Chapter 32

153K 2.4K 97
                                    






"Dad! Mommy!"






Nagulat talaga ako na makita sila sa harap ng unit ko. Hindi man lang kasi sila nagsabi na pupunta sila.






"Anak, kamusta?" Yumakap si Daddy sa akin. "At may Engineer na taga hatid at sundo sayo?"






"Good Evening po Tito,Tita"






Nakipagkamay si Mark Ethan kay Daddy tapos nagbeso kay Mommy. Wala man lang kakaba kaba na makaharap ang parents ko.







"so kayo na ba ng anak ko? Sinagot mo na siya Mark?"





Nakangiting sabi ni Mommy. Ang baliw lang talaga. At si Mark Ethan pa ang sasagot? Hindi ko na makita ang reaction ni Mark Ethan kasi abala na ako sa pagbubukas ng pinto ng unit ko. At yung kakalatan ko habang nagrereview ang bumungad sa Parents ko.







"Nakakatulog ka pa ba anak? Eh pinuno mo na ng kung ano anong formula itong unit mo"







Iiling iling na sabi ni Daddy. Ngali ngali ko ng sabihin na nakakatulog naman ako ng maayos. Yun nga lang sa poging kapitbahay. Na nagngangalang Mark Ethan.





"Mark hindi mo na sinagot ang tanong ko? Kayo na ba ng anak ko?"







"Opo Tita. Napilitan ko na po siyang sagutin"








Kung hindi nga lang parents ko ang kaharap ko napagkurot ko na siya. At napilitan talaga? Nakakabaliw ka Mark Ethan.








"Boyfriend ka na ng anak ko?"






Medyo nakakakaba na biglang sumeryoso si Dad. Oo si Mommy kabiruan niya pero siyempre iba pa din ang dating nun kay Daddy na parang napipilitan siya sa relasyon na to.







"Opo Tito. Mahirap po kasing pigilan kung anong nararamdaman ko sa anak niyo." Tumingin siya sa akin na seryosong seryoso "Parang kung anong mahika meron siya. Na lumukob sa sistema ko."








"Ginawa mo namang witch ang anak ko"






Biglang ngumiti si Daddy. Hinawakan ni Mark Ethan ang kamay ko at seryosong tumingin sa akin.






"Kung ganun po ayaw ko na pong mawala yung spell na ginawa niya sa akin"







"Mga bolerong Engineer. Ganyan na ganyan ang Daddy mo anak."







Tumawa na lang ako. Atleast naiintindihan ako ni Mommy, kung bakit hindi din ako makawala kay Mark Ethan. Na sa salita niya ay hulog na hulog din ako. Inayos lang namin ni Mommy yung dala nilang pagkain. Habang naiwan si Daddy at si Mark Ethan na nag uusap sa may sofa. Pero siyempre pakinig pa din naman namin. O mas tamang pinapakinggan ko din talaga.







"Saan ka ba nakatira Mark? Hindi ba nakakaabala na hinahatid sundo mo ang anak ko?"





"Malapit lang naman po ako dito."






"Talaga? Buti naman. Alam ko na busy ka sa company niyo kaya ayaw kong maging abala ang anak ko"






"Ang totoo Tito. Diyan lang po ako sa kabilang unit." Gulat na gulat ang mukha ni Daddy. " Pero malapit o malayo man po ako sa anak niyo hindi po kailanman siya kailanman naging abala sa akin."









"Matagal ka na diyan sa kabila? Akala ko ba sa school kayo nagkakilala? yun pala magkapitbahay din kayo?"








"Lumipat po ako dito almost Three years ago. Nung panahon na alam ko sa sarili ko na anak niyo lang po ang mamahalin ko"






"Grabeng pambabakod naman yung ginawa mo?"







"Kailangan po eh. Pero hindi lang naman po pambabakod ang balak kong gawin. Ibabahay ko din naman po siya pagkatapos ng kasal namin"






Muntik ko ng mabitawan yung pinggan na hawak ko. At sa paraan ng pagkakasabi niya kay Daddy walang kakaba kaba.








"Kung ako po ang masusunod Tito gusto ko sana na makasal agad kami. Pero may pangako po ang anak niyo sa inyo. Kukuha muna daw po siya ng lisensya na apelyido niyo ang nakalagay." Matiim na nakatingin sa kanya si Daddy. Bakit kasi napunta dun ang usapan? "Pero sana po hayaan niyo na makasal agad kami pagkakuha ng lisensya niya."







"Ganun kabilis?"





Hindi na nakatiis si Mommy na hindi sumingit sa usapan nila. Napalapit na din ako sa kanila. Ito yung usapan namin dati na akala ko sumang ayon siya. Pero bakit ngayon sa magulang ko naman niya pinipilit yun? Ganun mo ba talaga kagusto na makasal agad tayo Mark Ethan?








"Sana po Tita." Tumayo si Mark Ethan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi po kasi ako manalo sa anak niyo tungkol sa bagay na yan. Seryoso po ako sa anak niyo."







"Mark Ethan, hayaan mo muna na mag enjoy ang anak ko. Kung seryoso ka talaga sa kanya mangyayari naman na makakasal kayo. Pero gusto ko na maranasan ng anak na nag eenjoy magtrabaho. Ang gumala pag bagong sweldo. Yung sarili lang niya ang iniisip niya."







"Ganun din naman po ako Tito. Siya lang din naman ang iniisip ko" bakas sa mukha niya ang pagkabigo. Yung sakit na dulot ng pagtutol ni Daddy.







"Mark Ethan.."






Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Yung pamumula ng mata niya. Parang hindi ko maimagine na magpapakita siya ng kahinaan sa harap ng magulang ko.









"Yang sobrang pagmamahal mo Mark Ethan sa anak ko ang magiging problema niyo banda banda diyan"






"Sige po Tito,Tita. Una na po ako"





Tumalikod na ito. Yung nakalaylay niyang balikat ang patunay na pagkabigong naranasan niya.








"Hindi ka ba muna kakain? Madami ang dala namin?"







Umiling lang ito at dumiretso na ito sa paglabas. Ang bigat sa dibdib na makita siya ng ganun. Naramdaman ko na lang na may luha ng naglalakbay sa pisngi ko. Hindi ko kaya. Gusto ko siyang yakapin.








"Mom,Dad.."






"Sige sundan mo na yung Boyfriend mo. Sa lahat ng napipilitan sa isang relasyon. Siya yung gustong gusto kang itali"







Paglabas ko ng unit ko agad kong kinuha yung susi para sa unit niya. Hindi makaturangan na sobrang nasasaktan siya ngayon. Mahal lang talaga niya ako. Pagpasok ko sa unit niya, dumiretso agad ako sa kwarto niya. Pero wala siya.Kahit saang bahagi ng unit niya wala siya. Tinangka ko siyang tawagan pero yung phone niya naiwan niya sa sala. Asan ka ba Mark Ethan? Nakakatakot na isipin na magmamaneho ka ngayon. Baka kung saan mo ibangga yang sasakyan mo. Bumalik ako sa unit ko. Niyakap lang ako ni Mommy. Gusto ko siyang hanapin pero andito sina Mommy. Minsan lang nila ako dalawin dito tapos ano na lang iisipin nila? Na nagpapadala ako sa pagtatampo ng boyfriend ko? Pero kilala ko siya. Sobra siyang nasasaktan ngayon. Doble ng sakit ng nararamdaman ko ngayon.









_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon