Chapter 23

400 12 2
                                    

Chapter 23

-

Bitbit ang mga papeles, lakas loob akong naglalakad ngayon sa loob ng Company ni Dwight.

Ang mga empleyado na bumabati sa akin ay tinatanguan ko lang. Wala ako sa mood para makipagbatian sa kanila ngayon. At mukhang halos lahat sila ay gulat na makita ako rito sa Company ni Dwight.

Kung ano man ang rason, wala na akong pakialam.

Pagpasok ko sa elevator agad kong pinindot ang floor kung na saan ang office ni Dwight.

Louise, tandaan mo. Kailangan mo lang iabot ito sa kanya pagkatapos ay umalis kana.

Nakita kong nagulat si Mhelanie ng makita akong lumabas ng elevator. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo.

"M-Ma'am Louise! A-Ahm, good morning po." She greeted. Tinanguan ko lang naman siya.

"Nandiyan ba ang Boss mo?"

"Yes, Ma'am."

Tumango ako at tinuro ang intercom sa kanya. Napaamang naman ang labi niya at mukhang hindi inaasahan ang pinagagawa ko. Ngunit ilang saglit pa ay sumunod din naman siya. Pinindot niya ang intercom at saka nagsalita.

"Good afternoon, Sir. Nandito po pala si Miss Louise."

"Papasukin mo." Rinig kong sagot naman ni Dwight. Nang tumingin sa akin si Mhelanie ngumiti siya.

"Ma'am, pasok na raw po kayo."

"Okay."

Kumatok pa muna ako bago tuluyang binuksan ang pintuan ng office ni Dwight. Hindi ko inaasahan na ang naoakabangong amoy ni Dwight ang bubungad agad sa akin pagkabukas ko ng pintuan. I missed this!

Nang tuluyan akong makapasok sa loob, agad na nagtama ang tingin namin ni Dwight.

Habang titig na titig siya sa akin, tinuro niya ang visitor's chair kaya naglakad ako palapit sa kanya. Ngunit hindi ako naupo kundi tumayo lang ako mula sa harapan niya.

"Narito ako para ibigay sa'yo 'to. Ipinabibigay ni Mommy and Daddy." Deretsahang sabi ko at saka inilapag ang mga papeles na dala-dala ko sa lamesa niya.

Nanatiling nakatingin sa akin si Dwight at hindi nagsasalita. Ano pa bang aasahan ko?

"Aalis na ako." Pagpapaalam ko at saka na ako tumalikod ngunit natigil ako ng marinig ang pagtawag ni Dwight sa akin.

"Louise.."

Mariing akong napapikit at saka napabuntong-hininga. "Nagpunta ako rito para ihatid 'yan at hindi na rin ako magtatagal pa. Wala rin naman tayong dapat pang pag-usapan.

"Louise, wait—"

Mabilis akong naglakad palabas ng office ni Dwight. Nakita ko pang nagulat si Mhelanie ng makita akong lumabas ng office ni Dwight.

"M-Ma'am."

"Aalis na ako, salamat."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Mhelanie. Naglakad na ako palayo ngunit ang hindi ko inaasahan, si Stephanie ang makikita kong lalabas ng elevator. Dapat ko na nga pa lang asahan. Hindi na dapat pa akong magulat. Hello, Louise. Girlfriend kasi siya ni Dwight at alam ko naman sa sarili ko na ito ang mahal niya at hindi akong parang kapatid lang ang turing niya sa akin.

Malamig ang mga mata kong nakipagtitigan sa kanya. Ngunit hindi ko na siya hinayaang pang makapagsalita dahil nilagpasan ko na siya.

Alam kong napahiya siya dahil sa ginawa ko dahil nasisiguro kong nakita iyon ni Mhelanie.

Nang makasakay ako sa elevator, muling nagtama ang tingin namin ni Stephanie ng lingunin niya ako. Sobrang sama ng tingin niya. Nagkibit balikat lang ako at saka ngumisi sa kanya bago sumara ng tuluyan ang elevator.

Mabuti na lang at nagawa ko ng maayos ang plano ko. Mabuti na lang at hindi ako nanghina sa harapan ni Dwight.

Tulad ng sabi ko, hindi ako magtatagal dito kaya naman ng makalabas ako ng elevator agad ko ng tinungo ang daan palabas ng company.

"Tara na po." Pangyayaya ko kay Manong Berto ng makapasok ako sa loob ng Van.

"Sige po, Ma'am." Sabi ni Manong at saka siya nagmaneho na paalis.

Nakahinga lang ako ng maluwag dahil doon. Buong byahe ay tahimik lang ako. Nang tumawag si Mommy, nakauwi na ako sa Mansion. Sinabi ko na, naibigay ko na ang mga papeles kay Dwight.

Siguro naman, ito na ang huli.

Pero bakit hindi ako mapakali kapag iniisip ko na masaya si Stephanie sa nangyari sa akin. I'm sure alam niya ang ginawang pagtanggi ni Dwight sa offer ni Daddy.

Parang hindi ko gusto ang ideya na nakikitang masaya siya. Well, darating naman ang araw na babawian ko siya. Hindi pa ngayon kaya magpakasaya na muna siya sa piling ni Dwight.

"Louise, magmeryenda kana muna."

Nginitian at tumango ako kay Manang Loleng. "Sige po, susunod ako. Aakyat na po muna ako para magbihis." Tumango naman agad sa akin si Manang.

"Sige, magbihis kana."

Kaya naman umakyat na agad ako ng hagdan. Pagpasok ko sa kwarto, naligo na ako at nagbihis. Maaga pa naman kaya mamaya pa ang uwi nila Mommy and Daddy.

"Louise, mabuti naman at bumaba kana." Nakangiting sabi ni Manang ng makita niya akong pumasok ng kusina.

"Pasensya na po natagalan."

"Ayos lang. Tumawag nga pala ang Mommy mo. May ibinilin siya."

"Ano po?" Tanong ko kaagad kay Manang Loleng. Wala naman sigurong koneksiyon kay Dwight iyon hindi ba?

"Mag-ayos ka raw sabi ng Mommy mo." Nakangiting sabi ni Manang na ikinakunot naman ng noo ko.

"Bakit daw po?"

Ano ba 'yan. Ang lakas mambitin ni Manang Loleng sa sasabihin niya.

"Darating daw sila Mr. And Mrs. Bartolome kasama ang kanilang binatang anak ngayon."

Agad na napaaamang ang labi ko sa sinabi ni Manang. "Totoo po ba 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo. Iyon naman ang ibinilin ng Mommy mo sa akin nang tumawag siya. Ito na nga at naghahanda na kami sa pagluluto.."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Manang. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.

Sa totoo lang, nagugulat ako sa mga nangyayari ngayon.

"Magmeryenda kana muna bago ka mag-ayos." Sabi ni Manang at saka inihanda ang meryenda ko.

Tanging pagtango na lang naman ang nagawa ko dahil hindi ko na nagawa pang makapagsalita.

Seducing Mr. TurnerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant