Chapter 24

196K 2.8K 134
                                    








"Pinagpapaalam mo ang anak ko para lumabas kayo?"




Seryosong sabi ni Daddy. Kumakain kami ngayon ng breakfast. At kanina nga sinabi ni Mark Ethan yun. Kung pwedeng lumabas kami. Yun ang unabg salitang narinig ko sa kanya mula nung sabihin ko na Mahal ko siya. Matapos kasi nun bigla na lang kaming pinatawag kasi andun daw si Daddy at kakain na din daw kami. Kaya hindi ko na nalaman kung ano bang sagot ni Mark Ethan. Kung bakit seryoso siya nung marinig niya ang mga katagang yun.





"Yes Sir"







Seryosong sabi ni Mark Ethan, nagawa niyang lumaban ng titigan kay Daddy. Nakatulong siguro na sanay na siyang makiharap sa business nila. Kaya ang Pressure ay wala sa vocabulary ni Mark Ethan. Kaya mahirap din basahin ang iniisip niya. Kaya hindi ko din alam kung anong nararamdaman niya. Sabi nga niya malabo ang sitwasyon namin. Malabong malabo pero kasama ko siya. Anong paliwanag pa ang kailangan ko.








"Bakit naman ako papayag?"







"Kasi nasa tamang edad na po ang dalaga niyo. Mamasyal lang po kami Sir. Ibabalik ko din po siya dito. Hindi ko po siya ilalayo sa inyo ng tuluyan gaya ng ipinagmamalaki nung isa niyang manliligaw."







Umiling lang si Daddy. Pero nangingiti siya. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya. Bakit ba ang hirap basahin ang isip ng mga lalaki? Naramdaman ko ang paghawak ni Mark Ethan sa kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Nung tingnan ko siya. Seryoso pa din siya na nakatingin kay Daddy





"Bakit parang siguradong sigurado ka na ikaw ang pipiliin ng anak ko?"






Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. At ang pagsalikop niya dun. Siguradong sigurado siya Daddy kasi kakasabi ko lang na Mahal ko siya.






"Hindi po ako sigurado Sir."








Pagtingin niya sa akin ang lapad lang ng ngiti niya. Ang adik lang. Sa harap pa ni Daddy talaag siya ngumingiti ng ganyan? Hindi ko siya makukurot. At hindi pa siya sigurado ng lagay na yan?






"Nagkataon lang po na wala ng pagpipilian ang Anak niyo. Ako lang po ang para sa kanya. Napipilitan lang po talaga siya sa akin."






Kung wala siguro kaming kasama nabatukan ko na siya. Pansin ko lang bakit ang sweet niya pag kaharap ang parents namin? Sa ibang lalaki hindi ganun kavocal. Samantalang itong lalaking ito kung kailan dapat mahiya siya dun siya malakas ang loob.






" Sige pumapayag na ako." ngumiti lang si Daddy. "Tutal naman mukhang hindi mo papakawalan ang pagkakahawak mo sa kamay ng anak ko" Nagulat ako nung ipakita niya ang picture na kuha niya. Ang kamay naming dalawa. Ang adik lang din ang ama ko. Paano pala kung hindi hawak kamay lang ang ginawa ni Mark Ethan? Eh di lagot kami?





"Ibinibigay niyo na po ba ang kamay ng anak niyo sa akin?"






"Hoy lalaki! Date lang ang pinagpapaalam mo."






Tatawa tawang sigaw ni Mommy. Nakikinig lang din siya kanina pa. Hinayaan niya na yung dalawang lalaki sa buhay namin ang mag usap. Pero alam ko naman na gusto niya si Mark Ethan para sa akin.






"Oo nga po. Magdadate kami sa may simabahan. Sa harap ng pari"






Hinila ko na siya baka kung anong masabi niya. Baka sa halip na natutuwa si Mommy ay biglang mahigh blood sa pinagsasabi niya. Mark Ethan hindi mo pa binabalik ang "Mahal kita" na sinabi ko kaya huwag mong banggitin ang salitang simbahan. At kung ano man na may kinalaman sa salitang Kasal.




"Ang baliw mo"







Nasa may sasakyan niya kami. Sa tapat ng bahay namin yun nakapark. Hindi pa niya inistart kasi hindi pa namin alam kung saan kami pupunta.






"Kahit sinong lalaki mababaliw pag Mahal kami ng babaeng pinapangarap namin"





Hanggang ngayon mababakas pa din sa mukha niya na sobrang saya niya. Samantalang kanina nung sabihin ko yun halos hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Kung anong nararamdaman niya.







"Pero bakit kanina parang nabigla ka? na parang ayaw mo?"





"Kasi hindi ko alam kung paano ako magrereact. Paano ba yung gusto mong magtatalon sa sobrang saya pero yung puso mo biglang tumigil sa pagtibok? Ganun pala yun?" Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa may Puso niya. "Akala ko kanina mawawala siya sa pwesto niya. Huwag mo na ulit akong bibiglain ng ganun ahh. Baka ikamatay ko"





"adik"






Siguro nga hindi kami sanay ng ganun. Na sinasabi ang nararamdaman. Hindi ko tuloy maimagine kung siya na ang magsasabi ng katagang yun. Baka himatayin ako.






"May utang tuloy ako sayo. Hindi ko alam kung kailan ko maibabalik yung Mahal Kita mo" bigla siyang sumeryoso habang nakatingin sa akin. Yung kamay ko hawak hawak pa din niya. "Ang totoo parang ayaw kong ibalik. Para lang kasi sa akin yun. Hayaan ko na lang na mabaon ako sa pagkakautang sayo. Kahit lagyan mo pa ng interes. Yung tipong sa sobrang laki ng utang ko sayo. Hindi na ako makakabayad. Tapos hindi ako aalis sa tabi mo. Pagsisilbihan kita. Wala na akong kawala. At wala akong balak kumawala."







Hindi ko na magawang magsalita pa. Baka kasi masabi ko na naman yung mga salitang yun. Pero masisisi mo ba ako Mark Ethan? Sa sobra sobra ng pagmamahal ko sayo.. Umaawas na. Nagkukusa ng kumawala. Hindi na kayang pigilan ng utak. Ganun kita kamahal Mark Ethan.








_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon