Chapter 36

141K 2.5K 222
                                    





"Ang tagal kong naghintay sa Review Center andito ka na pala." Yan ang bungad ni Mark Ethan nung pagbuksan ko siya ng pinto ng unit ko. "Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinsasagot. Ok ka lang ba? May sakit ka ba?"



Tumalikod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang matagalan na kaharap ko siya. Na kasama ko siya. Pero kailangan naming mag usap. Kung ano nga ba ang patutunguhan ng relasyon na to.





"Galit ka ba sa akin?"



Mahinahong tanong niya. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Yung pinipigilan kong pag iyak sa harap niya hindi ko napanindigan. Pagharap ko sa kanya automatic din na pumatak ang mga luha ko. Sobrang sakit. Tama nga sila kung sino yung sobrang mahal mo yun ang magbibigay sayo ng hindi maipaliwanag na sakit. Yung wala kang choice kundi ang umiyak na lang.




Iniabot ko sa kanya yung Pregnancy Kit na hawak ko. Yung may dalawang linya. Natigilan siya. Yung takot na pinakita niya sa akin nung nakaraan na baka iwan ko siya ay nakikita ko ulit sa mukha niya.







"Paanong nabuntis ako? sumablay yung pills?" Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso. "Tanggap ko naman kung yun ang nangyari. Nakakapagtaka lang kung bakit parang idea ka na mangyayari ito. Bakit Mark Ethan?"






"Pinalitan ko ng candy yung iniinum mo na pills..Hindi ko.."


Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Hindi ko napigilan pero nasampal ko siya. Isang malakas sa kanang pisngi niya. Pero bakit parang ako din ang nasasaktan sa ginawa ko? Sa bawat paghampas ko sa dibdib niya ako din ang nasasaktan. Bakit kasi Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na?




"Alam mo ang mga plano ko. Isang taon lang naman ang hinihiling ko. Bakit kailangan mo akong pangunahan?"

Ilang hampas pa ang nagawa ko bago niya ako tuluyang yakapin.




"Tama na" Mahinang sabi niya. "Alam ko na malaki ang kasalanan ko. Pero pwede bang ischedule mo na lang ang galit mo sa akin pagkapanganak mo? Ayaw ko na mapahamak kayo dahil sa sobrang galit mo ngayon."




"Kailangan ko pa din ng paliwanag.. "


"Pinalitan ko siya before graduation mo." Inilayo niya ako ng kaunti para magkaharap kaming dalawa. " Yung time na ok na tayo pero hindi ko magawang magtapat sayo. Yung sobrang hulog na hulog na ako. Yung wala akong gusto kundi ang makasama ka. Dahil sobrang natotorpe ako inisip ko na pag nabuntis ka wala ka ng kawala. Wala kang choice kundi ang pakasalan ako." Hinaplos niya yung mukha ko. Sobrang mahal ba kita para patawarin ka agad? O kailangang isantabi ko ang galit ko muna? Sabi mo nga saka na lang ako magalit? "Pero nalaman ko ang plano mo. Kung gaano ka kaseryoso dun. Na nagtampo pa ako. Kasi parang last priority ako. Pero ang totoo kinakabahan na ako noon. Paano kung mabuntis ka? Matatanggap mo ba? Kasi di ba hindi ako ang priority mo?"




"Mark Ethan.."





Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Medyo tinamaan din. Sino nga ba kasi ang matinong babaeng tatanggi ng paulit ulit sa alok na kasal ng pinakamamahal niya?







"Gusto ko naman na matupad mo yun. Pero hindi ko pwedeng ibalik yung pills na iniinom mo. Kasi paano kung buo na pala? Tas iinum ka pa din. Mas delikado para sayo." Hinaplos niya ang mukha ko "Kaya mas pinili ko na magalit ka na lang sa akin kesa ang mapahamak ka"




"Sana nagwithdraw ka na lang" medyo lumayo ako sa kanya kasi hindi ako makapag isip ng tama pag ganitong sobrang lapit niya. "Pwede naman yun. May kakayahan kayo na gawin yun"





"Tapos magtataka ka bakit ko gagawin yun eh nagpipills ka?" medyo iniwas niya ang tingin niya sa akin "At hindi ko kaya. Alam mo naman na baliw na baliw ako sayo"







Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko namula din ang pisngi ko dahil dun. Kahit anong sitwasyon ba papakiligin mo ako Mark Ethan?




"Akala ko ba natatakot ka na iiwan kita pagnalaman ko ang tungkol dito? Pero bakit ang hinahon mo? Bakit parang wala lang sayo yung galit ko?"



"Akala mo lang yun" hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Sobrang lamig nun. At medyo nangangatal siya. "Sobrang kinakabahan ako ngayon. Pero kung magpapatalo ako sa takot ko baka tuluyan ka ng lumayo. Alam ko na hindi naman 100% na galit ka. Kaya panghahawakan ko yung katiting na pagasa na mananaig na Mahal mo ako. Kahit nakakakaba. Kahit gusto ko ding umiyak. Pero hindi ko magawa. Naiiyak ko na ata lahat. Pero yung takot andun pa din. Kaya sana kahit galit ka dito ka lang."






"Hindi na ako makakapagtake ng board exam.."





"Sorry"




"Hindi ako magpapakasal sayo hanggat hindi ako Engineer"



"Naiintindihan ko."





"Hindi na ako matutulog sa unit mo"




"Ok"





Medyo nasasaktan din ako na nakikita ko na nasasaktan siya sa mga kundisyon ko.




"Hindi mo ako pwedeng halikan"



"Kahit sa pisngi lang?"



"Bawal pa din."



"Kahit yakap?"




"Pag iisipan ko"



"Kahit anong sabihin mo susundin ko. Basta huwag ka lang lalayo"





"Ikaw ang magpaliwanag sa parents ko"





"Ok Mahal"




Alam ko na hindi ko siya matitiis ng sobrang tagal. Pero hanggat iniisip niya na sobra sobra ang galit ko sa kanya. Sasamantalahin ko yun. Kailangan niyang matuto. Kailangan niyang tanggapin na dalawa kami sa relasyon nato. Kung kailangang magpalit kami na siya ang SLAVE ngayon gagawin ko. Para matanggap niya na dalawa kaming magdedesisyon. Na tapos na yung tatlong taon na naging ALIPIN niya ako. Hanggat hindi mawawala yun sa aming dalawa hindi kami makakausad sa kung anong meron kami. Kaya kailangan kong gawin ito. Kalimutan ko muna ang galit. Kasi alam ko na hindi ko din makakaya na tuluyang lumayo sa kanya.





_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon