Chapter 39

390 12 2
                                    


Chapter 39

Tawa nang tawa si Brianna ng ikwento ko sa kanya ang nangyari. Nagsisi tuloy ako.

"Alam mo, Louise. Nai-imagine ko ang ginawa mo. Feeling ko ang hot mo!"

Napangisi ako sa sinabi ni Brianna. Magkasama na naman kami ngayon dito sa Mansion. Nandito rin kanina si Jeffrey pero umalis din agad dahil may trabaho.

"So, anong next plan mo? Nakita mo naman ang ginawa niya sa'yo."

"Iniisip mo ba na hihinto na ako?" Tanong ko sa kanya. Tanging pagkibit balikat naman ang sinagot niya.

I shook my head. "Brianna, nagsisimula pa lang ako."

"Uh-oh."

I smirked. Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina. Lalo na ng maramdaman kong may epekto ako kay Dwight.

"Pupuntahan mo ba siya bukas?"

Umiling ako sa tanong ni Brianna. "Pupunta siya sa Company bukas. Nalaman ko sa Company kanina. Alam mo, Brianna. Kailangan ko na ring kausapin si Mhelanie."

"Sinong Mhelanie?" Nagtatakang tanong ni Mhelanie.

"Ang Secretary ni Dwight. Kukunin ko ang schedule niya. Dahil may utang pa sa akin ang babaeng 'yon, may ipagagawa ako sa kanya."

Tumango-tango si Brianna sa akin. "Alam mo kitang-kita ko na, na pursigido ka sa plano mo."

"Bakit hindi pa ba halata?" Tanong ko sa kanya at saka ko siya pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ko kasi inaasahan na gagawin mo ang ganitong klase ng bagay." She said and chuckled.

Nagpasalamat ako sa katulong na nagbigay ng meryenda namin. Nang makaalis ito, tumingin ako kay Brianna na umiinom na ng juice.

Nagmeryenda na rin ako. Nag-usap pa kami ng kung ano-ano hanggang sa nagpaalam na si Brianna na aalis na. Hinatid ko naman siya hanggang sa labas ng Mansion.

"Bye, take care!" I said and waved my hand. Kumaway din naman sa akin si Brianna bago tuluyang pumasok sa driver seat ng kotse niya.

Hinintay ko pa munang makalabas ng gate si Brianna bago ako pumasok ulit sa loob ng Mansion at nagtungo sa kwarto ko. Pinababa ko na ang pinagkainan namin ni Brianna sa kwarto ko habang ako naman ay naligo na ulit at nagbihis at nag-ayos ng sarili.

"Oh, may pupuntahan ka?" Tanong sa akin ni Manang Loleng ng makasalubong ko siya sa hagdan.

I smiled and nodded. "Yes, Manang."

"Sige, mag-iingat ka."

"Salamat po."

Pagkatapos magpaalam ay bumaba na ako. Paglabas ko ng Mansion, agad na akong pumasok sa driver seat ng kotse ko.

Sa isang cafe ako pupunta. Magkikita kami ngayon ni Mhelanie. Mabuti naman at pumayag siya.

Pagka-park ko ng kotse ko, kaagad akong lumabas ng kotse at saka naglakad papasok sa loob ng cafe.

Agad hinanap ng tingin ko si Mhelanie na agad ko namang nakita ng kinawayan niya ako.

Naglakad na ako patungo sa kung na saan siya.

"Hello, Ma'am. Good afternoon po!"

"Good afternoon, Mhelanie. Masaya akong nakipagkita ka sa akin."

Ngumiti at saka tumango naman siya. "Wala na rin naman po akong gagawin ngayong araw, Ma'am."

"Mabuti naman."

Nag-order muna kami ng makakain. After noon, binalingan ko na ng tingin si Mhelanie na mukhang kanina pa nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang kaba kaya mahina akong natawa.

"Hey, calm down."

Ngumiti siya sa akin at saka agad napainom ng juice na ikinatawa ko. Nang dumating ang order namin hinayaan ko siyang kumain.

"2 years ago, nagkaroon tayo ng kasunduan. Remember?"

Agad na tumingin sa akin si Mhelanie.

"Y-Yes, Ma'am."

"Itutuloy natin." Deretsang sabi ko. "Babantayan mo ang bawat galaw ng Boss mo at sasabihin mo sa akin kung na saan siya."

Dali-daling tumango si Mhelanie sa sinabi ko na ikinangiti ko. "Good. Madali ka lang naman pa lang kausap." Ngumiti rin naman siya sa akin.

"And kung may babae mang umaaligid sa kanya, ipaalam mo agad sa akin, okay?"

"Yes, Ma'am."

"Thank you, Mhelanie."

Nakangiti lang sa akin si Mhelanie.

Sumandal ako sa upuan ko, "Umpisahan mo na."

"Po?"

"Ang pagkukuwento. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay Dwight at kay Stephanie the bitch. Siguro naman may alam ka 'di ba?"

"I-Iyon po ba?"

"Yes."

Gusto kong malaman kung ano man ang nalalaman ni Mhelanie. Dahil kung si Brianna ang tatanungin ko, wala namang alam iyon at baka kung ano na naman ang isipin.

"K-Kasi po Ma'am. Noong nag-proposed si Sir kay Ma'am Stephanie, sobrang sweet pa po nila noon sa—" I cut her off.

"Ayoko ng marinig 'yan. Gusto kong malaman kung bakit at paano sila naghiwalay."

Pakiramdam ko masusuka ako pagmai-imagine ko ang sobrang sayang mukha ni Stephnaue.

At si Dwight? Sweet? Hindi ko ma-imagine. Pwede pa sa akin pero kay Stephanie? Iww. Mabuti na lang talaga at naghiwalay silang dalawa.

"Hindi ko po alam 'yung talagang dahilan ng paghihiwalay nila, Ma'am." Sabi ni Mhelanie. Hindi ako umimik at hinintay pa ang sasabihin niya.

"Pero unti-unti ko pong nakikita si Sir na nagiging malamig ang pakikitungo ky Ma'am Stephanie."

Tumango-tango ako. Bakit naman kaya. "Nag-cheat ba si Stephanie?"

Umiling si Mhelanie. "Sa tingin ko po hindi magagawa ni Ma'am Stephanie 'yon."

Pinagtaasan ko ng kilay si Mhelanie kaya napakagat siya sa pang-ibabang labi niya. Anong ibig sabihin nito? Kinakampihan niya pa ata ang babaeng bruhildang 'yon.

"Sobrang saya nga po niya noong nag-proposed si Sir sa kanya. Siya pa nga po ang agad na nag-asikaso sa kasal nila." Sa kasal nilang hindi naman natuloy. Pfft.

"Sa tingin ko po, mahal na mahal talaga ni Ma'am Stephanie si Sir Dwight kaya hindi niya kayang ipagpalit si Sir sa iba."

"Oh, tapos?" I asked boredly. Mukhang napansin iyon ni Mhelanie kaya napatikhim siya.

"Ilang linggo lang po ang lumipas pagkatapos mag-proposed ni Sir Dwight, nalaman na lang po namin na naghiwalay na sila."

Ano kaya ang reason ni Dwight?

"Anong ginawa ni Stephanie?" Sa oras na ito. Interesado akong malaman kung anong ginawa ni Stephanie noong nakipaghiwalay si Dwight.

"Hindi po niya matanggap. Palagi siyang nasa kompanya para kausapin si Sir pero hindi siya hinaharap ni Sir hanggang sa mahigpit na Pinagbawal po ni Sir na papasukin si Ma'am Stephanie. After 1 month nalaman po namin na nakaalis na ng bansa si Ma'am Stephanie."

"The End?"

Nahihiyang tumango si Mhelanie sa akin. "Opo, Ma'am."

Tumango-tango ako. So, ganoon pala ang nangyari.

"Kayo Ma'am?"

"Ano?"

"Na kasal na po kayo?"

"What?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Mhelanie. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya.

Ako na kasal? The fuck?

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now