Napansin ko na walang professor sa karapan ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at nagsimula nang maglakad papunta sa pwesto ko. Ngunit ilang hakbang palang ang nagawa ko nang may biglang yumakap saakin kaya agad akong natigilan sa paglakad.

"Gosh, Shane. Thanks that you're here. Are you okay? Sorry wala akong nagawa para iligtas ka. " saad ni Hydra habang mahigpit na nakayakap saakin.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya ngunit dahil sa agad na nanumbalik saakin ang ala-ala na siya ang huli kong kasama bago ako kuhain nina Tita Astrid ay naintindihan ko na ang sinasabi niya.

"Hydra, it's okay. Ayos naman na ako. Wala namang nangyaring masama sakin." Pagpapakalma ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang kaniyang likod.

"Ate Shane." Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Athena at kasabay rin noon ay ang pagkalas ng pagkakaakap saakin ni Hydra.

"Seriously? Dyan pa kayo magdradrama?" Inis na usal ni Jessica saka lumabas ng room.

Halos lahat kami ay napatingin kay Jessica habang ito ay papalabas ng room.

"Don't mind her." Saad ni Farrah na ngayon ay nakalapit narin sa pwesto namin kaya tumango nalang ako sa kaniya.

"So what really happened Shane? Sino ang mga kumuha sayo?" Nag-aalalang tanong ni Farrah saakin habang hawak hawak ang aking kamay.

Agad akong natigilan dahil sa sinabi niya at hindi ko magawang tumingin sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko dahil hindi ko naman maaaring sabihin sa kanila ang totoong nangyari. Dahil nangako ako sa reyna at kay Headmistress Jem. Isa pa isang malaking pagkakamali kung sasabihin ko sa kanila dahil wala ako sa lugar para sabihin ang napakasensitibong bagay na iyon.

Nagtungo muna kami sa upuan namin upang maupo at upang masabi ko sa kanila ang kasinungalingang gagawin ko. Nag-aalangan man ay kailangan kong gawin ito para sa kapakanan namin ni Krishzel.

"So what happened?" Pag-uulit ni Farrah saakin.

Lahat sila ay nag-aabang ng sasabihin ko kaya wala na akong nagawa kundi ang magsinungaling.

"Nothing happened. It's just that..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agad na magsalita si Ashton.

"How can you say that nothing happened? You're being kidnap Shane for Pete's Sake and then you'll say that nothing happened? Come on tell us." Medyo may pagkairitang saad saakin ni Ashton.

Alam ko naman na nag-aalala lang siya kaya naging ganyan ang reaction niya at hindi ko naman siya masisisi.

"Shane, just tell us you can trust everyone from the group." Dagdag na komento ni Harry na ngayon ay matiim na nakatingin saakin.

Napabuntong hininga ako dahil sa frustration. Kahit na anong pilit kong gawin na hindi magsalita ay hindi pwede dahil mas pipilitin lang nila ako and another thing kahit ayoko na magsinungaling ay wala akong magagawa but to do so.

"The persons who kidnapped me is my parents." Casual na pagkakasabi ko sa kanila.

"WHAT?" Sabay sabay nilang tanong saakin marahil dahil sa gulat dahil sa isinagot ko.

"Seriously Shane? But why did they need to kidnapped you?" Hindi makapaniwalang tanong saakin ni Hydra.

Tiningnan ko sila isa isa at base sa itsura nila ay hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko. But I need to make them believe me at any cost. Kahit pa sobrang daming kasinungalingan pa ang sabihin ko para lang mapagtakpan ko ang totoong nangyari.

"Yes, I'm serious. Nakasanayan na ng parents ko na kidnappin ako everytime na kailangan nila akong kausapin in private at kapag agaran. Isa pa kaya hindi ka nila sinaktan Hydra because they know na kaibigan kita." Pagsisinungalin kong saad sa kanila. Napatango naman sila dahil sa sinabi ko.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now