Chapter 42: Missing

Start from the beginning
                                    

"Ahm, I don't really know because......ackkk.." agad akong natigilan nang may biglang humawak sa leeg ko at iniangat ako sa lupa.

HYDRA'S P.O.V.

"Shit." Agad akong napatayo sa pagkakaupo ko ng may biglang lumitaw sa harapan namin ni Shane at agad nitong sinakal si Shane at iniangat sa lupa.

"Pakawalan ninyo siya." Sigaw ko sa kanila at gumawa ng water ball at agad na ibinato sa kanila ngunit dineflect lang ito ng isa sa kanila at gumawa ng atake ngunit agad rin itong nawala kasabay ng paglabas ng makapal na usok sa pagitan namin.

Nang mawala na ang usok ay wala narin ang dalawang taong nakasuot ng cloak, maging si Shane ay tangay narin nila.

"My gosh Shane." Agad akong nagteleport papunta sa kwarto na pinanggalingan namin kanina.

Naabutan ko silang papalabas na ng kwarto kaya agad ko silang pinigilan.

"Guys." Saad ko kasunod ng pagtulo ng luha mula saaking mata.

"Hydra? Why are you crying? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong saakin ni Farrah at agad rin naman niya akong dinaluhan.

Napaupo ako sa sofa at patuloy lang na tumulo ang luha ko habang humahagolhol.

"Hey, Hydra? Anong nangyari, tell us? Nasan si Shane? Nag-away ba kayo?" Sunod sunod na tanong saakin ni Farrah ngunit umiling nalang ako bilang sagot.

Sinubukan kong ayusin ang sarili ko upang masabi ko sa kanila ang nangyari.

"Si. Si. Si Shane. *sniff* may... kumuha *sniff* kay. Shane." Sambit ko sa kanila habang patuloy na umiiyak.

Agad silang naalerto dahil sa sinabi ko at lumapit saakin.

"What do you mean na may kumuha kay Shane? Lumabas ba kayo ng school premises?" Nag-aalalang tanong saakin ni Ashton na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko.

"No. Hindi... kami... lumabas... may dalawang... taong.. *sniff* biglang... sumulpot.... *sniff* sa harapan... namin.... tapos.... *sniff* bigla niyang.... sinakal ... si .. Shane.... wala.. akong... nagawa..." mas lalong bumugso ang aking pag-iyak dahil sa wala akong nagawa upang mailigtas ko si Shane.

Ni hindi ko manlang siya nahila papalayo sa mga kumuha sa kaniya.

"Sshhhh. Ate Hydra. Wala kang kasalanan. Don't blame yourself. Mahahanap din natin si Ate Shane." Saad saakin ni Athena na ngayon ay nakalapit narin saakin.

"Athena's right. Mahahanap din natin si Shane." Seryosong saad saakin ni Andrew habang hawak hawak ang dalawa kong kamay.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagawa ko naring kumalma. Pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kalagayan ngayon ni Shane. What if may mangyaring masama sa kaniya? I can't stop blaming myself dahil hindi ko manlang nagawang tulungan si Shane.

"How's that possible na may nakapasok dito sa Academy na Darkanians?" Nagtatakang tanong ni Harry habang sapo sapo ang kaniyang ulo.

"It's very impossible. Walang makakapasok dito sa Academy na Darkanians by using teleportation." Komento ni Farrah sabay lingon saamin.

"Or maybe, there is a traitor in the academy. Only light magic user can pass through and enter the academy right. So there's a big possibility that someone here in the academy is a traitor."  Agad kaming napalingon kay Ashton nang magsalita ito.

He's right. Walang sino mang Darkanians ang makakapasok dito dahil sa barrier na nakapalibot.

"What are we going to do? We need to find ate Shane." Nag-aalalang tanong ni Athena habang nakayakap sa mga binti niya.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now