Chapter 13

431 14 2
                                    

Chapter 13

-

Kagat labi akong naupo sa upuang katapat ni Dwight. Ngumiti ako sa kaninya ng magtama ang tingin namin. Tipid niya akong tinanguan. Simpleng tango niya lang pakiramdam ko, kinikilig na ako.

Mukhang napapadalas ang pagbisita ni Dwight dito sa Mansion. Hindi ko mahulaan kung mabuti o masamang senyales ba ito.

"Louise, kumain kana." Napabalik ako sa realidad ng marinig ang sinabi ni Mommy.
"Opo." Nahihiyang ngumiti ako kay Dwight ng mag-angat ako ng tingin sa kanya at nahuli kong nakatingin na rin pala siya sa akin.

Nang ibaling ko ang tingin kay Mommy, napamaang ang labi ko ng makitang sobrang lapad ng ngiti niya. Hala si Mommy. Nang-aasar pa, eh!

Nang mag-umpisa kami sa pagkain, tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang tatlo. Wala ng bago. About business na naman ang topic nila. Pero kahit na ganoon, habang kumakain ako sinusulyapan ko ng paulit-ulit si Dwight na busy sa pakikipag-usap kay Mommy amd Daddy. Pero bago pa mahuli ni Dwight ang tingin ko mabilis kong ibinababa ang tingin ko at saka ibabaling ang tingin sa pagkaing nasa harapan ko.

Napakagwapo talaga niya. Hindi mawala ang paghanga sa mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. Kung noong mga bata pa kami at ang gwapo-gwapo na niya, mas lalo na ngayon! Kaya nga mas dumami ang mga babaeng kaagaw ko sa kanya. Isama mo na roon si Stephanie! Kung ngayon nakalamang siya, pagbibigyan ko siya dahil sisiguraduhin kong mapapasa 'kin si Dwight.

Nakasimangot ako ng lumabas ng dining area. Alam niyo kung bakit? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila tapos mag-usap about business. Natapos na akong kumain sila hindi pa! Busog naman na ako kaya no choice kundi ang magpaalam na, na aalis na ako.

Imbis na dumeretso na sa kwarto para makapagpahinga na, sa living room ng Mansion ako nagtungo bitbit ang popcorn na nilagay ko sa bowl na kinuha ko mula sa kusina.

Naupo ako sa sofa at saka binuksan ang TV. Ano bang magandang palabas bukod sa pagiging maganda ko? Naghanap lang ako ng magandang panonoorin sa netflix. Hindi naman kasi ako mahilig manood. Lalo na't puro si Dwight ang laman ng puso at isip ko. Hala, ang corny 'no? Sabi nila ganito lang talaga pagnagmamahal.

"Louise, aalis na si Dwight."

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng marinig ang sinabi ni Mommy. Mabilis kong pinatay ang TV at saka dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo.

Nakangiti akong naglakad palapit sa kanila.

"Mag-iingat ka, Dwight." Nakangiting sabi ko ng makalapit sa kanila. Sina Mommy and Daddy ay sobrang lapad ng ngiti habang nakatingin sa aming dalawa.

Tumango naman si Dwight at saka bumaling kina Mommy and Daddy para magpaalam.

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa tuluyang makalabas ng Mansion si Dwight.

"Huwag mo namang ipahalata na gustong-gusto mo siya."

Agad akong napatingin kay Mommy dahil sa sinabi niya. Isang nakakalokong ngisi ang naglalaro ngayon sa labi ni Mommy. Habang si Daddy ay nakangiti pa rin ngayon.

"Mom!"

"What? Hahaha! You're blushing!"

Agad akong tumalikod sa kanila dahil sa sinabi ni Mommy. Ngayon, parehas na silang tumatawa ni Daddy dahil sa pamumula ng mukha ko.

"Dalaga na talaga itong anak natin." Inakbayan ako ni Daddy kaya niyakap ko siya sa bewang gamit ang isang kamay ko at ang isa naman ay para kay Mommy.
"Inaasar niyo na naman ako." Nakasimangot na sabi ko. Pinagtawanan lang naman nila akong dalawa. Ngayon ay naglalakad kami patungo sa hagdan. Alam ko na, na ihahatid nila ako sa kwarto ko. Napangiti ako dahil doon.

"Bukas may sasabihin ako sa'yo."

Napatingala ako kay Daddy dahil sa sinabi niya. "Ano 'yon, Daddy?" Nakangiting tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay goodnews 'yon kaya naman nae-excite ako.

"Bukas mo malalaman." Nakangiting sabi ni Daddy sa akin.

I pouted. "Hindi po ba pwedeng ngayon?" Nakasimangot na tanong ko.

"Hindi dahil magpapahinga kana." Mas lalo akong napasimangot dahil sa sinabi ni Mommy.

"Bukas ay malalaman mo na rin naman."

"Goodnews ba 'yan?" Nakangiting tanong ko kay Mommy and Daddy.

Muli akong napasimangot ng magkibit-balikat sila sa akin. "Mom, Dad!"

Pinagtawanan lang nila akong dalawa. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ko, hindi pa rin sinasabi ni Mommy and Daddy kung ano ang sasabihin nila bukas.

"Fine. Suko na po ako. Bukas na lang."

"Dahil bukas pa lang naman talaga namin balak sabihin sa'yo." Napatango-tango ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko mapigilang ma-excite na malaman ang sasabihin nila bukas.

"Magpahinga kana." Napatango ako sa sinabi ni Daddy.

"Good night, Mommy. Good night, Daddy!" Tumingkayad ako para parehas silang mahalikan sa pisngi.

"Good night, sweetheart. Sleep well."

Kumaway pa muli ako sa kanilang dalawa bago tuluyang binuksan ang pintuan ng kwarto ko at saka ako pumasok sa loob.

Alas otso na ng gabi. Saglit akong nag-body wash at ng makapag-ayos, nahiga na ako sa king size bed ko.

Matutulog ako ng maaga ngayon para paggising ko, malalaman ko na rin naman kung patungkol saan ang sasabihin nila Mommy and Daddy.

Pero, malakas talaga ang kutob ko na magandang balita ang sasabihin bukas sa akin ni Daddy. At pakiramdam ko, patungkol ito sa aming dalawa ni Dwight. Ayoko namang mag-assume dahil baka masaktan lang ako sa huli.

Kung ano man ang sasabihin ni Daddy, paniguradong magugustuhan ko.

I'm so excited!

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now