Chapter 9

433 12 0
                                    

Chapter 9

-

Natigilan ako ng makita kung sino ang na sa loob ng office ni Dwight at nakaupo sa visitor's chair. Napatingin ito sa akin ng maramdaman ang presensa ko.

She smiled and me. "Oh, hi. Nandito ka ba ulit para maghatid ng pagkain kay Dwight?" Tanong sa akin ng girlfriend ni Dwight. Tumayo pa ito at saka naglakad palapit sa akin.

Louise, kailangan mong umakto ng normal. Huwag kang papatalo sa babaeng 'to dahil unang-una sa lahat, mas maganda ka sa kanya. Patunayan mo sa babaeng 'to na mali siya sa sinabi niyang bata pa ako. 

I smiled confidently at her. "Hi, I'm Louise."

"I'm Stephanie."

Mas maganda pa rin ang pangalan ko sa kanya. Mukha naman siang mabait. At ganitong klase ng Babae ang masarap na tarayan. Para lumabas ang totoo nilang ugali.

Inabot niya sa akin ang kanyang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. Inanyaahan niya akong pumasok na sa loob kaya naman sumunod ako sa kanya at sa single sofa ko napiling maupo.

"Para kay Dwight, 'yan?" Tanong niya habang na sa box ng cupcakes nakatingin. Inilapag ko kasi sa lamesa dahilan para tignan niya.

"Yes. Gusto niya kasing matikman ang cupcakes na gawa ko kaya dinalhan ko siya ngayon tulad ng gusto niya." I said and smiled at her. Hindi naman siya agad nakapagsalita at tanging nagawa lang ay ang pagtango dahilan para mapangisi ako.

"Girlfriend ka ni Dwight?" I asked. Umakto akong normal na tila walang pakialam kung malaman ko mang girlfriend nga siya ni Dwight.

She smiled. "Yes. Siya nga ang dahilan kaya umuwi ako ng Pilipinas." Masayang pagkukuwento niya. Tanging pagtango-tango lang naman ang sinagot ko. "Mabuti na lang at pumayag ang parents and manager ko. Professional model kasi ako sa states."

Tss. Ang dami ng sinabi. Isa lang naman ang tanong ko tapos ngayon, kulang na lang buong buhay na niya ang sasabihin niya sa akin.

"isa ka ba sa close friend ni Dwight?" Tanong niya. Hmm, nice question.

I shook my head. "I'm his soon to be wife." I said proudly and smiled sweetly at her. Tulad ng inaasahan ko, unti-unting naglaho ang masayang ngiti sa kanyang labi. Napalitan ng seryosong expresyon ang kanyang mukha na mas ikinatamis pa ng pagkakangiti ko.

"You're Kidding-" Naputol ang sasabihin ni Stephanie nang bumukas ang pintuan ng office ni Dwight kaya napatingin kami do'n. Si Dwight ay natigil sa pagpasok ng makita kaming dalawa ni Stephanie.

"Love." Napairap ako ng makitang tumakbo palapit kay Dwight si Stephanie at saka niya niyakap si Dwight na akala mo naman ay ngayong araw ay aagawin ko na sa kanya ang boyfriend niya.

Ngumiti agad ako ng magawi ang tingin sa akin ni Dwight habang nakayakap pa rin sa kanya si Stephanie. Nakita ko kung paano niya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Nagustuhan niya kaya ang outfit ko?

Nang bumitiw na sa pagkakayakap si Stephanie kay Dwight ay tumayo na ako sa pagkakaupo at binitbit na ang box ng cupcakes. Hindi pa rin naman sila nakakaalis sa kinatatayuan nila kaya naglakad na ako palapit sa kanila. Mahina akong natawa ng makitang masama na ang tingin sa akin ni Stephanie. Got yah! Ito ang gusto ko. Mukhang mapapadalas ang pagpunta ko rito ah.

"Dwight, ito na nga pala 'yung cupcakes. Hope you like it." Nakangiting sabi ko ng tuluyan akong makalapit sa kanila at saka ko kinuha ang kamay ni Dwight at inilagay ko roon ang box ng cupcakes bago at tumingkayad at humalik sa pisngi ni Dwight. Narinig ko ang pagsinghap ni Stephanie sa ginawa ko. Nakangiti akong humarap kay Dwight na malamig na ang tingin sa akin ngayon pero hindi pa rin naman nagsasalita.

"Bye!" I said and winked at him. Nalipat naman ang tingin ko kay Stephanie at saka ako lumapit sa kanya saka ko siya binulungan. "Alagaan mo muna ang soon to be husband ko habang wala ako ha?" I whispered and smiled sweetly at her.

"Bye guys!" I said and waved my hand.

Sobrang lakas ng tawa ko ng tuluyan akong makalabas ng office ni Dwight. Oh my gosh! I'm so proud of myself!

"Ma'am?"

Natatawa pa rin ako ng tumingin ako kay Mhelanie na kunot ang noong lumapit sa akin.

"Oh, hi, Mhelanie."

"Maupo na po muna kayo, Ma'am." Inanyayahan niya akong maupo sa visitor chair. Inayos ko ang sarili ko at nakangiting humarap kay Mhelanie.

"I need you, Mhelanie."

"Po? Gulat na tanong niya sa akin.

"Alam mo bang girlfriend ni Dwight ang Stephanie na 'yon?

Napataas ang kilay ng nahihiyang tumango sa akin si Mhelanie.

"Whatever." I said and rolled my eyes.

"Naikuwento lang po kasi sa akin ni Ma'am Stephanie."

Paepal talaga 'yon. Kung kani-kanino na lang ata pinagsasabi na girlfriend siya ni Dwight. Paano pa kaya ngayong sinabi ko sa kanya na si Dwight Turner ay ang soon to be husband ko? Malamang kulang na lang ay magpa-media ang gaga.

"Close kayo?" Masungit na tanong ko. Dali-dali namang umiling sa akin si Mhelanie.

"Hindi po, Ma'am. Sa totoo nga lang po ay mas gusto ko kayo para kaay sir Dwight. Bagay po kayo."

I laughed. "Mambobola. By the way, here's my number." Inabot ko sa kanya ang calling card ko. "Pagnandito si Stephanie gusto ko ay balitaan mo ako."

Napaamang ang labi ni Mhelanie. "Don't worry, wala ka namang gagawing masama kundi 'yan lang. Madali lang naman 'di ba?"

Saglit na napatitig sa akin si Mhelanie bago siya tumango dahilan para mapangiti ako.

"Thank you, Mhelanie. Don't worry, ako ang bahala sa'yo." I said and winked at her. "Mauuna na ako dahil pupuntahan ko pa ang mayordoma ng bahay na inuupahan mo at babayaran ko na ang utang mo ng isang taon."

Napasinghap si Mhelanie sa sinabi ko pero nginitian ko lang siya.

"Bye!" I said and waved my hand.

"Ma'am, thank you!" Rinig kong sigaw ni Mhelanie bago pa tuluyang sumara ang elevator.

I smiled and nodded. Basta magawa niya lang ng maayos ang inuutos wala namang problema.

Seducing Mr. TurnerWhere stories live. Discover now