Pagkasabi ni Athena ay agad na napaupo si Ashton sa sahig at patuloy na humagolhol. Wala na kaming nagawa kundi ang lumapit sa kaniya.

Kapansin pansin ang ilang sugat sa katawan ni Ashton dahil siguro sa mga bubog na tumama sa kaniyang balat. Kitang kita ang pagsisisi sa kaniyang mata at halata rin sa mga ikinikilos niya.

"Ashton, magiging okay ka din."

SHANE'S P.O.V.

Nang makalabas ako sa dorm ng mga royalties ay nagtungo na agad ako sa dorm namin ni Krishzel. I need to give the letter to Ashton like what I've promise to Krishzel. Siguro makakatulong yung sulat ni Krishzel para mapakalma si Ashton.

Lakad at takbo ang ginawa ko upang makarating ako sa dorm namin. At ilang sandali pa ay narating ko na din ang tapat ng dorm kaya wala na akong sinayang pa na oras at pumasok na ako agad.

Agad akong nagtungo sa cabinet ko kung saan ko inilagay ang letter na ibinigay ni Krishzel.

Agad kong binuksan ang cabinet ko at hinanap ang letter. Mabilis ko rin naman itong nakita kaya kinuha ko narin agad ito.

Akmang hahakbang na ako palikod ng makaramdam ako ng hilo kaya't napahawak ako sa kabinet ko.

Parang nanlalabo ang paningin ko kaya agad akong napailing ng maibsan ko ang pagkahilo ko ngunit sadyang nahihilo talaga ako.

Napalingon ako sa gilid ko kung nasaan nakalagay ang salamin ng mapansin ko ang sarili kong repleksiyon. Agad akong napahawak ng mahigpit sa letter na hawak ko pati sa drawer kung saan ako nakaalalay dahil sa biglang pagbabago ng kulay ng mata ko.

"Shit bakit ngayon pa?" Inis na sambit ko at dahan dahang nagtungo sa kama upang maupo ngunit agad rin akong napahiga.

"Bakit ngayon ka pa dapat mangyari?" Inis na sambit ko ngunit agad iyong napalitan ng kaba.

"H-hindi to m-aaari. Please wag ngayon? Aaacckkkkk." Napadaing at napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Parang may kung anong bagay ang tumutusok sa ulo ko at parang binibiak ito.

Agad na lumandas pababa ng mata ko ang luha dahil hindi ko na mapigilan ang sakit. Parang hindi ko na kakayanin pa ang sakit but I have no choice but to endure the pain.

Maraming beses ko nang naramdaman ito pero wala akong katiting na ideya kung bakit ito nangyayari saakin. I even consult some healer pero maging sila ay walang alam sa sakit kong ito.

"Aaaaaahhhhhhhhh." Agad akong napadaing ng bahagya namang sumakit ang dibdib ko kasabay ng panibagong pagsakit ng ulo ko.

Parang sinaksak ako sa dibdib dahil pakiramdam ko ay tagusan ang sakit na nararamdaman ko. Hinanghina na ang katawan ko pero hindi parin nawawala ang sakit at parang habang tumatagal ay mas tumitindi pa ito.

Pinilit akong bumangon sa pagkakahiga ko at naging matagumpay naman ako. Pero sadyang nanghihina ang katawan ko kaya't sandali muna akong napatigil sa pagkakaupo.

Makalipas ang ilang sandali ay binitawan ko na ang sulat na hawak ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa aking kama. Dahan dahan akong naglakad patungo sa mesa upang kumuha ng tubig.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay sumasakit ang ulo ko at dibdib. Ilang hakbang pa ang ginawa ko ngunit biglang dumilim ang paningin ko kasabay ng pamamanhid ng katawan ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman kong parang matutumba ako hanggang sa nawalan na ako ng malay.


ASHTON'S P.O.V.

Ilang oras din ang ginugol ko para mapakalma ko ang sarili ko.

Sa mga oras na ito ay sising sisi ako dahil sa mga nagawa ko kay Krishzel. Maraming beses ko na siyang nasaktan ngunit mabilis naman niya akong napatawad pero sa pagkakataong ito alam ko at tanggap ko na mahirap na niya akong mapatawad. Deserve ko naman eh. Deserve ko namang hindi niya ako mapatawad dahil sobra sobra ang nagawa kong mali kay Krishzel. I hurt her so much to the point that I almost kill her. Mabuti nalang at dumating si Headmistress Jem.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now