Chapter 48

121K 2.3K 73
                                    

"Dahan dahan"


Sabi niya habang inaalalayan niya akong humiga. Andito na kami ngayon sa bahay na sinasabi niya. Sa ipinatayo niya para sa aming magiging pamilya.


"Mark Ethan ok lang kami ni baby. Kailangan ba talaga na humiga ulit ako ngayon eh puro yun na lang ginawa ko sa hospital?"


"Yun po ang sinabi ng Doctor. Kaya sa ayaw mo at hindi dalawa kayo ni baby na aalagaan ko. sabagay baby naman talaga kita."


Sa dalawang araw ko sa Hospital hindi siya halos umalis sa tabi ko. Lahat ng pag alalay at pag aalaga ginawa niya. Hindi ko na din natanong kung nasaan ang Parents ko. Kasi simula ng narinig ko ang Mommy niya nung nagising ako hindi na ulit sila bumisita pa. Nagdadalawang isip ako na magtanong sa kanya. Alam ko na higit sa kanino man siya ang higit na nasaktan sa nangyari sa akin. Kaya ayaw kong dagdagan pa ang isipin niya. At masaya na ako na nakikita ko siyang ngumingiti katulad ngayon.


"Hindi ba masyadong malaki itong bahay para sa atin?"

Nung ipaliwanag niya kasi ang kabuuan ng bahay medyo nalula ako sa laki nito. May pinakataas pa ito na may nakaset up na malaking telescope. Sabi niya pag ok na daw kami ni baby saka kami pupunta dun.


"hindi ba talaga pwedeng masilip yung taas?"


Pero sa halip na sumagot hinalikan niya lang ako sa noo.

"Saka na. Kahit gustong gusto na pumunta tayo dun. Na magset up ng dinner dun. Na tumingin ng mga stars. Makakapaghintay naman yun. At isa pa masaya na ako sa star na nasa harap ko ngayon. Ang star na tumupad sa lahat ng wish ko."


Hindi ko na siya pinilit pa. Paano ko pa siya makukulit kung binanatan na ako ng ganun? Mark Ethan wala ka talagang kupas. Magkakaanak na tayo pero kung magpakilig ka ganun pa din ang epekto. Sagad sa buto. Diretso sa puso.

"Pasensiya ka na kung nararanasan mo man ang ganito. Kung hindi kita pinangunahan sa pagbubuntis hindi mangyayari sayo lahat ng to. Kaya sana hindi magbago ang desisyon mo. Na pinatatawad mo na ako kahit muntik ka ng mapahamak. Sorry Baby sa lahat. Sabi ko babawi ako pero sablay pa din. Bakit kasi pagdating sayo sablay lagi ako?"


Hinawakan ko ang mukha niya at inilapit sa akin para masuyo kong mahagkan ang mga labi niya. Kailan kaya maaalis ang mga isipin niya?

"Mark Ethan pwede bang alisin mo lahat ng isipin mo? Na hindi kita sinisisi. Andito ako ngayon kasama mo dito sa magiging bahay ng pamilya natin. Hindi pa ba sapat yun para maging masaya ka? Alam ko na hindi mo pababayaan na lumaki ang problema natin sa parents natin. Hindi na ako magtatanong kasi alam ko na magagawan mo yun ng paraan. Kaya pwede bang maging masaya tayo ngayon? Gusto ko yung unang araw natin dito sa bahay maging masaya tayo. Pwede ba yun Engr. Valero?"

Humiga siya sa tabi ko at niyakap niya ako. Siguro nga sobra niya akong mahal. At napakaswerte ko. Hindi siya nagdadalawang isip na magpakita sa akin na mahina siya. Lahat ng emosyon siguro napakita na niya sa akin. Lahat ng mga hindi ko akalain na masasaksihan ko nung unang beses na tinanggap ko sa sarili ko na Mahal ko na siya.

"Pwede naman yun Misis." At lalo pa niyang siniksik ang mukha niya sa may bandang leeg ko. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa may tiyan ko. Simula nung malaman niya na buntis ako naging hobby na yan. Ang haplusin si baby. "Sabi ko sa parents natin. Nung dalhin ka namin sa hospital. Na kung gusto nilang makita ang unang apo nila. Pag usapan nila ang problema. Kaya kahit medyo masakit na hindi ko pansinin si Mommy kailangan kong gawin para sa ikakabuti ng mga pamilya natin."


Kaya pala hindi niya kinakausap ang mommy niya. Ayaw ko ng kontrahin pa yung desisyon niya. Tama naman siguro na mag usap sila, para sa ikakatahimik ng bawat isa sa kanila. At isa pa kung hindi man magiging maayos ang tungkol dun sabi ko nga kanina nakapagdesisyon na ako. Nakapili na ako. May pamilya na din akong kailangang protektahan. Yung pamilyang bubuuin namin ni Mark Ethan.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon