Chapter 8

448 13 0
                                    


Chapter 8

-

Maaga akong nagising kinabukasan. Sobrang ganda ng gising ko dahil maganda rin naman ang tulog ko. Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto at saka bumaba ng hagdan. Nagtungo agad ako sa kusina. Uumpisahan ko na kasi ang gagawin kong cupcake na ihahatid ko kay Dwight. Sobrang lapad ng ngiti ko habang isa-isa kong inilalabas ang mga gaggamitin ko.

"Good morning!"

Nakangiti akong nag-angat ng tingin kay Manang Loleng na malapad din ang ngiti habang nakatingin sa akin. "Good morning, Manang!" I greeted.

"Ang aga mo naman." Sabi ni Manang at saka napatingin sa ginagawa ko. "Para kanino 'yan at sobrang aga mo naman kung gumawa ka ng cupcake."

I chuckled. "Para po 'to kay Dwight, Manang."

"Wow!"

Ngumiti lang ako kay Manang. At saka na ako nagpatuloy na sa ginagawa. Habang si Manang naman ay nag-umpisa naman si Manang sa pagluto ng almusal namin. Nagkukuwentuhan lang naman kami ni Manang habang busy sa mga gingawa namin.

"Hindi ka ba sasabay sa Mommy and Daddy mona mag-breakfast?" Tanong sa akin ni Manang ng matapos siyang magluto.

"Sasabay po. Patapos na rin naman po ako rito. Ilalagay ko na po muna sa oven at saka na ako susunod do'n."

Tumango naman si Manang sa sinabi ko at saka na siya nagpatulong sa isang katulong sa paghahain ng pagkain sa dining area. Ako naman ay biilisan na ang galaw para matapos na s ginagawa.

"Ako na ang bahala rito. Kumain kana at mag-ayos na ng sarili para pagkatapos mo, gawa ng cupcakes mo." Mahabang sabi ni Manang Loleng nang muli siyang pumasok ng kusina. Naabutan niya kasi akong naglalagay na lang ng cupcakes sa oven.

Tumango naman ako at saka ngumiti kay Manang. At saka nagugutom na rin naman ako. "Sige po, Manang."

"Sige na at hinihintay ka na ng Mommy at Daddy mo ro'n."

"Sige po, Manang. Thank you!"

Kaya naman nagtungo na ako sa dining area. Naabutan ko naman do'n sila Mommy at Daddy.

"Good morning po!" Humalik pa muna ako sa pisngi nilang dalawa bago ako naupo.

"Ang aga mo raw sa kusina kanina sabi ni Manang." Sabi ni Mommy at saka siya ngumisi ng nakakaloko. Napakamot naman ako sa batok ko dahilan para tawanan nila akong dalawa.

"For sure, magugustuhan ni Dwight 'yang ginawa mong cupcakes para sa kanya." Nakangiting sabi ni Mommy. Nag-umpisa na kaming kumain habang nag-uusap.

Tila kumislap ang dalawang mata ko sa narinig na sinabi ni Mommy. "Talaga, Mommy?"

"Of course!"

Ginanahan tuloy ako sa pag-aalmusal kaya sobrang dai kong nakain.  Kaya busog na busog ako ng matapos kaming mag-breakfast. Nagpahinga lang saglit sila Mommy and Daddy bago nagpaalam sa akin na aalis na sila. Ako naman ay umakyat na sa kwarto ko para magbihis. Pupunta na rin kasi ako sa company ni Dwight. Paniguradong kanina pa iyon dumating do'n.

Simple yellow dress ang pinili kong suotin at saka ako nag sandals. Bagay na bagay sa akin ang yellow dress na suotsuot ko ngayon lalo na mas pumuti pa lalo ang kulay ng balat ko. Sobrang tamis ng ngiti ko habang tinitignan ang sarili sa harapan ng malaking salamin dito sa kwarto ko. Ang mahabang buhok ko ay hinayaan kong nakalugay lalo na basa pa naman. Naglagay din ako ng light make-up sa mukha ko.

Ilang saglit ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin bago ako nagdesison na lumabas na ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Mahirap na pagnalaglag ako. Kahit naman nagamadaliakong makarating sa company ni Dwight ay iniisip ko pa rin naman ang safety ko.

Pagdating ko sa kusina ay tapos na nga ang cupcakes ko.

Hindi mawala ang ngitisa labi ni Manang Loleng habang nakatitig sya a akin habang papalapit ako sa kanya. "Napakaganda mo, Louise." Nakangiting sabi sa akin ni Manang.

"Thank you, Manang!"

Nilagyan ko pa muna saglit ng iba't ibang design ang cupcakes ko bago ko sila inilagay sa box. Tinulungan pa nga ako ni Manang kaya natapos agad ako. 12 pieces lang ang dala-dala ko at iniwan ko na ang iba. "Manang, bago po ako umalis. Gusto ko po sana na tikman niyo, kahit isang cupcake lang para malaman ko na okay lang ang pagkakagawa." Sumang-ayon naman Sa akin si Manang at saka siya nanguha ng isang cupcake at saka tinikman. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Manang.

"Kamusta po ang lasa?" Kinakabahang tanong ko. Sana naman ay maayos lang ang lasa.

Unti-unting napaamang ang labi ko ng mag-thumbs up sa akin si Manang. "Masarap!
"
Hindi ko napigilang mapapalakpak sa sinabi ni Manang. "My gosh! Thank you, Manang!"

Inihatid pa ako ni Manang hanggang sa labas ng Mansion. Inilagay ko sa passenger seat ang box kung na saan ang cupcakes. Bago ko inayos ang seat belt ko. Bumusina pa muna ako kay Manang. At ng makita kong tumango siya, pinatakbo ko na ang kotse ko. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ni Manang guard. Bumusina rin ako sa kanya senyales ng pagpapaalam. Tumango naman si Manong guard habang nakangiti kaya naman tuluyan na akong lumabas ng Mansion. Sakto lang ang blis ng pagpapatakbo ko lalo na pinag-iingat ako ni Daddy at Mommy para iwas aksidente.

Nang makarating ako sa building ng company ni Dwight ay dumeretso ako sa parking lot. Nang maayos na ang pagkaka-parking ko ay saka ako lumabas ng kotse bitbit ang dala-dala ko para sa CEO ng company kung na saan ako ngayon.

Pagpasok ko ay nginitian ko agad ang mga empleyado na nginitian din naman ako at saka binata ng magandang umaga. Ibinalik ko rin naman ang mga pagbati nila hanggang sa makarating ako sa elevator at saka ko clinick ang number ng floor kung saan ang opisina ni Dwight.

Siguro naman ay inaasahan niya ang pagpunta ko ngayon dto 'di ba? Sinabi ko naman 'yon kagabi kaya 'wag na siyang magugulat na makita ako ngayon dito.

Nang makarating ako sa floor ng office ni Dwight ay agad na akong lumabas ng elevator. Napakunot ang noo ko ng makitang wala si Mhelanie sa table niya ngunit may isang empleyado akong naAbutan na papaalis na rin.

"Hi, na saan si Mhelanie?" Tanong ko. Ngumiti ako sa kanya ng makitang nagulat pa ang lalaki sa pagtanong ko.

"A-Ah, Ma'am. May board meeting po kasi ngayon at kasama siya ng CEO."

"Oh, kaya naman pala. Sige, thank you!" I said and smiled sweetly at him. Mahina akong natawa ng makitang namula ang pisngi niya. Tumango ako nang magpaalam na siyang bababa na.

Siguro sa loob na lang ng office ni Dwight maghintay. Kaya naman naglakad na ako palapit sa pintuan ng Office ni Dwight.

Ngunit pagbukas pa ko palang ng pintuan ng office ni Dwight, hindi ko na nagustuhan ang nakita ko.  

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now