Chapter 14

246K 3.5K 290
                                    

Sa condo unit niya kami dumiretso. So dito niya balak magcelebrate? Sabagay kesa magpasara na naman siya ng Mall. Mas ok na to. Agad akong umupo sa sofa at siya naman ay may tinawagan. Pumikit na lang muna ako.






Nakakapagod ang araw na to. Pagod ng katawan,utak at puso. After 30 minutes ay tumunog na ang doorbell. So nagpadeliver na lang siya? Hinayaan ko na lang siya na mag ayos ng lamesa. Ayaw ko munang lumapit sa kanya.







Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Hindi pa din ako nagmulat. Naramdaman ko ang paghawi ng kamay niya sa hibla ng buhok na naligaw sa mukha ko. Hinalikan niya ang mukha ko. Sa magkabilang pisngi. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ba makakaya na pumikit lang at hindi magreact sa pinaggagawa niya. Magaan niya akong hinalikan sa labi.





"Kain na tayo."





Mahina niyang sabi. Pero yung boses niya parang nagpipigil lang. Parang pinipigilan lang niya na ituloy yung halik na ginawa niya. Pagmulat ko nasalubong ko ang mata niya.







"Namiss kita. Akala ko makakaya ko na hanggang graduation mo na hindi lumapit. Kaso hindi,,"








Mabilis niya ulit akong hinalikan at itinayo na niya ako. Iginiya niya ako sa may lamesa. Lamesa na puno ng paborito kong pagkain. Halos lahat ata andito. Bibitayin na ba ako? Pizza, burges,fries at chichow?? At sang lumalop siya nakakuha ng chichow? Napangiti ako.







"Mas maganda ka talaga pag nakangiti ka ng ganyan. At namiss ko yan"






Napatingin na lang ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Bakit ba siya ganyan ngayon? Baka nga bibitayin na ako?






"At babawi ako. Gagawin ko lahat para mapangiti ka lagi. Ang mapasaya ka. Yung lahat ng sakit na naramdaman mo at luhang sinayang mo sa akin lahat yun papawiin ko."



"Mark Ethan.."





Lagi naman siyang seryoso pero iba ngayon. Parang hindi ko mapaliwanag. Parang lahat ng salitang lumalabas sa bibig niya ay may hatid na kilig.





"Sabi mo hindi mo alam kung ano ka sa buhay ko. Ikaw ang Buhay ko"







Akala ko ba magcecelebrate kami! Pero bakit pinapaiyak sa mga sinasabi niya? Ako daw ang buhay niya. Kailangan ko ba ng tatlong salitang matagal ko ng hinihintay? Parang sapat na sa akin yung mga binitawan niya. Na ako ang buhay niya.






"Hey bakit ka umiiyak? Sabi ko wala akong gagawin kundi ang mapasaya ka. Tas ngayon pa lang umiiyak ka na?"





Niyakap na niya ako. Yung yakap na parang ayaw ko ng kumawala pa.





"Ikaw kasi.."






"Hahaha tara kumain na tayo"






Habang kumakain kami ay siya yung inaasikaso niya ako. May pagkakataon na sinusubuan niya ako. Nakangiti lang siya. Yung ang gwapo gwapo niya. Matapos naming kumain ay pumasok na ako sa kwarto niya siya naiwan para maglinis ng pinagkainana namin.







Medyo nagulat ako sa ayos ng kwarto niya. Itinulad niya kasi aa kung anong kulay ng kwarto ko. Pati Bedsheet. Hindi tuloy mawala ang ngiti ko. Dumiretso ako ng banyo at naligo. May mga ilang damit ako dito kaya ok lang. Ang totoo pwede naman talaga na dito ako tumira kaso baliw lang talaga ako dati. Paglabas ko ng bathroom ay andun na si Mark Ethan. Nakaligo na din siya. Dalawa kasi ang bathroom ng unit. Nakaboxers lang siya. Ako naman naka bathrobe lang kasi hindi ako nakapagdala ng bihisan ko sa loob.








Agad siyang lumapit sa akin. Parang nahihiya ako. Kung kailan alam ko na kung ano ako sa buhay niya saka ako nahiya. Inabot niya yung tali ng bathrobe ko, inalis ang pagkakabuhol at tuluyan niyang inalis ang natatanging tumatakip sa katawan ko.









"Naalala ko nung unang makita ko ang katawan mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakakahiya mang aminin pero unang beses ko din yun"








Nagulat ako sa sinabi niya. Virgin siya nun? Oo may pagkakataon na natitigilan siya nun. Pero akala ko nahihiya lang din siya. Ako din ang una niya.







"Kung tama ba ang ginagawa ko. O kung napaligaya ba kita"





Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Yung isang kamay niya na sa bewang ko. Yung isa humahaplos sa kaliwang dibdib ko.






"Pero kailangan kong magmukhang eksperto sa bagay na yun kasi baka pagtawanan mo ako nung oras na yun."







Patuloy lang siya sa paghaplos sa kaliwa kong dibdib. Mabilis niya akong hinalikan sa labi tas inilayo nya din ang mukha niya.





"Ang gusto ko lang naman nun ay mahalikan ka. Pero hindi ko na nakontrol ang sumunod na pangyayari. Nung ilapat ko ang tenga ko sa dibdib mo at mapakinggan ang tibok ng puso mo, ayaw ko ng lumayo. Kasi masama bang maghangad o mangarap na sa oras na yun ako ang itinitibok nun?"










Malalim na ang paghinga niya. Siguro nagtatalo ang isip niya kung magsasalita pa siya o ang halikan ako ulit. Kasi kahit ako hindi ko alam kung anong gusto kong unahin. Ang pakinggan ba siya o pagbigyan ang init na unti unting binubuhay ng kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. Inalapit ko na ang mukha ko sa kanya at ako na mismo ang humalik sa kanya. Na tinugon niya din naman na mas mainit na paghalik. Binuhat na niya ako sa kama niya na hindi napuputol ang halik namin. Agad siyang umibabaw sa akin. Yung kaninang hinahaplos niya ay ngayon ay sakop na ng kanyang labi. Matagal siyang nanatili dun. Parang yung tatlong linggong hindi siya nagparamdam ay binabawi na niya ngayon. Yung mga labi niya na busy sa dibdib ko at ang isang kamay niya ay naglilikot sa pagitan ng hita ko.








"Mark Ethan.."








Bumangon siya at inalis ang suot niya. Akala ko tatabihan niya ako pero dumiretso siya sa pagitan ng hita ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang ginagawa niya naramdaman ko na lang ang pagkawala ng kung ano sa ibabang bahagi yun ng katawan ko. Sunod nun ay pumwesto na siya para tuluyan akong angkinin. May kakaiba ngayon sa pag iisa ng katawan namin. Kasi alam ko na kung ano ako sa buhay niya. Hindi katulad dati na puro takot at galit ang nararamdaman ko. Ngayon sa bawat paggalaw niya alam ko na kung anong ibig sabihin. Kaya sobrang saya ko lang.





Humiga siya sa tabi ko pagkatapos. Hinalikan niya ako ng magaan sa labi at niyakap niya ako.





"nung unang beses na yun hindi kita magawang yakapin pagkatapos. Nagtatalo ang isip ko kung napaligaya ba kita o galit ka ba? Kinakabahan ako nun. Kaya umalis agad ako sa tabi mo. Na dapat hindi ko ginawa"







"akala ko nandidiri ka sa akin nun. Na nakuha mo ako ng ganun ganun lang"








Humigpit ang yakap niya. Ganun naman talaga ang pakiramdam ko dati. Pero wala akong magawa. kasi nga Mahal ko na siya nun.






"Kaya nga dapat hindi kita iniwan. Pasensya ka na. Hindi ko kasi alam. pero sabi ko nga babawi ako."





Sumiksik na lang ako sa dibdib niya. Kasi tapos na naman yun. Ang mahalaga ay kung ano ang ngayon. Na kahit papaano malinaw na kung ano ako sa kanya.






_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon