Chapter 45

374 12 0
                                    

Chapter 45

-

Pagkatapos ng mahabang byahe, sa wakas nakarating na rin kami sa Mansion. Tumigil ang kotse ni Dwight sa tapat ng gate. Inalis ko na agad ang seatbelt na suot-suot ko bago liningon si Dwight.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko at saka lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. Naramdaman kong natigilan siya kaya lalo akong napangiti.

Nang ilayo ko ang labi ko sa pisngi niya, nakipagtitigan ako kay Dwight. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Dwight ng unti-unting bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Do you want to kiss me?" I asked seductively. Mukhang sa mga oras na 'to, pakiramdam ko ngayon pa lang umepekto sa aming dalawa ni Dwight ang epekto ng alak na nainom namin.

Bumaba ang tingin ko sa natural na mapulang labi ni Dwight. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"This is wrong."

"Hmm."

"But i really want to kiss you." He said, caressing my face with his thumb. Damn. Ang init! Biglang uminit ang pakiramdam ko. May aircon naman pero-argh, ang hot ni Dwight!

Tila naestatwa ako mula sa kinauupuan ko ng unti-unting bumaba ang mukha ni Dwight sa mukha ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko.

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang malambot na labi ni Dwight sa labi ko.

Ngunit mabilis kaming naghiwalay ni Dwight dahil sa gulat ng may kumatok sa bintana ng driver seat ng kotse niya.

Fuck!

Nanghihinayang akong nag-iwas ng tingin kay Dwight. Shit! Iyon na 'yun, eh! Iyon na?! Nag-kiss na nga kami, eh! Ang kaso, naistorbo lang.

Limungon ako sa gawi ni Dwight. Pinanood kong binuksan ni Dwight ang bintana ng kotse niya. Napangiwi ako ng makitang si Mang Kanor ang bumungad sa amin.

Istorbo naman si Mang Kanor! Gosh! Badtrip!

"Ma'am, Sir. Kayo po pala." Nakangiting sabi ni Mang Kanor ng makita kami ni Dwight.

Napairap ako sa hangin. Kinausap naman ni Dwight si Manang Kanor hanggang sa magpaalam na ito. At nang muling makapasok sa loob si Manang Kanor, naiwan muli kaming dalawa rito. Nang tignan ako ni Dwight, inirapan ko siya. Padabog kong binuksan ang pintuan ng front seat at saka na ako bumaba. Pero bago ko isara ang pintuan, humarap pa muna muli ako sa kanya.

"Salamat, ulit." Mataray na sabi ko at saka ko na sinarado ang kotse niya. Ngunit napaamang ang labi ko ng makitang bumaba rin ng driver seat si Dwight.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Umuwi kana, hihintayin ko pa si Deigo na dumating." Masungit na sabi ko sa kanya.

"Tss. Hihintayin ko siya."

I raised my eyebrow. "And why?"

He sighed. "Hindi kita iiwan dito ng mag-isa sa labas." Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. Seryoso siya?

Hmm, gentleman naman pala 'to, eh. Pa-hard to get lang talaga. Porke pogi 'no?

"Sige na, umuwi kana." Sabi ko ulit. Eh, wala naman kaming hinihintay!

Napaamang ang labi ko ng sobrang sama na ng tingin ni Dwight sa akin. "Fine!" Inis na sabi ko at saka siya sinamaan din ng tingin.

Kaya naman, para kaming tangang dalawa na nakatayo rito sa labas ng Mansion na wala namang hinihintay.

Napanguso ako at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Napaayos ako ng tayo ng makitang tinitignan niya na pala ako.

"A-Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" Mataray kunwari na tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya hindi ko na lang siya pinansin.

Ilang minuto na ang nakalipas. Malalim akong napabuntong-hininga at saka ko na binasag ang katahimikan.

"Alam mo mabuti pa, umuwi kana. Papasok na lang din ako sa loob." Sabi ko at saka ako nag-doorbell. Agad naman akong pinagbuksan ng gate ng guard namin.

"Papasok na po ako."

"Sige po, Ma'am." Sabi niya at saka ako pinagbuksan ng gate. Nilingon ko pa muna si Dwight na pinapanood ako.

"Salamat ulit! Pasok na ako." I said and waved my hand at him.

Nang makapasok ako, ilang saglit lang, narinig ko na ang tunog ng kotse ni Dwight na papaalis.

Napangiti ako. Kaya naman nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad papasok ng Mansion.

Tulog na siguro sila Mommy. Nagpaalam naman ako kanina na aalis ako kaya hindi na nila kailangan pang mag-alala. Lalo na ngayon kung nalaman pa nilang si Dwight ang naghatid sa akin.

Balak ko pa sanang kausapin si Brianna at magkuwento ng mga nangyari pero gabi na rin at siguro magkasama pa sila ni Jeffrey ngayon. Ayoko naman silang dalawang istorbohin.

Pagpasok ko sa kwarto, agad akong nagtungo sa walk in closet ko para kumuha ng pantulog at saka ako nag-body wash. After fifteen minutes, natapos na rin naman ako kaya nahiga na ako.

Humilata na ako sa king size bed ko dahil bukas, paniguradong marami na namang magaganap.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Deretso ako Company ngayon at walang ibang dadaanan. Hindi ko na kailangan pang dumaan sa Company ni Dwight dahil sa Company din naman namin ang punta niya mamaya.

Agad akong nag-prepare. Pagkatapos ay bumaba na rin ako at naabutan ko naman sila Mommy and Daddy sa dining area na nagbre-breakfast. Binati ko silang dalawa paglapit ko.

"Good morning, Mom, Dad!" I greeted them sweetly. Ngiting-ngiti akong humalik sa pisngi nilang dalawa bago ako naupo.

"Kumusta naman kagabi?"

Ngumiti ako kay Mommy. "Maayos naman po. Nauna lang po akong umuwi kay Brianna dahil siya kasama niya pa si Jeffrey."

Hindi ko na ikuwinento pa kila Mommy and Daddy ang tungkol sa amin ni Dwight. Na nagkita at nagkasama kami kagabi. Baka ano pa ang isipin nila Mommy.

Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain hanggang sa natigil kami ng lumapit ang isang katulong sa akin.

"Ma'am Louise, nandito po si Sir Deigo."

Natigilan ako sa sinabi ng katulong. Saglit pa akong tumingin kila Mommy and Daddy.

"Andito siya?"

"Yes, Ma'am."

"Sige, papasukin mo." Sabi ko at saka ako napakagat sa pang-ibabang labi ko.

Tila wala na akong lakas upang harapin si Deigo. Pero anong magagawa ko ngayong narito siya para sunduin ako? Damn.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now