Chapter 22

213K 3.2K 234
                                    

Ang Meaning po ng "SiLi" ay nasa Profile ko. Andun din kung saan galing story siya. Lagi ko din siyang ginagamit tuwing nagmemessage ako sa inyo. Ang salitang gamit na gamit ko pero may dating pa din kahit papaano hahaha

------------------------------------------








"nakakapagtaka ang bahay niyo"





Akala ko talaga tutulog na kami. O matutulog na siya. Pero hindi pa man matagal akong nakapikit nagsalita na naman siya.




"Bakit naman?"





Medyo lumayo ako ng kaunti sa kanya para makapag usap kami ng maayos. Kasi kung magkadikit ang mga katawan namin alam kong hindi mangyayari yun.






"Kasi Engineer ang Daddy at Mommy mo. Pati kuya mo. At ikaw. Para sa pamilyang puro Engineer bakit ang dali daling Pasukin ang bahay niyo?"






"Nasa probinsiya tayo Mark Ethan. Kaya hindi ganun kadelikado. Ikaw lang naman ang naglakas ng loob na pumasok sa bahay namin"






Anong silbi ng paglalagay ng kung anong seguridad? Eh ENGINEER di. naman ang mangangahas pumasok?





"Kahit na. Pag nakasundo ko ang Daddy mo, sasabihin ko sa kanya yun. Na maglagay ng Alarms at CCTV. CCTV sa kwarto mo, sa banyo mo na nakadirekta sa Phone ko"





Nahampas ko nga. Akala ko seryoso na. Yun pala plano lang mamboso. Ang adik lang.






"Ang manyak ng dating. kung pwede nga lang na lagyan ng chips ang katawan mo para alam ko kung laging nasaan ka. Yung hindi ka na makakalayo sa akin. Yung hindi ka na makakawala"



"Mark Ethan.."




Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinalikan yun.





"Kung pwede lang iposas kita. Kung pwede lang paliitin kita para maibulsa." Seryoso pa din siya. At yung titig niya hindi ko alam kung paano ko natatagalan. Nanunuot sa buo kong pagkatao. "Hindi mo alam kung anong takot ang naramdaman ko nung bigla ka na lang nawala. Nasanay kasi ako na kahit hindi mo ako tinitingnan o ang layo layo ng loob mo sa akin atleast andyan ka. Pwede kong yakapin. Pwede kong Mahalin





Mahalin? Mahal niya ako? Hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya na ganito siya. Parang nagcoconfess? Hindi ko alam kung matatagalan ko yun. O kung kakayanin ng Puso ko ang sunod niya pang sasabihin.






"Mali ang paraan ko na itali ka sa akin. Na halos ikinulong kita sa buhay ko. Pero masisisi mo ba ako? Isipin ko palang na magtatapat sayo umuurong na ang dila ko. Bumibilis ang tibok ng Puso ko. Na ang tangi kong magagawa ay ang yakapin ka at halikan."




"Sino yung kasama mo nung Graduation?"






Alam ko na mali na isingit yun. Pero bago ako bumigay sa emosyon na bumabalot sa akin ngayon gusto kong malinawan. Gusto ko na kung magsisimula kami ay wala na yung takot na pwede kong maramdaman. Yung takot na anytime pwedeng may umagaw sa kanya. At ilayo siya.






"anak ng business partner namin. Nirereto ni Dad sa akin" Medyo napalayo ako sa kanya. Akala ko ok na ako sa Daddy niya? Bakit may nirereto pa? Agad din naman niya akong inilapit sa kanya. "Pero nilinaw ko na sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami. Nagkataon lang na gusto niyang sumama nung Graduation mo kaya wala akong magawa"





"Bakit parang close na close kayo? Nakalagay pa ang kamay niya sa brado mo. At muntik mo na siyang halikan habang nasa stage ako nun"




"HALIKAN?!!"









"Ssshhhh" Tinakpan ko ulit ang bibig niya. Ang adik lang. Magkakaayos nga kami tas mahuhuli kami ng Parents ko. Panibagong problema na naman.







"Halikan? Hindi ko ginawa yun. Hindi ko kayang gawin yun"






Hindi daw kayang gawin? Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo sa sinabi niya.






"Baka nung time na kinukulit niya ako. Na bigyan siya ng pagkakataon. Na ituloy ang plano ni Daddy. Kaya nahawakan ko siya sa mukha. Para magfocus siya sa sinasabi ko. Para makinig siya."






"Mukhang hindi kasi ganun ang dating.. Ang sweet niyo lang. Bagay kayo. Anong laban ko sa kanya?"






Anong laban ko sa inenereto ng Daddy niya? Nakakaiyak lang. Yung umpisa pa lang talo na.





"Wala ka naman talagang laban sa kanya"





Seryosong sabi niya. Nakakainis. Ipamukha ba? Tumalikod ako sa kanya. Para itago ang namumuong luha sa mga mata ko. Ayaw ko ng ganito. Yung nakakaewan na pakiramdam. Akala ko ok na? Na magigising ako kinabukasan na masaya na kami. Dapat kasi natulog na lang talaga kami. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Ayan na naman ang yakap na yan. Tapos bibigay lang ulit ako. Paulit ulit lang. Pero yung sakit kahit paulit ulit hindi ko makakasanayan.







"Wala kang laban kasi panalo ka na agad. Wala naman talagang dapat paglabanan. Nakuha mo ako matagal na"







At yung kilig paulit ulit din. Babaliwin mo ba ako Mark Ethan? Sa pabago bagong emosyon na pinaparamdam mo sa akin?







"Nung naging slave kita. Ako ang naging Alipin mo. Di ba nakakatawa lang. Binili kita para magpaalipin ako sayo"






Masuyo niya akong iniharap sa kanya. Hindi ko magawang salubungin ang titig niya.








"Paano ko magagawang halikan ang iba?" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Pero yung mga mata niya hindi maalis ang tingin sa mga labi ko. " Hindi ako marunong pag sa kanila. Kasi ang tanging labi na gusto kong halikan ay sayo. Yung nagkukusa lang. Yung hindi ko pinag aralan. Yung parang ganito lang"








Nung lumapat ang mga labi niya. Marahan lang ang pagalaw na ginawa niya. Yung ramdam sa bawat pagalaw ang hindi niya magawang maisang tinig. Yung halik na pwede kong panghawakan na hindi ko kailangan layuan siya. Yung halik na wala na din akong gustong maging halik kundi ang sa kanya lang.




Mahal kita.




Gusto ko sanang sabihin yun nung maghiwalay ang aming mga labi. Pero nakakahiya. Baka mabigla siya. At sana alam na din niya yun. Sana naramdaman niya din kanina.




"Kung pwede nga lang na pagpinakilala mo ako sa Parents mo diretso pamamanhikan na"




"adik."




"Kung pwede na sa sunod na araw kasal na natin."




"Mark Ethan.."




"Tapos sa isang buwan. Kung gusto nila may apo na agad. Kakayod ako umaga gabi para dun"



"Baliw"




At nakakabaliw lalo an pinagsasabi niya. Mark Ethan bakit ba hindi ko naisip na dati pa lumayo? Para matagal na tayong ok.




"Bakit kasi ang sayang isipin ng hinaharap kung ikaw ang makakasama"






Hindi ko na napigilan na kabigin siya para halikan. Bahala na kung saan hahantong ang halik na ako ang nag umpisa. Bahala na kung mahuli kami nina Mommy at Daddy. Ngayon pa ba ako kakabahan? Pabor pa nga yun. Mapapaaga ang kasal na gusto niya.






_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon