Nakangiti akong tumango-tango kay Daddy. Habang kumakain, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Naririnig ko ang mahina nilang pagtawa at mukhang dahil sa akin 'yon. Pinagsawalang bahala ko dahil mas nangingibabaw ngayon sa akin ang excitement. Gusto ko na talagang malaman!

Kaya naman ng matapos kumain ay nagtungo na agad ako sa office ni Daddy dito sa Mansion. Nauna na ako dahil may pinag-uusapan pa sila ni Mommy.

Napatingin ako sa pintuan ng office ni Dad ng marinig na bumukas 'yon.

"Dad."

Nakaupo ako ngayon sa visitor's chair habang si Daddy naman ay naupo na sa upuan niya.

"Louise."

Umayos ako ng upo at seryosong tumingin kay Daddy.

"Napagdesisyonan namin ng Mommy mo na ito na ang takdang oras."

Unti-unting napakunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy. Hindi ako umimik at nanatiling naghihintay sa sasabihin niya.

"Ito na ang tamang panahon para tuparin ang pangako namin ng Mommy kay Mr. and Mrs. Turner." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. "Ang ipagkasundo kayong dalawa ni Dwight." Pakiramdam ko tumigil ang oras ng malinaw kong narinig at naintindihan ang sinabi ni Daddy. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwalang napatitig kay Daddy na nginitian naman ako.

"D-Daddy.."

Malalim na napabuntong-hininga si Daddy. "But, desisyon mo pa rin ang masusunod. Kung ayaw mo-"

"Daddy, gusto ko!" I said excitedly. Malakas na natawa sa akin si Daddy.

"Daddy naman."

"Kung si Dwight ang mapapangasawa mo, mapapanatag ang loob ko." Napangiti ako sa sinabi ni Daddy. "Si Dwight lang ang nakikita kong lalaking mapagkakatiwalan ko pagdating sa'yo. Hayaan mo, kakausapin ko si Dwight patungkol dito." Nakangiting sabi ni Daddy sa akin. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa visitor's chair at naglakad papunta kay Daddy para yakapin siya.

"Thanks, Dad!"

Pagkatapos naming mag-usap ni Daddy, hindi na nawala sa akin ang lahat ng pinag-usapan namin. Excited na excited ako! Nakatingin ako ngayon sa salamin ko rito sa loob ng kwarto ko.

Kanina ko pa tinititigan ang sarili ko. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ko. Ang ngiti sa labi ko hindi man lang mawala-wala. Epekto talaga ito ni Dwight sa akin!

Kanina, nagka-usap din kami ni Mommy. Masaya siya para sa akin. Mas lalo tuloy akong na-excite malaman ang pagpayag ni Dwight sa sasabihin ni Daddy sa kanya. Nalaman ko rin na pagkatapos naming magpakasal ni Dwight ay magme-merge ang both companies naming dalawa.

Nakangiti akong umalis sa harapan ng salamin at saka pabagsak na nahiga sa king size bed ko. Habang nakikipagtitigan ako sa kisame ng kwarto ko, hindi ko mapigilang mag-imagine.

Mula sa pagpapakasal namin ni Dwight ay in-imagine ko na rin. Hanggang may maalala akong isang tao. Unti-unting akong napangisi ng maalala si Stephanie. Ang girlfriend ni Dwight.

Mukhang uuwi siyang luhaan. Pfft. Excited na ako makita ang luhaang mukha ng babaeng 'yon. Hanggang ngayon inis na inis pa rin ako sa kanya. Pagdating talaga sa babaeng 'yon nagiging maldita akong tao.

Hindi ko dapat sirain ang araw ko ngayon dahil lang kay Stephanie. Kaya naman iwinaksi ko na siya sa isipan ko at muling inalala ang pag-uusap namun ni Daddy kanina sa office niya.

Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko habang nagtititili. Hala! Ang saya-saya ko talaga!

Kinakausap na kaya ni Daddy ngayon si Dwight? Siguro naman hindi ba? Posibleng makatanggi si Dwight kay Daddy dahil alam niyang malaki ang tiwala sa kanya ng Daddy ko.

Ilang saglit pa, nagdesisyon na akong bumangon mula sa pagkakahiga. Aalis ako. Agad akong dumeretso sa walk in closet ko para kumuha ng damit ko.

Ayokong mag-isang mag-celebrate ngayon at gusto ko, may kasama ako!

Seducing Mr. TurnerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz