Chapter 9

250K 3.7K 183
                                    

"at saan ka pupunta?"

Lumabas ako ng kwarto na ayos na ang sarili. Ni wala ngang bakas na galing ako sa pag iyak. Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag sa imbitasyon ni Julian na gumala kami. Hindi ko siya pinansin. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Galit ka pa din ba?"

Noon ko lang napansin ang benda sa kanang kamao niya. Siguro yun yung narinig ko kanina. Sa dingding niya inilabas yung galit na hindi ko alam kung para saan. Kung galit pa daw ako? Parang ganun ba kadaling mawala yun? O iniisip niya lang na hindi ko siya matitiis ng matagal kaya akala niya hindi na ako galit?

"Manunuod kami ng sine ni Julian."

Nilampasan ko lang siya. Saan ko ba nakukuha ang tapang ko ngayon? O siguro pag sobrang sakit na yung naramdaman mo parang mamanhid ka na din. Yung pagkamanhid na yun ang tinatawag nila na GALIT.

"ng ganyan ang suot mo?"

Anong masama aa suot ko? Bawal na bang manuod ng sine pag sobrang ikling short at off shoulder na blouse? Makakasuhan na ba agad pag ganun?

"magpalit ka"

Seryosong sabi niya. Yung kamao niya nakakuyom na ulit. Masama ba ang tulog niya kagabi at nagising siya para magalit maghapon?

"Pati ba naman damit ko papakailanman mo?"

Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Siguro kong magagawa niya akong suntukin nagawa na niya dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya.

"May damit ka o wala may pakialam ako!! Kaya magpalit ka na. O baka gusto mo na ako ang magpapalit sayo?"

Hindi ako kumilos. Tiningnan ko lanv siya. Pinag aaralan ang mukha niya. Kung bakit ba siya nagagalit? Pwede ko bang isipin kahit ngayon lang na kaya siya ganyan ay nagseselos siya? Sa halos tatlong taon na magkasama kami ngayon lang siya nagreact ng ganyan. Kung tutuusin ay napakasimpleng bagay.

Kaya nagseselos ka na nga ba MARK ETHAN VALERO? Mahal mo na din ba ako ng lagay na yan? Isang MALAKING TORPE nga ba ang MASTER ko? Master TORPE?

Yung mga mata niya namumula na. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Naging bulag bulagan nga ba ako sa nararamdaman ko kaya hindi ko nakikita ang mga pagbabago niya sa pakikitungo sa akin? Pero paano ko nga ba mapapatunayan?

Nagulat siya ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya. At sinakop ang kanyang mga labi. Siya ang nagturo sa akin kung paano humalik. At ngayon ipapakita ko sa kanya. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya. Naramdaman ko ang pag angat ng katawan ko. At dinala niya ako sa loob ng silid ko ng hindi pinaglalayo ang mga labi namin. Magpapaubaya ba ulit ako? Matagal akong umasa na mamahalin niya din ako. Nagtiis ako ng ilang taon, ipinaubaya ang katawan ko ng paulit ulit. Ngayon pa ba ang susuko? Kung may 1.69% akong nakikitang pagbabago? Na posibleng Mahal din niya ako?

Agad kong hinubad ang damit ko ng ilapag niya ako sa kama. Nagugulat siya sa pagiging agresibo ko. Yung ako yung nagdodomina ng halik. Kailangang gawin ko to, kailangang maging agresibo. Kailangan para mapilitan siyang magsabi ng kung anong nararamdaman niya. Kailangang baliwin ko siya para masabi niya na Mahal niya ako. Ayaw ko munang mag isip kung may patutunguhan nga ba tong desisyon ko, pero atleast lumaban ako.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa dibdib ko. Agad ko namang itinaas ang laylayan ng t-shirt niya. Siya na din ang nagkusang maghubad nun. Isinunod na din niya yung pangbabang damit niya, nakaboxers na lang siya ng muli niya akong tabihan sa kama.

Hinalikan niya ako sa labi. Masuyo yun. Wala na yung bakas ng galit na gaya ng ginawa niya kaninang umaga. Bumaba ang paghalik niya sa leeg ko. Habang ang isang kamay niya ay naglalaro sa dibdib ko.

"Mark Ethan.."

Hindi ko napigilan na sambit ko. Hindi ko na halos makayanan ang sensasyon na binibigay niya. Ang init ng mga labi niya sa mga balat ko. Tumigil siya sa ginagawa niya. Itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Ngumit siya. Yung ngiting pwede kong panghawakan. Yung nagsasabi na Mahal niya ako.

"Ako lang."

Tama siya lang. Sa mga pinagsaluhan namin sa tingin ba niya maghahanap pa ako ng iba?

Isipin mo na MARK ETHAN na SLAVE mo ako, pero hindi mo mamamalayan na magiging ALIPIN ka din ng pagmamahal ko.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon