Chapter 55

132K 2.4K 104
                                    

"Inuulit ko, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang asawa at kabiyak habambuhay?"


Meadyo nagulat ako sa pagtatanong ni Father. Sabagay mula kanina hindi na ako makapag isip pa ng maayos parang nakalutang lang. Ni hindi ko nga narinig yung pangalan ko ng banggitin ni Father. Sabagay sino nga ba ang makakapag isip ng matino? Sino yung parang nakalutang dahil sa labis na kasiyahan? Sino yung paggising kanina magugulat na lang sa ayos ng kwarto, sa ayos ng bahay. Sinong makakapag isip ng matino kung sosorpresahin ka sa mismong araw ng kasal mo? Sinong babalik sa normal ang utak kung ganito kagwapo ang Groom? Buntis lang ako at mahina pa din sa ganitong pagpapakilig.

"Opo Father"


Pag angat ko ng tingin sa mukha ni Mark Ethan hindi ko alam kung nakangiti ba siya pero yung mga mata niya may namumuo ng luha.
Ilang araw lang matapos siyang magpropose sa akin. Hindi ko naman akalain na ganito kabilis ang aming magiging kasal. Parang hindi pa ako nakakaget over heto ngayon nag uumapaw na naman na kilig. Kanina habang naglalakad ako palapit kay Mark Ethan hindi ko na iniisip na malaki na ang tiyan ko. Na nakakahiya na buntis na tapos saka magpapakasal. Nawala lahat ng dapat kong isipin at alalahanin dahil kahit isang saglit hindi nagawang alisin ni Mark Ethan ang tingin niya sa akin. Kaya feeling ko parang ang haba haba ng buhok ko. Parang ang sexy sexy ko sa paningin niya. Alam ko sa mata ng ilan mali na buntis na pag nagpakasal. Nasa lipunan tayo na mas madami pa ang sinasabing panghuhusga ng ilan kesa ang umunawa. Alam kong mali lahat. Pero sa tuwing naiisip ko ang pagmamahal ko para sa lalaking kaharap ko ngayon pakiramdam ko nasa tama ang lahat.

"Kakaibang kasalan nasa parehas ang wedding ring"

Nasa may reception na kami ngayon. Hindi ko alam kung kailan pa siya naghanda para dito pero napaka perfect ng lahat.


"Ayaw kong bumili ng singsing na sukat sa daliri mo ngayon kasi hindi naman talaga yan ang tunay na size mo. Sabi nga nila magkasize lang naman daw ang hinliliit ng lalaki sa palasingsingan ng babae. Kaya habang hindi ka pa pwedeng magsuot ng singsing sa akin muna to Mrs. Valero"

Tama Mrs. Valero na talaga ako. Wala ng atrasan. At wala naman talaga yun sa plano ko. Sa daming pinagdaanan namin buti hindi siya bumitaw. Sabagay sa aming dalawa yung pagmamahal naman talaga niya ang nagdala sa kung nasaan man kami ngayon. Gaya ng pangako niya sa akin sa simbahan. Ako lang hanggang sa kung hanggang saan niya kaya akong mahalin. Sabi nga wala daw Forever. Kaya after forever daw yung sa amin. Kasi wala ngang basehan. Tuloy tuloy lang.

"sa Wakas" Hinapit lang niya aki malapit sa kanya. Pero yung sobrang gaan lang kasi si baby naiipit. Nasa part na kasi kami ng program na kailangan naming magsayaw dalawa. At itong kaharap ko paraglng hindi naman nakikita ang ibang tao kasi
parang balewala lang sa kanya. Basta basta na lang nanghahalik. Basta basta na lang siya babanat. "Kung sakali man na pagdaanan ko ulit kung ano man ang pinagdaanan natin para makarating tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi ako magdadalawang isip na ulitin lahat. Kasi kayo ni baby ang pinag uusapan. Ang tanging kukumpleto sa pagkatao ko. Mahal na Mahal kita. Kayo ni baby. Sobrang mahal na mahal ko kayo na wala akong ibang gagawin kundi masigurado na mapapaligaya ko kayo."


"Mahal na mahal din kita Mark Ethan. Alam ko na wala akong dapat pagsisishan sa mga desisyon ko. kasi pagmamahal mo pa lang sobrang saya ko na"

"Iwan na natin sila?"


Ewan sa way ng pag ngiti niya pero hindi ko mapigilan na hindi tumawa ng malakas.

"Huwag mong sabihin na may Honeymoon pa din? Sa laki ng tiyan ko?"

"HAHAHA Masama na ba na masolo ka Mrs. Valero? Saka hindi naman tayo nila pipigilian di ba? Hindi natin sila pinakain para doon"


Wala ng pagtutol pa na lumabas sa aking bibig na hilahin niya ako. Napansin ata ng mga bisita kasi bgla bigla nilang pina ingay ang mga baso nila. At itong asawa ko, parang ang sarap uliting sabhin yun, Itong asawa ko sa napaka mapagbigay niya na tao ay halos hindi na ako makahinga bago niya bitawan ang aking mga labi. Na lalong ikina ingay ng mga bisita. Alam ko na namumula ako mg sandaling yun. Pero hindi ko kailanman siya sisitahin sa kanyang ginawa. Ang ipakita sa lahat kung gaano niya ako kamahal? Sino ako para mag inarte pa? Ang pagmamahal na dahilan kung bakit nagawa kong talikuran lahat. Ang pagmamahal na hindi ko kailanman pagsisihan na hindi ko iniwan. Ang pagmamahal na alam ko na para sa akin lang.


_casper_

---------------------------------------
Epilogue na po ang kasunod. Pasensya na po ngayon lang. Bukod sa napapadalas ang pagkahilo sa tuwing nagtatype pag bumabyahe. Nagkasakit po ako nitong nakaraang linggo. Kaya pagpasensyahan niyo na po.

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon