Chapter 53

120K 2.2K 62
                                    

"Kailan ang kasal?"


Seryosong tanong ni Daddy. Pagkaupong pagkaupo namin yun agad ang tanong niya. Parang siguradong sigurado siya na napapayag na ako ni Mark Ethan.


"Daddy.."

"Alam ko na pumayag ka na. Kasi wala kayo dito kung hindi pa. Hindi kayo haharap sa amin ng wala ka pang desisyon anak. Pasensya na kung naging makasarili ako. Na inuna ko yung pride ko lalo na nung makilala ko ang magulang ni Mark Ethan. Pero nung mawalan ka ng malay anak dun ko narealized na mas ok na ipaubaya kita sa lalaking mahal na mahal ka kesa ang magdelikado ang buhay mo at mawala ka sa amin ng tuluyan. Sorry anak kung ako pa na sariling ama mo ang nagdulot sayo ng sama ng loob. Sorry din sa apo ko. Baka paglabas niyan galit sa akin kasi parang hindi ko agad siya tinanggap"


Hindi ganito ang inaasahan ko na dadatnan namin. Yung tipong masinsinang makikipag usap talaga si Mark Ethan mapapayag lang na makasal kami. Naihanda ko na ang sarili ko na baka hindi namin sila makausap at babalik na lang sa susunod na pagkakataon. Hindi ako handa sa ganito. Na magpapakumbaba si Daddy. Akala ko iiyak ako ngayong araw na ito. Pero alam ko na luha na kaligayahan ang luhang nanalatay ngayon sa aking pisngi. Tumayo ako at lumapit kay Daddy. Si Mommy naiiyak na din. Matagal na namang tanggap ni Mommy ang sitwasyon. O siguro mahirap lang talagang pakawalan basta basta para sa isang ama ang kanyang anak na babae. Hinawakan ko ang kamay ni Daddy at pinahaplos ko sa aking tiyan. Na para namang nakikisama si Little Mark Ethan Sa loob kasi naramdaman ko ang pagsipa niya.


"kita mo Dad hindi siya galit sayo. "


Tuluyan ng napaluha si Daddy. Pero mababakas mo sa mukha niya na masaya siya. Na parang nakikinita ko na na magiging spoiled ang anak ko sa kanya.


"Salamat Dad. Magiging Engineer pa din naman ako. Hindi naman nawawala yun sa plano ko."

"Ok lang anak kahit kailan mo kunin yung lisensya na yun. Sabi ng nila pag graduate ka ng Engineering parang formality na lang yang lisensya. Yung makagraduate ka ay sapat na sa akin yun."

Yumakap na ako sa kanya. Baka nga nabigla lang siya dati sa mga sinabi niya. Kahit naman sino mabibigla na basta basta na lang uuwi ang anak nila na nagdadalang tao. Alam ko na madami akong maling nagawa. O dahil sa pagmamahal ko kaya Mark Ethan madami akong hindi naisaalang alang. Pero kahit ano pa man yun alam ko na ang makasama siya at ang mahalin niya ay sobra sobra ng kapalit sa lahat ng yun. Kasi kung siya ang pinalampas ko baka wala na akong mahanap na katulad niya. Kasi ang ganyang lalaking bibihira lang. O baka nga nag iisa lang siya.


"Maraming salamat po Tito, Pinapangako ko po na hindi ko pababayaan ang mag ina ko. Mahal na mahal ko po ang anak niyo."

"Kahit hindi ka mangako. Alam ko kung paano magmahal ang lahi mo." Ngumiti lang si Mark Ethan. "sabihin mo sa magulang mo na kailangan pa din silang mamanhikan dito. At para magkausap na din kami. Ayaw ko naman na paglumabas ang apo ko eh magkakaaway ang mga lolo at lola niya."


"Mark Ethan pwede bang pagkapanganak ng aking anak ay alagaan ko siya? Bago pa lang kayong magiging magulang. Alam ko na mahihirapan kayo sa pag aalaga sa baby"


"Ok lang po Tita. Malaki naman po ang bahay kahit dun muna po kayo ni Tito pag hindi po kayo busy. Sina Mommy kasi malamang magsabi din kasi excited na yun sa apo nila."


"Sige. Para makabonding ko din ang Mommy mo."

Niyakap ko si Mommy. Nakakatuwa lang na masasamahan niya ako pagkapanganak ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat gawin. Mahirap bumatay lang sa nababasa. Kasi pag anak na yung pinaguusapan parang nakakabang magdesisyon. Kaya kailangan talaga namin ang tulong ng magulang namin, kailangan namin sila para maging mabuting magulang din ni kami ni Mark Ethan.


"so kailan na ang kasal?"


Napatawa na lang kami. Sa hinaba haba ng pag uusap namin hindi pa din namin nasagot yung unang tanong ni Daddy. Kailan nga ba? Hindi ko din alam. Sabi ni Mark Ethan siya na daw bahala dun.


"Malapit na po. Konting details na lang ang aasikasuhin ko. Tapos papadalhan ko na lang po kayo ng invitation"

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Gaano kalapit na ang "Malapit na" niya? eh parang hindi ko naman siya nakikitang abala. Ni hindi pa nga ako nasusukatan ng gown? So paanong naging konting details na lang kung wala pa akong Bridal Gown? Ang totoo Mark Ethan medyo bigla akong kinabahan at na excite sa kasalan na yan. Malapit na nga talaga?


_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon