Chapter 21

206K 3.1K 269
                                    






















"Ikaw lang ata ang kilala ko na kung kailan graduate na saka mukhang haggard na haggard"









Yan ang sabi ni Mommy kanina sa akin sa Dinner namin. Ayaw ko sanang bumaba para kumain kaso sinundo na niya ako. At nagulat siya sa itsura ko. Yung halatang halata na galing ako sa pag iyak. Yung walang kaayos ayos. Pinilit pa nga niya muna akong maligo bago kami kumain. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Ang hirap kasing alisin sa sistema yung sakit. Akala ko pag naiiyak ko nung una. Sapat na yun. Pero hindi. Parang nabwelo lang para sa panibagong dagsa ng sakit. At kahit anong gawin ko hindi mawala wala yung sakit.










Hindi pwedeng ganito pa din ako. Malapit ng magsimula ang pagrereview ko for board exam. Kaya kailangang mahagilap ko si FOCUS. Saan ba pwedeng bumili nun? Samahan ko na din ng gamot at proteksiyon sa Puso.





Kailangan kong matulog ng maaga ngayon, ilang araw na ba akong hindi natutulog ng maayos? Kaya nga inilayo ko yung laptop/cellphone ko sa akin at nahiga na. Kailangang malakas ako. Malakas ang katawan para makaya ko pa.








"Can I hug you?"







Sa pagpikit ng mata ko yun ang paulit ulit na sinisigaw ng utak ko. Yung status nya. Sa sobrang daming bese kong parang naririnig feeling ko boses na mismo ni Mark Ethan ang naririnig ko. Ganun na ba ako nangungulila sa kanya?








"Mark Ethan lubayan mo ako!"








Nasabi kong bigla. Sabay takip sa dalawang tenga para kahit papaano hindi ko marinig ang tinig niya. Pati ba naman utak ko sinakop mo na din?


"No!"










Medyo natigilan ako sa narinig ko. Grabe nag uusap na sila sa utak ko. At pati ba naman sa isip ko nananalo ka pa din? Pero lalo akong hindi nakagalaw ng maramdaman ko na mahigpit na pagyakap sa aking likuran. Totoo? Andito siya? Hindi guniguni ang lahat? Yung init ng yakap niya ang makakapagsabi na totoo lahat. Hindi ko magawang pumaling sa kanya. Hindi na kailangan pa na makumpirma kung sino ang yumayakap sa akin ngayon.Ang lalaking sinisigaw ng puso at isipan ko.









Naramdaman ko ang paghalik niya sa batok ko. Ang lalong paghigpit niya sa pagyakap sa akin. Namiss ko to. Sobrang namiss ko siya. Dahan dahan niya akong iniharao sa kanya. Gustuhin ko mang pumikit para hindi ko masalubong ang tingin niya. Nagwagi pa din ang kagustuhan ko na makita siya. Ang aking Mark Ethan.







"Dapat magalit ako sayo. Kasi iniwan mo akong parang ewan nung graduation mo. Dapat hindi kita susundan dito. Dapat hahayaan ko na ikaw ang bumalik sa akin."










Hinawakan niya ang mukha ko at marahang hinaplos yun. Yung mata niya. Hindi ko magawang matagalan yung mata niya. Ramdam ko yung sakit din ng pinagdaanan niya.







"Pero ano nga bang silbi ng lahat ng DAPAT na yun kung ang tanging gusto ko ay mayakap ka?"





"Mark Ethan.."










Ikinulong niya muli ako sa bisig niya. Yung yakap na ginagawa niya parang pinawi lahat ng sakit at pangungulila ko nitong nakaraang araw. Nung inilayo niya ang sarili niya sa akin gusto ko sanang magprotesta kaso medyo natigilan lang din ako nung maramdaman ko ang mukha niya na palapit sa muka ko. Ang mga labi niya sa labi ko. At ang marahang paglapat ng mga yun. Napapikit na lang ako. Gusto kong maalala ang halik na to. Ang halik na akala ko hindi ko na mararamdaman pa. Na kasabay na malalayo kasama niya.






Unti unting bumaba ang paghalik niya sa leeg ko. Na hindi ko na namalayan na naitaas na niya ang pangtulog ko. Wala akong saplot sa ilalim nun kaya ramdam ko ang init ng katawan niya sa dibdib ko. Bumaba ulit ang mga labi niya sa dibdib ko. Ilang beses nagpalipat lipat yung mga labi niya sa dibdib ko. Tapos bahagya siyang lumayo sa akin.







"Alam mo naman na hindi ko naranasan sa iba. At wala akong balak. Pero base sa napanuod ko. Bakit ang liit?"





Alam ko na namumula na ako. Bukod sa pamumulang dahilan ng ginawa niya kanina. Yung itsura niya kasi. Parang nakakalokong ewan.








"Ito, bakit maliit? o parang wala? Bakit sa napanuod ko?" Masuyo niyang hinaplos ang tuktok ng dibdib ko. Tas yung ngiti niya parang nakakaloko na ewan. Nakakahiya. "Kawawa naman ang magiging anak ko niyan"








"Naubos mo na kasi"







Hindi ko alam kung paano ko nasabi yung mga katagang yun. O nadala lang din ako ng nakakaloko niyang ngiti. Kawawa daw ang anak niya pagnagkataon. Kikiligin na ba dapat ako?






"Naubos ko?HAHAHA"






Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Ang lakas kasi ng pagtawa niya. Hindi ba niya naisip na nasa kabilang kwarto lang ang mga magulang ko? At patago lang ang ginawa niyang pagpasok dito?








"Sorry. Hindi na ako mag iingay" Tas yung ngiti niya. Bakit ba lalong nakaka inlove yung pag ngiti niya ngayon? Inilapit niya ulit ang mga labi niya sa may dibdib ko. "Uubusin ko lalo huh"








Ang adik. Pero bago pa man nakalapat yung labi niya. Bahagya ko siyang itinulak.








"Paano ang magiging anak mo?"











Nakangiti kong sabi. Ibinaba na niya ang pangtulog ko at niyakap na niya ako.








"Ngayon pa lang mag iipon na ako ng pambili ng gatas niya."









Yumakap na lang din ako sa kanya. Madayang tatay to pagnakataon.







"Sabi ko nga pala yakap lang. Baka mapagod ka. Mapagod ako. At tanghaliin ng gising. At mahuli tayo bukas. Lagot ako. ayaw kong mabad shot sa parents mo."





"Mark Ethan."









"Gusto kong maging maayos na ang lahat. Magpapakilala ako bukas sa kanila. Kaya wala ka ng kawala sa akin"





"Hindi ko alam ang sasabihin ko Mark Ethan."




Yung lahat ng pagdadrama ko nitong nakaraan, isang yakap lang pala ang katapat.






"Kahit wala ka namang sabihin. Basta ba huwag mo na ulit akong iiwan."











Tumango na lang ako. Saka ko na itatanong kung sino ang babaeng yun. Ang mahalaga gusto niyang maging maayos ang lahat. Magpapakilala pa siya sa parents ko.






"SiLi"






Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ano daw? Sili? silly? Sisi?




"Ano?"






"Wala. Tulog na tayo"








At inilapit na niya ang ulo ko sa may dibdib niya. Yung mga kamay niya sa may bewang ko. Sana ganito na lang kami lagi.







_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon