Chapter 30

174K 2.6K 155
                                    






Dalawang buwan na lang Exam na. Nasusunod ko naman yung schedule na ginawa ko sa pagrereview. Sa mga major subject ko dun ako nagfocus talaga. Sa General Engineering subjects yun ang ihuhuli ko. Tutal naman yung ilan dun ay nagagamit ko din sa Major Subject kaya parang konting review na lang talaga.



"Bakit kasi nung estudyante tayo itinuturo muna ang long method ng solution tapos saka ituturo ang Short method? Eh parehas lang naman ang magiging final answer."




Medyo naiinis na kasi ako sa sinosolve ko. Nasagutan ko na kasi siya using short method tapos gusto ni Mark Ethan ang ipakita kong solution ay yung long methor ang gamit. Nasa unit ko kami. At tinutulungan niya akong magreview. Kaso sobrang higpit niya. Sobrang seryoso niya.




"Parang IKAW lang yan. Nakuha ko sa short method pero dahil gusto ko na makasiguro long method ang ginagamit ko para paibigin ka"





Nahampas ko nga siya. Kaasar. Seryosong seryoso kami sa pagrereview tapos biglang babanat ng ganun? Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mapangiti. Ang adik lang.





"Tapos yung Final Answer mo na lang yung hihintayin ko"






Yung ngiti niya yung tipong nakakaloko na ewan. Yung sagad sa buto ang hatid na kilig. Final Answer ko daw? Ano ba yung tanong niya? Pero syempre ayaw kong tanungin yung tanong niya. Baka hindi ko mapigilan na hindi sagutin. Pag ganito ng ganito ang mangyayari tuwing magrereview kasama siya. LOVE EXAM na lang kaya ang kunin ko? Tas Marriage License na nga lang yung lisensyang kukunin ko.







"Pag pumasa ako aa Board Exam anong ibibigay mo na gift sa akin?"





Tutal wala na ako sa sarili para magreview pa. At malapit na din naman kaming magpahinga sa kunwaring pagrereview namin. Kaya ngayon pa lang itigil na ang dapat itigil.





"Hindi pa ba sapat ang katawan ko?"






Nahampas ko ulit siya. Eh kasi bakit ba ganun siya ngumiti? Yung ngiti pa lang parang ngayon pa lang gusto ko ng kunin yung gift ko. Kainis.







"Adik. Bukod dun"






Napatawa na lang din siya. Eh kasi pumasa o hindi naman mabibigay niya yun eh. Medyo nawawala na yung pagkailang ko sa kanya. Yung medyo nagbibiruan na kami. Yung normal na kaming couple. Yung kahit papano wala na yung kaba ko pag kasama siya. Yung wala na yung sakit na dati dati kong nararamdaman. Sa loob ng maikling panahon pinaramdam niya yung pagmamahal niya. Na wala dapat akong ikatakot. Na seryoso talaga siya sa akin.






"May tanong nga pala ako Mark Ethan? Hindi ka ba talag nag iinum? Kasi hindi ko nabalitaan na nakikisali ka sa mga inuman nung nag aaral ka. Eh imposible naman yun kasi bihira lang sa course natin ang hindi marunong uminum ng Alak?"







Binitawan niya na lang din yung reviewer na hawak niya. Tapos tumabi na lang siya sa akin. Kanina kasi magkaharap kaming dalawa.








"Umiinum naman ako. Kahit anong alak. Sabi mo nga parang kalakaran na sa Engineering yun. Kaso nung makilala kita medyo naglaylo ako sa alak."





"Bakit?"







"Narealized ko lang na kahit gaano pa kataas ang Proof o alcohol content ng alak o kahit gaano pa kadami ang nainum ko pag ikaw ang kaharap ko nawawala ang pagkalasing ko." hinawakan niya yung mga kamay ko at seryosong tumingin sa akin "Kasi bumabalik lahat ng kaba ko. Natatameme ako. At natotorpe pa din ako. Kung effective sana yung alak sana dati ko pang nasabi sayo na Mahal kita di ba?"






Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit kasi ako nagtanong pa? Lahat ba ng tanong ko may kaakibat na pagpapakilig mula sa kanya?







"Kaya galit na galit ako nung umuwi ka ng lasing. Kasi ganun ka pa din. Lasing ka o hindi wala pa din akong epekto sayo."





"Yaan mo sa sunod na maglalasing ako ipapakita ko sayo kung gaano kalakas ang dating mo"





"Parang gusto ko tuloy na lasingin ka ngayon"





Nakakalokong sabi niya. At medyo kinabahan ako bigla. Hindi ko kaya kung ano man ang naiisip niya. Sinabi ko lang naman yun para mawala yung tampo niya. Para hindi na niya isipin yung paglalasing ko.





"Bawal. Baka sumakit ang ulo ko bukas hindi ako makakapagreview ng maayos"





Hinawakan niya yung baba ko at kinabig yun para magkaharap kami.





"Eh kung sa halik na lang kita lasingin?"





"Eh sigurado ka bang malalasing ako?"






Medyo inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya.







"Hindi ko alam. hindi ko kasi alam kung yung labi mo ang nakakalasing o yung labi ko? Pero malalaman.."







Bago pa man ako makapagsalitang muli ay sinakop na niya ang labi ko. Magaan yung ginagawa niyang paghalik. Yung sa bawat kilos ng labi ay may pag iingat. Yung parang pinaparating na kahit kailan hindi niya ako sasakyan. Yung wala akong magawa kundi ang tugunin din. Yung nagkukusa na lang ang labi ko para sabayan ang labi niya sa nakakalasing na pagkilos nila.







Hindi ko magawang tuminging ng diretso sa kanya matapos ang halik na yun.





"Oh shot pa?"






Nakangiting sabi niya. Nung akmang hahalikan niya ulit ako ay lumayo ako.







"Mark Ethan baka nakakalimutan mo na nasa unit ko tayo. Bawal ang intimate moments dito habang nagrereview ako "





Kahit na hirap na hirap na magmukhang seryoso sa sinasabi ko ay pinanindigan ko pa din. Kahit yung nakangiti niyang mukha ang nakabalandra sa akin.






"Intimate Moments? Nagpapakalasing lang ako"





"Adik"





"hindi ka na naman nagrereview eh. Kaya pwede na ang yakap." Hinapit niya ako palapit sa kanya "Bakit kasi kahit kasama kita namimiss pa din kita? Akala ko mahal na kita.."






Medyo lumayo ako sa kanya kasi nakakagulat yung sinabi niya. Ano yun? Nabigla lang siya ganun?






"Yun pala Mahal na Mahal kita" Ngumiti ito at sinandal ulit ako palapit sa kanya. " Hindi ko man lang alam. Nagulat na lang ako kasi nabibingi ako.."





"Nabibingi?"





"Nabibingi kasi segu segundo pangalan mo ang sinisigaw ng Puso ko"






Kaso baka mapagod ka na mahalin ako. Nakakatakot na sobrang saya/perpekto ng kung anong meron kami ni Mark Ethan. Baka hindi ko kayanin ang labis na kalungkutan na kaakibat ng kasayahan na ito.







_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon