Chapter 46

127K 2.3K 86
                                    


Mark Ethan's POV:


Hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon. Sabi naman ni Doc ok naman daw siya. Pati si baby ok din daw. Masyado lang daw siyang nastress. Ang mahal ko. Hindi ko siya pagsasawang pagmasdan. Pero mas masaya sana kung gising na siya. Yung masisilayan ko ang kanyang ngiti. Yung kakausapin niya ako. Mas gusto ko yun. Sobrang kinabahan talaga ako kanina nung nawalan siya ng malay sa aking mga bisig. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung may mangyayaring masama sa kanya. O kung tuluyan siyang mawawala sa akin.


Agad kong pinahid ang mga luha ko. Kahit alam ko na ok na siya andun pa din yung sakit. Hindi ko lubos maisip na aabot sa puntong mapapahamak siya dahil sa pagmamahalan namin. Naalala ko nung una ko siyang makita. Fifth year college na ako nun. Dahil sa pag aaral ang priority ko hindi ko inaabala ang sarili ko na pumasok sa isang relasyon na alam ko na magiging sagabal sa pangarap ko. Akala ko magagawa ko na. Isang taon na lang. Pero nakita ko siya. Hindi ko alam kung anong tawag sa kabang biglang sumalakay sa dibdib ko nung masilayan ko ang mukha niya. Lalong bumilis pa nga ang tibok ng ngumiti siya. Alam ko sa sandaling yun naging Alipin na niya ako. Ni wala siyang idea na yung Puso ko sobrang nahulog ata. Sa pagkakataon na yun na hindi siya hadlang sa pangarap ko. Kasi paano magiging hadlang? Kung siya pa lang ang kukumpleto?


Ang sayang balikan ng lahat. At hindi ko pagsasawaang ikwento yun sa magiging anak namin. Kung paanong nahulog ako sa Mommy nila. Naalala ko ang reaction nila nung bilhin ko siya nung acquiantance party. Wala akong pakialam noon kung gaano kalaki pa yung aabutin nung Bid sa kanya. Kahit mangutang ako kasi on the spot babayaran din. Basta ang mahalaga sa akin ako ang maging Master niya. Kahit panay kantiyaw ang inabot ko sa mga barkada ko kasi first time kong sumali sa ganun. Wala na sa akin yun. Kasi ang iniisip ko noon, Paano na pag nakaharap ko siya? Paano ko siya kakausapin? Parang wala pa man pero sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

After ng party lalapitan ng mga 3rd year ang mga Master nila. Nung lumapit siya sobrang hiyang hiya siya. Tas yung mahinang pagkasabi niya ng "Kuya". Medyo nainis ako. Nasupladuhan ko siya. Kasi ayaw ko ng Kuya. Hindi pwedeng kuya ang tingin niya sa akin. Kaya hanggang sa pagsakay ng sasakyan inis pa din ako. Na lalo akong nainis ng makita ko yung takot sa mukha niya. Una pa lang sablay na. Paano ko sasabihin na mahal ko siya? Paano ko sasabihin na siya ang kukumpleto sa akin? Paano ko sasabihin lahat ng nararamdaman ko kung hindi niya ako magawang tingnan? Na andun yung takot sa mga mata niya sa tuwing hindi sinasadyang nagtatama ang mga mata namin. Paano ako didiskarte kung simula pa lang pakiramdam ko talo na ako? Kaya sa condo unit niya hindi ko na napigilan nagawa ko siyang halikan. Kung hindi lang parang baliw magtatalon sana ako dahil sa sobrang saya. Pero nawala lahat ng sayang naramdaman ko nung makita ko ulif yung mata niya. Yung takot. Kaya kahit ayaw ko. Kahit gusto ko sanang maayos na manligaw ginamit ko yung takot niya para maging sunod sunuran sa akin. Naging Slave ko siya na labas sa kung anong panuntunan ng Organization namin. Lumipat ako sa tabi ng condo unit niya para maging madali lang itago ang lahat. Naging kuntento na ako sa sitwasyon namin. Akala ko ok na yun. Hindi naman niya ako iniiwan. Hindi na din siya lumalapit sa iba. Pero hindi. Hindi ko siya napasaya kahit kailan. Mali ang pagmamahal na pinakita ko sa kanya. Hindi ko nabawasan yung takot niya sa akin.

Maling paraan lahat. Pagdating sa kanya lagi akong sablay. Akala ko mapapaligaya ko na siya. Akala ko ok na ang lahat. Kung naging matapang lang ako dati iba sana ang sitwasyon ngayon. Kung hindi mali ang umpisa ng aming relasyon hindi sana aabot sa puntong manghihimasok ang mga magulang niya. Kung nanligaw ako ng maayos dati pa lang nalaman na namin ang sitwasyon sa aming magulang. Wala sana siya dito sa loob ng Hospital. Hindi sana siya nahihirapan ngayon. Kung naging matapang lang sana ako dati. Kasalanan ko lahat kung bakit siya nasasaktan. Sana hindi ka manawa. Kasi ikaw lang naman ang kukumpleto sa akin. Ikaw lang.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon