Chapter 23

208K 3K 171
                                    

"buti naman at maaga kang bumaba anak"

Salubong sa akin ni Mommy. Maaga talaga akong nagising kahit na parang ang dami dami naming ginawa kagabi. Gising na ako nung umalis si Mark Ethan sa kwarto ko. Kung hindi nga lang daw sa natatakot siyang mahuli kami, natatakot siya para sa akin pero ayaw niya daw talagang umalis.

"At buti maayos na ang itsura mo. Ang aga ng manliigaw mo ahh"

Napailing na lang ako. Sobrang aga nga. 7:30 pa lang. Anong oras na ba siya umalis ng kwarto ko? 5 AM? Kahit gusto kong takbuhin ang kinaroroonan niya medyo pinigilan ko ang sarili ko. Baka sabihin ni Mommy atat na atat akong makaharap ang manliligaw ko. Namimiss ko na kasi siya. Alam ko na medyo hindi healthy yun. Na sa dalawang oras at kalahati namin na paghihiwalay ay sobrang miss ko na siya. Dapat hindi ako ganun ka clingy. Wala daw relasyon na tumatagal pag ganun. Sabi ng isang Author na kakilala ko. Mas mapapadali daw ang FOREVER pag ganun. Pero anong magagawa ko? Hindi ko madidiktahan ang puso at utak ko na hindi siya mamiss agad.

Hindi ko maimagine ang itsura ni Mark Ethan na naghihintay sa living room. Inip na inip na din kaya siya? Katulad ko ba na namimiss niya din ako?

"Prince?"

Hindi ko din naman alam kung anong ikikilos kung sakaling si Mark Ethan ang madadatnan kong nakaupo. Kasi alam ko na kasunod ko si Mommy. Pero medyo nalungkot ako na hindi siya yung nakita ko. Akala ko ba maaga siya? Akala ko magpapakilala na siya? Akala ko ba kahit mag isa lang siya mamamanhikan siya?

"Engineer. My Engineer"

Matagal ng nanliligaw sa akin si Prince. Pero dahil nga malayo ako at halos hindi na nga umuuwi. Hindi ko naramdaman na nanliligaw siya. At dahil na din siguro hindi ko din naman inaabala ang sarili ko na bigyan ng pansin ang panliligaw niya.

Pagkatayo nito ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Dinala sa labi niya. Mapangahas. Agad ko din naman na binawi ito. Pagtingin ko sa kanya ang lapad lapad ng ngiti niya. Mayabang. At anong sabi niya? My Engineer? Hindi ako nagpakahirap ng limang taon para sa kanya.

"Graduate ka na. Matutupad ko na ang pangako ko sa parents mo"

"Anong pangako?"

"Isasama na kita sa pag alis ko. May magandang trabaho para sayo sa ibang bansa."

Napailing ako. Alam ko na gusto ng Parents ko na magamit ko ang pinag aralan ko. Nabanggit na nila yun na ok lang sa kanila na umalis ako pagkakuha ko ng lisensya. Kayang kaya ko naman daw yun.

"Wala sa plano ko ang umalis ng bansa Prince"

Sumeryoso ang mukha niya. Gwapo din naman siya. Kaso kasi kung si Mark Ethan ang pamantayan ko ng kagwapuhan? Walang wala siya. At hindi mayabang si Mark Ethan ko.

"Good Morning"

Paglingon ko seryosong Mark Ethan ang nakita ko. At alam ko dahil sa magkaharap kami ni Prince ngayon. Buti na lang talaga nabawi ko agad ang kamay ko kay Prince kanina.

"Ang ganda ganda mo naman anak. Dalawang manliligaw eh ang aga aga pa"

Lagot. Lagot na ako. Lalong sumeryoso ang mukha ni Mark Ethan. Hindi ko alam ang ikikilos ko.

"Kanina pa kita hinihintay"

Paglapit ko kay Mark Ethan ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Bahala na si Mommy kung anong isipin niya. Mas nakakatakot kasi kung anong iiisipin ng lalaking kaharap ko ngayon.

"Sorry may dinaanan pa ako" Nakangiti niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko. Humarap siya kay Mommy " Good Morning Maam, Pasensya na po kung napaaga ang pagpunta. Kinagagalak ko po kayong makilala" Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay kay Mommy.

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon