Chapter 33

151K 2.4K 123
  • Dedicated kay VIRUS Babes
                                    










Hindi naman nagtagal sina Mommy at Daddy sa unit ko. Ayaw nga sana nilang umalis pinilit ko lang talaga sila. Bukod sa importante yung pupuntahan nila, hindi ko kasi alam ang ikikilos ko, hindi ko alam kung Paano ko hahanapin si Mark Ethan na nasa paligid lang sila. Hindi mawala sa isip ko ang itsura niya kanina. Yung kahit hindi siya magsalita hindi ko alam pero naiiyak ako. Sobrang nasasaktan ako.


Bakit kailangan niyang masaktan?

Yung ang tanging ginawa lang naman niya ay ang Mahalin ako? Kaya hindi katanggap tanggap na nasasaktan siya ngayon.

Asan ka na ba Mark Ethan?




Gusto ko sanang tanungin sa mommy niya kung andun si Mark Ethan sa bahay nila kaso paano kung wala? Baka mag alala lang din sila. Bago mag hating gabi may kumatok sa unit ko. Kaya agad akong binuksan yun ni hindi ko na tiningnan kung sino ba yun? Pero malakas ang kutob ko na si Mark Ethan yun. Kasi sa paraan ng pagkatok niya aa pintuan ay para na ding sa puso ko siya kumakatok. Kaya sobrang bilis lang ng tibok nito ngayon.





"Miss..Nyah.."





Nagulat talaga ako na kapatid niya yung napagbuksan ko ng pinto. Ngumiti lang naman siya. Mabait naman talaga siya. Close sila ni Mark Ethan.






"Mukhang nagkwekwento si brother about sa akin ahh.. " Inabot niya sa akin ang susi ng sasakyan ni Mark Ethan. "Inihatid lang namin siya"




Si Mark Ethan akay akay ng isang lalaki. Tulog sa kalasingan.


"Sa bahay namin sana ihahatid para maasikaso ni Mommy.. kaso may bahay naman daw siya" tatawa tawa siya habang nagsasalita "tapos nung bubuksan ko na yung unit niya. Dito niya kami hinila. Andito daw ang May Bahay niya."



Pakiramdam ko ang pulang pula ang mukha ko. Kahit lasing bumabanat pa din. Kahiya sa kapatid niya.



"Akala ko pag nagkwekwento si Mommy ng kakornihan ni Daddy nung kabataan nila hindi siya nakikinig. Tapos ngayon ginagamit pa niya. mukhang mahal na mahal ka ng kapatid ko."





Bigla siyang sumeryoso. Nakakahiya na sa ganitong sitwasyon kami nagkaharap. Sa panahon na nasaktan ko ang kapatid niya ng hindi ko sinasadya.





"Mahal na mahal ko din naman po siya" Ipinasok na nila si Mark Ethan. Pinadiretso ko na sa kwarto ko.



"buti nakita namin siya sa bar kanina. Hindi kami lumapit agad sa kanya. Hinayaan namin siyang magpakalasing kasi mukhang ang lungkot lungkot niya." Tumingin siya sa akin ng seryoso " Hindi pala. Mukhang sobra siyang nasasaktan. Ilang babae ang lumapit sa kanya pero hindi niya pinapansin. Wala pa akong idea about sayo kaya medyo nagduda talaga ako kung lalaki ang kapatid ko. Ang gaganda ng lumalapit sa kanya. Yung iba pinipilit siyang halikan pero itinutulak lang niya. Kaya nung medyo gumagawa na siya ng eksena at yung mga lalaking naiinggit kasi siya ang nilalapitan ay medyo galit na din at baka kung anong gawin sa kanya.. hinila na namin siya pauwi"





"Sorry.."




Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman ginusto na masaktan ko siya. At walang kwenta yung sorry ko kasi hindi ko na mapapawi yung sakit na nararamdaman niya ngayon.




"Kaya pala balewala sa kanya lahat ng mga babae sa bar kanina. Dahil sayo. Hindi ko naman siya masisisi eh ang ganda ganda naman pala ng itinatago niya sa akin. Pag medyo matino na siya saka ko na lang siya babatukan ng malakas. Paano aalis na kami"








Inihatid ko lang sila sa may pinto. Hinawakan nung kasama nilang lalaki yung kamay niya. Siguro boyfriend niya yun.




"Ingatan mo ang Kapatid ko. Hindi ako sanay na ganito siya." Inilahad niya yung kamay niya. Yung hindi hawak ng boyfriend niya. "Nice meeting you"



Kahit medyo nahihiya pa din ako at nagulat kasi nakaharap ko na siya, napangiti na lang ako nung tanggapin ang kamay niya. Nakakaguilty din kasi yung family ni Mark Ethan ok silang lahat. Yung hindi ako sinasaktan.




"Nice meeting you bilas. " nakangiting sabi nung kasama niya " Jace Michael nga pala. Double date tayo minsan nina bestfriend"







Tumango na lang ako. Ang gwapo din ng boses niya. Pagkasara ko ng pinto saka nag sink in sa akin kung sino siya. Mechanical Engineering din siya. Ahead ata siya kay Mark Ethan ng isang taon. Kaya hindi ko siya naabutan. Bilas talaga ang tawag niya sa akin. Nakakakilig. Hindi dahil sa yun ang tawag niya. Nakakakilig na may balak din siyang pakasalan ang kapatid ni Mark Ethan gaya ng gustong mangyari ni Mark Ethan sa aming dalawa.





Bago ako pumasok sa kwarto konay naghanda ako ng panglinis kay Mark ethan.Buti na lang may mga damit siya dito. At buti na lang hindi yun nakita nina Mommy kanina. Pagpasok ko ng kwarto tulog na tulog pa din si Mark Ethan.


"Akala ko ba walang epekto ang alak sayo?"






Kausapin daw ang tulog. Inumpisahan kong punasan ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Ang ilong niya. Ang labi niya. Normal bang halayin sa utak ang isang lasing? Isang gwapong lasing.






Hinubaran ko siya ng pang itaas niya. Para mapunasan ko na din siya. Medyo nagdalawang isip pa ako kung pati yung pantalon niya ay huhubadin kon din. Baka magising siya. Nakakahiya. Ano na lang sasabihin niya? na pinagsasamantalahan ko ang kanyang kahinaan?



Pero hinubad ko pa din. Para naman maging maayos ang pagtulog niya. Pinunasan ko ang katawan niya. Tapos sinuotan ko siya ng sando. Nakakatuwang isipin, ganito kaya kami pag mag asawa na kami? Yung aalagaan ko siya ng ganito. Matapos ko siyang punasan ay tinitigan ko ang mukha niya. Bakas pa din na nasasaktan siya. Hindi maitago ng gwapo niyang mukha yun.



Tumabi na ako sa kanya at niyakap siya. Kung mapapawi lang ng yakap ang sakit na nararanasan niya kahit hanggang bukas ng gabi ko siya yakapin. Hindi pa man nagtatagal na yakap yakap ko siya ay naramdaman ko ang pagkilos niya. Kaya napabangon ako bigla para matingnan siya.




"Ok ka na?"





Medyo alanganin kong tanong. Umupo na lang din siya. At bigla siyang ngumiti nung napansin niya na iba na ang suot niya.







"Ok na ako. Yung isipin na inasikaso mo ako ok na ok na ako"







"Buti nakita ka ng kapatid mo. Paano kung hindi? Magdadrive ka ng lasing? Konting ingat naman Mark Ethan"





Hindi ko alam pero yung kaba ko kanina na baka kung anong nangyari sa kanya hindi pa din nawawala.





"Sorry" hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya at masuyong niyakap. "Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang naranasan na ma reject. Masakit pala. Mas masakit kasi tungkol sayo yun"





"Hindi ka naman nireject ni Dad."




"Ganun din kasi ang dating. Pero naiintindihan ko naman siya. Nabigla lang ako."





"Sabi ng ate mo madami ka daw babae kanina sa bar?"






"Kanina ko lang narealize na sobrang gwapo ko nga pala"



"Ganun?"




"Sa daming lumalapit kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya itali mo na kasi ako sayo. Para wala na silang dahilan para lumapit"





Kung pwede nga lang. Kung sana ganun kadali. Pero sina Daddy kailangan ko din isipin. May mga kailangan pa akong patunayan. Mahal naman kita Mark Ethan. Pwede yun na lang muna ang panghawakan mo? Para hindi ka makuha ng iba?




_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon