Chapter 5 (HIS POV)

20.8K 315 10
                                    






Hindi ko alam kung gaano ako katagal na gising na pero hindi ko pa din maalis ang pagkakayakap sa kanya. Yung dapat nag aayos na ako para pumasok sa opisina pero merong kung anong pwersa na mula sa kanya kaya hindi ko magawang kumilos. Kagabi walang nangyari sa amin. O mas tamang mas gusto ko lang din na yakap yakap siya ng ganito. Para kahit papaano maparating sa kanya na hindi lang naman katawan niya ang habol ko. Hindi init ng katawan ang nangingibabaw sa akin kaya gusto ko laging kasama siya. Nagkataon lang na sa pag iisa ng aming katawan doon ko lang kasi nararamdaman na baka mahal niya ako kaya nagpapaubaya siya. Sa pag iisa ng aming katawan doon ko nararamdaman yung haplos o hagod niya. Yung kahit papaano mahalaga din ako sa kanya. Kaya masisisi niyo ba ako? Na ang paulit ulit na nangyayari sa amin ang ginamit ko para maniwala na baka nga may katugon ang nararamdaman ko.


Naramdaman ko ang pagkilos niya. Parang nagkusa din lang ang mga mata ko ba pumikit para hindi niya malaman na gising na ako. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at pilit na bumabangon. Lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Yung tipong ayaw ko siyang pakawalan pa. Sa kahit anong paglayo niya sa akin ayaw ko siyang bitawan. Naramdaman ko ang pagharap niya sa akin. Ako naman ay nagpanggap na tulog. Madali naman kasing magpanggap na tulog. Yung pagpapanggap nga na hindi ko siya mahal nagawa ko ng halos tatlong taon.



"May klase pa ako"


Pilit pa din siyang bumabangon. Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya, binaba ako ang kamay ko sa ibabaw ng tiyan niya. Hinaplos ko yun.



"Wala pa ba?"



Mahinang tanong ko sa kanya na parang ikinabigla niya base sa reaksyon ng katawan niya.




"Imposibleng mabuntis ako"



Imposible? May sakit ba siya kaya hindi siya pwedeng magkaanak? Bakit imposible? Imposible dahil imposible o dahil ayaw niya talaga?




"Bakit? Babae ka kaya posibleng mabuntis ka. At lalaki ako na may kakayahan na gawin yun"



Oo medyo walang kwentang katwiran ang sinabi ko. Wala kasi akong maisip na dahilan bakit imposibleng mabuntis siya. Ang alam ko healthy naman siya. Bago naman kami pumasok sa sitwasyon namin at magsimula siyang uminom ng pills ay nagpa check up muna siya. At alam ko walang dahilan para hindi siya mabuntis. Dapat matagal nang sinabi ng doktor yun.

Tuluyan na itong bumangon. Ako hindi ko pa din magawang alisin ang tingin sa kanya. Kailangan ko ng sagot. Kailangang malinawan ako kung bakit hindi siya mabubuntis? Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako.




"Hindi ko pa din tinitigil ang pag inom ng pills"




Mahina niyang sabi na nakapagpabangon talaga sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko? Nasasaktan ako at nagagalit. Agad akong lumapiit sa kanya at hinawakan ko siya sa braso. Hindi ko na napigilan na mapahigpit ang paghawak sa kanya kasi hindi ko din naman mapigilan yung emosyon na nararamdaman ko.


"Ayaw mong mabuntis ka?!"





"OO!"


Napaatras ako sa sagot niya. Sa galit na pagsagot niya. Ayaw niyang mag kaanak kami? Ayaw niyang maging ama ako ng anak niya? Ayaw niyang maging parte ako ng buhay niya?




"Hindi kita maihahatid ngayon. Pwede ka ng umalis"




Tumalikod ako sa kanya para itago kahit paano yung sakit. Yung paulit ulit na pagsampal ng katotohanan na wala siyang plano na makasama ako sa hinaharap. Baka nga napipilitan na lang talaga siya. Baka hinihintay na lang niyang makagraduate para pwede na niya akong iwan ng tuluyan. Kasi kung mahal niya ako madali naman na mapikot niya ako kung gugustuhin niya pero hindi niya gagawin. Ayaw niyang magkaanak kami para wala siyang panghawakan sa akin. Ayaw niya. Hindi ba niya nararamdaman na mahalaga siya sa akin? Kahit hindi ko naman sabihin na mahal ko siya wala naman siyang nakikita na ibang babae na kasama ko. Hatid sundo ko siya. Naka ikot ang buhay ko sa kanya. Tapos siya? Ayaw niya pala sa akin.






"Mark Ethan, Hanggang kailan ba tayo ganito?"




Lalo akong nasaktan sa tanong niya. Hindi na ba niya mahintay na iwan ako? Huwag mo naman akong saktan ng paulit ulit.




"Hanggang gusto ko"




Hindi ko magawang humarap sa kanya. Hindi ko gusto na makita niya ako na ganitong nanghihina ng dahil sa kanya.





"Pag malapit ka nang manawa, sabihan mo langa ko. Para.."




"Para makalapit na sa'yo ang ibang lalaki?!"


Hindi ko na pinatapos sasabihin niya. Bakit ba atat na atat siyang makalayo sa akin? Pero hindi ko inaasahan ang malakas na sampal mula sa kanya. Ang galit na nagmumula sa mga mata niya. Ngayon ko lang naisip yung sinabi ko. Hindi naman nga siya masamang babae para maghanap agad ng lalaki. Yung sakit at galit na nararamdaman ko lalo lang nagpapalabo sa sitwasyon namin. Niyakap ko siya ng mahigpit na ikinagulat niya. Nakakapag isip din minsan na nagrereact siya sa mga simpleng bagay na ginagawa ko sa kanya. Katulad ng ganitong yakap lang. Hinalikan ko siya sa leeg niya. Masuyong halik na parang pumawi din sa galit at sakit na nararamdaman ko. Lumayo ako sa kanya.


Agad ko siyang hinalikan. Madiin. Maalab. Yung halik na sagot sa tanong niya na pagnasawa na ako sabihan ko siya. Kahit kailan hindi ko pagsasawaan na gawin ito sa kanya. Torpe ako pero hindi naman ako baliw para pakawalan siya. Madami na akong emosyon na puhunan sa kanya. Agad kong naramdaman ang pagtugon niya sa mga halik ko. Ang muling pagpapaubaya niya sa init na pinaparamdam ko sa kanya. Agad ko siyang binuhat pabalik sa kama. Wala akong pakialam sa opisina o sa meeting na hindi matutuloy. Basta kailangang iparamdam ko na mahal ko siya. Kahit sa ganito munang paraan. Huwag kang mag alala mahal konting lakas ng loob na lang masasabi ko din sa'yo yung mga salitang yun. Ngayon mamahalin muna kita ng paulit ulit.





_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon