Chapter 24

409 13 1
                                    

Chapter 24

-

"Pwede na kaya ito?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa napakalaking salamin dito sa kwarto ko. Suot-suot ko ang isang color mint green simple dress. Ito 'yung napili ko dahil bukod sa maganda sa mata, mas napapansin ang kaputian ko. Kung hindi niyo alam, mahilig talaga ako sa dress.

Hindi ko alam na mararanasan ko ang nangyari kay Brianna, ang mahirapan sa pagpili ng damit. Pero syempre, magkaiba kami ng dahilan ano! Kung siya ay nagpapaganda para kay Jeffrey, ako ay gusto lang maging maayos ang itsura sa harap ng mga bisita namin ngayon.

Pero habang pinagmamasdan ang sarili, mukhang okay naman ang napili kong suotin kaya nagpasya na akong umalis sa harapan ng salamin pagkatapos ayusin ang suot-suot ko.

Naglagay ako ng kaunting make up sa mukha at ang buhok ko ay hinayaan ko na lang na nakalugay pagkatapos kong suklayin. Basa pa ito at hindi ko na lang pinatuyo dahil matatagalan ako sa kapal at haba ng buhok ko.

Nang matapos sa pag-aayos ng sarili napatitig ako sa sarili ko sa harapan ng salamin. Napaamang ang labi ko ng ma-realize ang ginawa kong pag-aayos. B-Bakit parang sobra-sobra ang paghahanda ko? Mabilis akong umiling sa naisip. Wala. Hindi ba nga, gusto ko lang maging maayos ang sarili ko sa harap ng mga bisita namin? 'Yun lang at wala ng iba pang dahilan para mag-ayos ako ng ganito.

Saglit ko pang sinulyapan ang sarili bago ako nagdesisyong lumabas na ng kwarto ko. Ilang oras na lang at parating na rin sila Mommy and Daddy. Baka ganoon din ang mga bisita namin ngayon.

Paglabas ko ng kwarto, malalim akong napabuntong-hininga bago nagdesisyong bumaba na ng hagdan.

Nahihiya akong ngumiti sa mga katulong na sobrang lapad ng ngiti habang nakatingin sa akin. Hala! Hindi ako sanay!

Maski si Manang Loleng ng makita ako ay malapad na napangiti.

"Ang ganda-ganda mo naman, Louise." Nakangiting sabi agad ni Manang ng makalapit ako sa kanya.

I chuckled. "Thank you, Manang."

"Kaya pala ang tagal mo, nagpaganda ka pala ng sobra."

Agad na namula ang mukha ko sa sinabi ni Manang. Hindi tuloy agad ako nakapagsalita. "Kaunting make-up lang ang nasa mukha mo pero nakapaganda mo na talaga. Paano pa pag-make up artist pa ang nag-make up sa'yo."

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Manang. Si Manang talaga. Gandang-ganda halos palagi sa akin, eh.

"Parang noong 18th birthday mo, sobrang ganda mo. Mukha ka talagang prinsesa."

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko sa papuri ni Manang Loleng sa akin. Hindi ko alam na talaga pa lang nagagandahan siya sa akin. Pero bakit parang hindi makita 'yon ni Dwight? Pakiramdam ko nga hindi man lang niya magawang titigan at pagmasdan ang mukha ko kahit minsan lang. Bakit ko ba siya biglang naisip? Tss. Wala na nga pala dapat akong pakialam pa sa lalaking 'yon! Bahala siya sa buhay niya!

Nakarinig kami ni Manang Loleng ng busina kaya nagkatinginan kami ni Manang. Ngumiti at tumango sa akin si Manang.

"Mabuti pa, salubungin mo na sila. Mukhang ang Mommy and Daddy mo na 'yan." Nakangiting utos sa akin ni Manang. Mabilis naman akong tumango.

"Sige po. Bye, Manang!"

Pagkatapos magpaalam, naglakad na agad ako papalapit sa main door ng Mansion. Isang katulong ang pinagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you." I said and smiled at her.

"Walang anuman po."

Tumango ako at naglakad na palabas. Agad akong napangiti ng makita sila Mommy and Daddy.

"Good evening, Mommy and Daddy!" I greeted them happily. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila at humalik sa pisngi nila.

"Hello, sweetheart." Nakangiting sabi ni Mommy sa akin at saka ako pinagmasdan na ikinapula na naman ng mukha ko.

"You're so beautiful, Louise. Ang ganda-ganda ng ayos mo, Anak." Nakangiting sabi ni Mommy habang pinagmamasdan ako. Habang si Daddy ay agad na sumang-ayon kay Daddy.

"Naiingit tuloy ako! Let's go hon. Habang wala pa ang mga Bartolome, gusto ko rin mag-ayos."

Parehas kaming natawa ni Daddy sa sinabi ni Mommy. Sa huli wala kaming nagawa kundi sundin ang sinabi ni Mommy. Nang magkatingin kami ni Daddy, napakibit balikat si Daddy kaya sabay kaming natawa.

Nagpaiwan na ako sa living room dahil maski si Daddy ay magbibihis din. Ibilin naman sa akin ni Mommy na kung dumating na ang mga bisita at hindi pa sila nakabababa, ako na muna ang humarap sa mga ito.

Bigla tuloy akong kinabahan.

Si Mr. Bartolome pa lang ang nakikilala ko kaya medyo panatag na ang loob ko sa kanya dahil mabait siya. Ngunit hindi ko pa nakikilala at nakikita si Mrs. Bartolome kaya clueless pa ako rito. Si Diego Bartolome naman ay nakilala ko na kaya medyo isa rin siya sa nagpapakaba sa akin ngayon lalo na, nakilala ko na siya.

Nagulat pa ako ng makarinig ng busina na ng sasakyan. Nakita iyon ni Mommy and Daddy dahil saktong pagbaba nila ng hagdan. Tinawanan tuloy nila akong dalawa.

"Calm down, sweetheart. Halika na at samahan mo kami ng Daddy mo." Nakangiting sabi ni Mommy sa akin. Tumango naman ako at ngumiti rin kay Mommy.

Hinawakan ko ang kamay ni Mommy at saka kami sabay na naglakad habang si Daddy naman ay nasa likuran namin at nakasunod.

Paglabas namin ng Mansion. Saktong nadako ang tingin ko sa mag-asawang kalalabas lang ng kotse. Sina Mr. And Mrs Bartolome.

Napangiti ako ng tumingin sa amin ang mag-asawa. Sobrang lapad ng ngiti ni Mrs. Bartolome. At habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad papalapit sa amin, masasabi kong mukhang mabait din siya katulad ni Mr. Bartolome.

Agad na bumati si Mommy and Daddy sa kanila ng salubungin nila ang mag-asawa. Sumunod naman ako at nakangiting bumati.

"Magandang gabi." I greeted. Nakangiti akong humarap sa kanilang dalawa.

"Good evening, hija. Napakaganda mo naman." Nakangiting sabi ni Mrs Bartolome na ikinapula ng mukha ko.

Pakiramdam ko tuloy, hindi ako sanay sa compliment dahil sa pamumula ng mukha ko.

"Thank you po."

"Saan pa ba magmamana?" Natatawang tanong ni Mommy kaya nagtawanan nila.

Ilang saglit pang pag-uusap, nagdesisyon na silang pumasok sa loob.

"Ang akala ko, kasama niyo ang anak niyo?" Tanong ni Mommy na siyang pumukaw sa atensyon ko.

"Oh, nakalimutan ko na ang anak ko. Kasama namin siya, parating na rin 'yon." Nakangiting sabi ni Mrs Bartolome na nilingon pa ako kaya ngumiti naman ako kahit na hindi ko alam kung para saan iyon.

"Kung ganoon, mabuti pa ikaw na ang maghintay sa anak nila, Louise."

Napaamang ang labi ko sa sinabi ni Mommy ngunit sa huli, wala akong nagawa kundi ang pumayag. Kaya doble-doble ang kaba ko ng makita na ang sasakyan ni Deigo Bartolomena papasok na ng gate namin.

Oh gosh!

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now