Chapter 34

157K 2.4K 133
                                    





"Sabi ng Ate mo ang gaganda daw ng lumalapit sayo kanina. Bakit hindi mo sila pinatulan? Hindi ko naman malalaman yun kung nagkataon. Hindi ka man lang ba nadala sa ginagawa nila?"






Nakasandal ako sa kanya. Parehas kaming nakaupo na lang. Nakayakap yung isang kamay niya sa akin.





"Lalaki ako. syempre magrereact ang katawan ko. Pero hindi dahil hindi ako nakaschedule sayo ngayon eh magpapaschedule ako sa iba" Seryosong sabi niya. "Saka bakit ko naman sila papatulan? Para sayo lang si Mark Ethan"






Matino at lasing walang palya kung magpakilig. Para lang daw siya sa akin. At para lang din ako sa kanya. Ang sayang isipin na ganun talaga ang mangyayari. Gusto ko din naman na kami na talaga. Kung pwede nga lang magpakasal ng hindi alam ng mga magulang ko ginawa ko na. Pero masyado ng malaki ang kasalanan ko sa parents ko. Yung set up namin dati ni Mark Ethan alam kong hindi nila yun matatanggap. At labis silang masasaktan kung sakali man na malaman nila. Baka nga paghiwalayin pa kami. Kaya kailangan kong maging masunuring anak hanggang sa pwede na kami ni Mark Ethan. Yung wala na silang magagawa kung malaman man nila na naging slave ako ni Mark Ethan kasi nakatali na kami sa isat isa.







"Pero sana sa susunod na masasaktan ka. Sana huwag mo ng uulitin na umalis at magpakalasing. Kasi sobrang nagalala ako sayo. Kahit sa akin mo na ibunton ang sama ng loob mo ok lang. Basta huwag mong sasarilinin yung sakit"









"Bibili pala ako ng posas"




Napatingin ako sa mukha niya. Aanhin naman niya yun?






"Para saan?"






"Para kung sakaling sa hindi inaasahang pagkakataon na masasaktan ako iposas mo ako sayo. Para kasama kita kung saan man ako pupunta. Kung magpakalasing man ako sa bar. Andun ka para hindi ako lapitan ng iba. Para ipagdadrive mo ako kung hindi ko man kayang umuwi." Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi niya yun. "Kahit anong gawin mo. Kahit itanan mo ako hindi ako tututol."







"At ako pa ang magtatanan sayo?" Ngumiti lang ako para kahit papano mapagtakpan ko yunh sobrang kilig na nararamdaman ko. Grabe ang naiisip niya. Posas lang yun. Pero parang buong pagkatao niya pinagkatiwala na niya sa akin.








"Sige ako na lang ang magtatanan sayo" mabilis niya akong hinalikan sa labi "Tas itatanan mo din ako. Itanan natin ang isat isa"









"Pero seryoso bakit ba atat na atat na makasal tayo Mark Ethan?"







"Bakit ikaw ba hindi?"



"Gusto ko din naman. Kaso ano ba yung isang taon na maghihintay ako kung kapaiit nun ay kasiyahan ng magulang ko at yung wala akong pagsisihan kasi nagawa ko na yung gusto ko." kahit anong iwas namin sa topic na to wala kaming magagawa. Kailangan namin yung pag usapan. At dapat sa aming dalawa malinaw na yun. Para hindi na ulit mangyari yung kanina. "Ikaw kasi ang dami mo ng nagawa. sa Career mo. Sa pamilya mo. Ako wala pa."









"Tulog na tayo" at medyo inilayo niya ako sa kanya at humiga na siya. Tumalikod din siya sa akin.






"Mark Ethan kailangan nating pag usapan yun."






"Naiintindihan ko na naman. Pero masakit kasi kung sayo mismo galing." humarap na siya sa akin. Yung mga mata na niya. Medyo namumula ulit. Yung katulad nung si Daddy ang kausap niya. "Natatakot ako. Madaming pwedeng mangyari sa isang taon. Gaano ka kasigurado na hindi mo ako iiwan? Kung sakaling may nagawa akong kasalanan? siguro sa tingin parang ang OA ko. Pero maiintindihan mo din ako pag dumating yung puntong basta basta mo na lang ako iiwan"





"Bakit ko naman gagawin yun?" Medyo nakakakaba. Imposibleng may iba siya. "At ano bang magiging kasalanan mo? At bakit iniisip mo na iiwan kita?"






"Gaya ng sabi ng Daddy mo.. kasi sobrang Mahal kita." Hinaplos niya yung mukha ko "Pero sana hindi mo ako iiwan."







"Medyo naguguluhan ako.. Ano ba kasi yun?"






"Ilang linggo na lang malalaman mo na din yun"





Bakit pakiramdam ko sobrang laking bagay nun? Kasi hindi ko makikita na umiiyak siya ngayon. Bakit sigurado siya na iiwan ko siya?






"Mark Ethan.."





"Mahal na Mahal kita" Pinunasan niya yung mata niya. Yung pilit na itinatago yung luhang nakita ko na naman. Ang sakit sa dibdib na makita siya na ganyan. Masakit sa ulo kasi hindi ko alam kung bakit. "Akala ko kasi matutuwa ka sa ginawa ko. Akala ko pag ginawa ko yun matutuwa ka na matali sa akin. Pero hindi ko naisip na may gusto ka pang gawin."





Niyakap niya ako. Yung yakap na parang ayaw niya akong pakawalan. Yung yakap na hindi ko alam pero nasasaktan din ako. Yung yakap na ramdam ko yung pag iyak niya. Masakit. Sobrang sakit. Yung hindi ko alam kung bakit siya nasasaktan.







"Hindi ko maisip kung gaano pa ang isasakit ng nararamdaman ko kung sakaling galit na galit ka na at lalayo ka na" Inilayo niya ako ng konti sa kanya. Kaya kita ko na yung mukha niya. Yung mukha niya na ayaw ko makita sana. "Sana hindi kita sobra sobrang minahal para hindi ganun ka grabe yung sakit. Pero alam ko na hindi ko magagawa yun. Mamahalin pa din kita ng sobra sobra kahit kapalit nun ay doble dobleng sakit."







"Mark Ethan.."






Hindi ko na napigilan na hindi umiyak din. Hindi siya nagdadrama lang. Yung bawat salita niya ramdam na ramdam ko. Nasasaktan talaga siya. Yung luha niya. Bakit kailangang iyakan niya ako ng ganito?





"Sana sa pagkakataong ito mali lahat ng naiisip ko. Sana kahit ito man lang mali ako." Masuyo niya akong hinalikan sa labi. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "Sana mali ako na iiwan mo ako. Kasi hindi ko talaga kakayanin"






Hinila ko an ulit siya para mahalikan. Kahit papaano sana gumaan ang pakiramdam niya. Wala akong maisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Ang sigurado ko lang Mahal na Mahal niya talaga ako.









_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon