Chapter 13

228K 3.3K 192
                                    










Bago pa man ako nahila ni Mark Ethan sa kanyang sasakyan ay dumating na yung mga classmates ko. Buti na lang. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong maramdaman pag nakapagsolo na kami. Baka ipagkanulo ako ng pangungulila ko sa kanya.








"Kuya Mark grabe kinabahan kami sa inyo kanina. Hindi namin napaghandaan yung mga tanong niyo."







"Ganun ba? Pasensya na. Pero ok naman kayong lahat di ba? Gagraduate na kayo"










Nagtanong pala siya sa ibang group? Samantalang sa akin hindi man lang niya ako matingnan. O kahit sulyap lang. O kahit konting atensiyon lang.







"Paalis na kayo? May pupuntahan kayo?"






Tanong ng isa sa kanila. Hindi ko alam kung paano yun sasagutin.








"Oo sana. Namiss ko tong slave ko."







Sabay akbay sa akin. Slave? Bakit kahit yun naman talaga ako kanya pero bakit ang sakit sakit pa din pag sa kanya mismo galing? Yung tipong yung sakit na alam mo na may sugat na, dun pa paghahampasin.







"kaya pala hindi na kami naalala ng isang bata diyan? basta na lang umalis? Sige na. Una na kami Kuya Mark"







Hindi ko na nagawa pang idepensa pa ang sarili ko. Kasi may kasalanan naman talaga ako. Para makaiwas kay Mark Ethan wala akong hinagad para ang lumayo. At naiwan ko ang mga kaibigan ko na naghihintay sa akin. Pero paano ko ipapaliwanag sa kanila? Kung bakit kailangan kong iwasan ang lalaking ito?








Pagkasakay ko sa sasakyan niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. Pinaloob niya ito sa kamay niya. Sabay dinala sa kanyang labi para hagkan. Ayaw ko siyang tingnan kahit hindi mapagkaila na nakakakilig yung kanyang ginawa. Na hatid ay ilang boltaheng kuryente sa pagkatao ko. Sa isang halik na naman ba ako bibigay?





"Master.."






Hinila niya ako palapit sa kanya. Kung kanina yung kamay ko ang hinahalikan niya., ngayon ay mga labi ko na. Magaan na paghalik. Na pakiramdam ko maiiyak ako. Tatlong linggong hindi siya nagparamdam pero bakit napawi lahat ng halik na ginagawa niya ang lahat ng sakit na naranasan ko?






"Mark Ethan. Mas gusto ko na yun ang tawag mo sa akin. Matagal mo na naman akong tinatawag sa pangalan ko di ba? "






Hindi ko magawang salubungin ang pagkatitig niya sa akin. Pero Mark Ethan parang kanina lang SLAVE ang tawag mo sa akin? Ang gulo mo. Ang gulo gulo mo. Kasing gulo kung paano mo ginulo ang buhay ko. Ang puso ko. Ang pagkatao ko.






"Ok."







At inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Kahit parang kung may anong pwersa na humahatak sa akin na huwag lumayo sa kanya. Kahit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Kahit ang tanging gusto kong gawin ay ang makulong sa bisig niya. Naramdaman ko na lang na namasa ang mata ko. Shet. Bakit ba miss na miss kita? Agad kong pinunasan yun para hindi niya mahalata. Kasi paano ko yun ipapaliwanag? Na kaya ako umiiyak dahil sobrang miss ko siya.







"Galit ka ba?"







Mahinang tanong niya.Hindi siya nakatingin sa akin kasi busy siya sa pagmamaneho. Hindi ko magawang sumagot. Pag sinabi ko ba na galit ako Mark Ethan anong gagawin mo? Hindi mo naman ako mamahalin pag nalaman mo yun di ba?






"Sabagay sino nga ba ang matutuwa sa ginawa ko? Three weeks akong hindi nagparamdam sayo"








Alam mo naman pala yun. Bakit kailangang tanungin mo ako? Para ba sakaling itanggi ko na hindi ako galit? Para hindi ka na makokonsensya? Ganun ba yun Mark Ethan?







"Hindi mo naman obligasyon yun. Na magparamdam sa akin. Sino ba ako?"






Kahit anong pagpipigil na huwag magsalita, naisantinig ko pa din yun. O dahil sobra sobrang sama ng loob yun ng nararamdaman ko. Yung sakit dahil sa pambabalewalang ginawa niya.







" Bakit sino ka nga ba sa buhay ko?"






Yung luhang kanina ko pang pinipigilan nagtuloy tuloy na. Sabi na kasi na balewala lang ako eh. Magsasalita sana ulit ako nung magsalita ulit siya. Ngayon may diin at kung anong galit ang tono ng boses niya.







"Bakit ba ang tingin mo parang balewala ka sa akin? sa tingin mo sa loob ng tatlong taon nagtiyatiyaga lang ako sayo? sa tingin mo hindi ka mahalaga?!"








Itinabi niya yung sasakyan. Kaya hindi ko napaghandaan nung hatakin niya ako palapit sa kanya. Yung mga kamay niya bumabaon sa balikat ko. Yung mga mata niya. Galit na galit. Ganun ba yun dapat Mark Ethan? Na dapat uunahan mo ako na magalit? Para matutunaw na yung galit na nararamdaman ko?





"Nasasaktan ako Mark Ethan.."







Niluwagan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Pero hindi niya inilayo yung mukha niya sa akin.







"Mark Ethan.."





"Kaya itanong mo na lahat sa akin pero huwag na huwag kung sino ka nga ba sa buhay ko"








Matapos niya akong halikan ng mabilis ay pinaandar na niya yung sasakyan. Gusto ko sanang tumutol sa sinabi niya. Na huwag akong magtanong? Kasi hindi ko naman alam talaga alam kung ano ako sayo Mark Ethan. Mahirap mag assume. Mahirap na hindi masaktan lalo na sa isang relasyong na hindi ko alam kung ano ba ang tawag? o sa isang relasyon na ako lang ang nagmamahal? Kasi Mark Ethan may mga bagay na kailangang pa ding sabihin. Kasi kung sa kilos mo lang ang pagbabasehan at sa pinaparamdam mo sa tuwing tayong dalawa lang, sa bawat halik na binibigay mo? At sa bawat pag iisa ng katawan natin ang dali daling sabihin na MAHAL MO AKO. Pero paano pala kung init lang ng katawan yun? Hindi dahil sa pagmamahal? Kaya pakiusap sabihin mo kung ano tayo. Na sana nga di ba? MAHAL mo ako.








_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon